CHAPTER 5

2299 Words
I ran away as my tears kept falling. I was wearing a white wedding gown. I fled my wedding today to follow the dictates of my heart. "Franco! Franco!" I call his name. Binuksan ko ang pinto at hinanap ko si Franco sa loob ng bahay ngunit hindi ko siya nakita. "Franco!" sigaw ko. Nagpadausdos ako sa gilid ng dingding habang walang tigil ang pagpatak ng luha ko. "Franco nandito na ako." bulong ko pa. Nagmamahalan kaming dalawa ni Franco ngunit dahil pinagkasundo ako ng aking Mommy sa lalaking hindi ko mahal napilitan akong makipaghiwalay sa kanya kahit labag sa loob ko. Ngunit nang malaman kong babalik na si Franco sa Amerika hindi na ako nag-dalawang isip na tumakas sa mismong araw ng kasal ko. "Mahal ko." "F-Franco?" dahan-dahan akong tumingala upang tingnan ang nagmamay- ari ng boses na iyon. Matamis na ngiti ni Franco ang bumungad sa'kin. Walang suot si Franco na damit sa itaas at nakasuot siya ng fitted na boxer short bakat tuloy ang jumbo hotdog niya. Tumayo ako upang yakapin siya. "Franco!" Umiyak ako sa harapan niya. Naghalo na yata ang sipon at uhog ko dahil sa atungal baka. Naramdaman kong hinihimas niya ang likod ngunit ang nakakatawag pansin sa'kin ay ang kanyang jumbo hotdog na tumutusok sa wedding gown ko. "Don't cry, hindi na tayo maghihiwalay." bulong niya sa'kin. Bahagya niyang inangat ang mukha niya pagkuwa'y dahan-dahan niyang hinaplos ang mukha ko. Tinitigan ko siya. "Hahalikan mo na ba ako?" tanong ko sa kanya. Gustong-gusto ko ng halikan ako ngunit tila maraming pasakalye si Franco. Huminto ang kanyang daliri sa aking labi at pilyo siyang ngumiti. "Hindi pa kita hahalikan. Gusto ko munang pagmasdan ang iyong mukha. Hindi ako makapaniwala na katabi na kita ngayon. Napalunok ako. "Gano'n ba sayang naman." Bahagyang umangat ang kanang kilay niya. "Ano ang sayang?" tanong niya. "Sayang naman kung patatagalin pa natin ito mahal ko. s*x na s*x na ako, e." hindi ko napigilang sabi. Tumawa si Franco at pagkatapos ay dahan-dahan niyang pinagapang ang kamay niya sa aking pwet at pinisil niya ito. "Ahhh!" sambit ko. "Bakit ka umuungol kinukurot ko lang ng taba mo." sabi niya. "Ay! Hindi pa ba akala ko kasi tumusok na eh, masakit kasi." Hinawakang muli ni Franco ang mukha ko at marahang hinaplos. "Halikan mo na ako. Please!" pakiusap ko. Ngunit sadyang pinasasabik ako ni Franco na imbes halikan ako ay hiinipan niya ang buhok ko at ilong ko. "Putspa! Halikan mo na ako." inis kong sabi kay Franco. Hindi ba niya alam na matagal na akong ready sa kanya. "Huwag kang masyadong magmadali mahal ko mas maganda ang mabagal ngunit masarap." sabi niya. "Sige, bagalan mo pa iiwan na kitang hudas ka." sagot ko. Hinapit niya ang bewang ko at tinitigan. Daig ko pa ang may sakit na epilepsy dahil nanginginig ang mga bilbil ko. Pumikit ako nang maramdaman ko ang hininga niya. "This is it" "Fatty!!" Napalikwas ako ng bangon dahil sa lakas ng sirena ng bombero. Natumba pa ako dahil sa pagmamadali kong umalis. "Anong ginagawa mo Fatty?" Inangat ko ang mukha ko at nakita ko si Ate Chenie na nakapamaywang sa'kin. Nakatali ang buhok niya at nakasuot ng bulaklaking bestida. Hindi maarok ang kanyang kilay dahil sa taas nito. Ang butas ng ilong niya ay parang galit na baka. "Ano ba Ate? Akala ko may sunog bakit ka ba nanggugulat?" reklamo ko kay Ate. Malapit na akong mahalikan ni Franco. Konti na lang malalasap ko na ang halik niya. Dinuro ako ni Ate Chenie. "Hoy, ikaw! bakit mo hinahalikan ang teddy bear mo. Ano ang napanaginip mo?Hindi mo ba alam ala singko nang umaga hindi ka ba bumabangon." parang armalite na sabi niya. Humahaba ang nguso kong tumingin sa kanya. "Nasa kalagitnaan na kasi kami ng c****x ng future husband ko. Naudlot pa malapit na ako do'n tsug-tsugan." pagsisinungaling ko. Nag-sign of the cross si Ate Chenie. May allergy si Ate Chenie kapag tungkol sa s*x. "Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo? Kababae mong tao ang bastos mo. Kaya pati sa panaginip bastos. Kumilos ka na diyan baka mahuli ka pa sa trabaho. Kung gusto mong tumagal sa trabaho dapat masipag at pumapasok ka ng maaga." sabi ni Ate. "Yes, Master." biro ko. Huminto si Ate Chenie at tinitigan ako ng matalim at pagkatapos ay binigyan ako ng special skill niya ang karate with extra batok at sabunot. "Aray!" reklamo ko. "Kumilos ka na diyan." huling sinabi niya bago siya umalis ng kuwarto ko. Kakamot-kamot ako sa ulo habang kinukuha ko ang towel. Bumaba ako ng first floor upang maligo. Pagkatapos ay kumain ako ng almusal ko. "Bakit ito lang ang pagkain ko?" takang tanong ko. Dalawang pritong itlog, isang jumbo hotdog, tea at dalawang platong kanin. Nawala na ang tinapay, siningang at ham sa lamesa. "Ang dami ng ulam kulang pa ba sa'yo." taas kilay ni Ate. "Hindi ako mabubusog sa pagkain na ito. Gusto mo ba talaga akong himatayin sa daan?" inis kong tanong. Naputol na nga ang love making namin ni Franco dahil ginising niya ako pati ba naman sa pagkain titipirin ako ni Ate. It's unfair. "Pwes! Kapag sumahod ka bumili ka ng pagkain na gusto mong bilhin. Huwag kang magreklamo wala kang binibigay na pambili. Isa pa uso diet pansinin mo naman ang pagda-diet." "Next year na ako magda-diet sa ngayon kailangan kong kumain ng marami." sagot ko. Nilamukos ni Ate ang mukha niya. "Tatanda ako sa 'yo." wika ni Ate. "Hayaan mo Ate ako na lang ang bibili ng flanax mo ng isang buong taon— ouch!" "Tigilan mo ako!" singhal ni Ate. Nag peace sign ako sa kanya pagkatapos ay ipinagpatuloy ko ang pagkain ng almusal. Hindi ko hahayaang masira ang magandang araw na ito lalo na at binigyan ako ng sign ni God para maging masaya. Matapos kong kumain ay naligo at pagkatapos ay ginawa ang daily skin care ko para gandang artista everyday. Naglagay ako ng makapal na pulang lipstik na kasing kapal ng mukha ng kapitbahay namin tsismosa. Halos ipaligo ko na ang pabango ko para kapag lumapit sa'kin si Sir.Franco, at babalik-balikan niya ang amoy ko. Tumingin ako sa salamin at pagkatapos matamis na ngumiti. "Ready na ako." sabi ko. Kinuha ko ang bag ko para umalis na sana ngunit bigla kong naalala ang babaunin kong pagkain. Balak kong bigyang ulit ng graham cake si Sir. Franco. "Ate!" tinawag ko si Ate ngunit walang sumasagot kaya naman nagmadali akong pumunta sa kusina at kumuha ng plastik bag. Binuksan ko ang laman ng refrigerator ngunit nadismaya ako dahil walang pagkain sa loob ng refrigerator kung hindi tubig lang. "Hayss! Ang takaw naman ni Ate, ang dami pang laman ng refrigerator kagabi bakit biglang nawala. Kukuha sana ako ng biscuit pero dalawang piraso na lang ang laman. Dinukot ko ang pitaka sa suot kong palda at tiningnan ko ang laman ng pera ko. "Hays! One thousand pesos na lang ang pera ko hindi na ito aabot sa raw ng sahod ko." Bagsak ang balikat kong lumabas ng kusina paglabas ko ay nakita ko si Ate Chenie na nakasandal sa entrance door at nakahalukipkip. Nakatingin siya sa'kin. Hindi ko siya pinansin kinuha ko ang bag ko para umalis na. "Galit ka?" Huminto ako at malapad akong ngumiti. "Hindi! Ang saya! saya nga Ate walang laman ang refrigerator huwag na rin lagyan ng tubig buksan mo na ang refrigerator ng walang laman bukas." sarkastikong kong sagot. "Tama 'yan para makapag diet ka. "Sige na, umalis ka na baka mahuli ka pa sa pagpasok sa work." Nakasimangot ako nang umalis ng bahay. Ang akala ko pa naman maawa sa'kin si Ate dahil wala akong baon. Sumakay ako ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep. Pagsakay ko ng jeep napansin ko ang isang babae na katabi na pareho kami ng uniform. Tumingin siya sa'kin na tila kinakabisado ako. Hindi ako umimik dahil wala akong baon ngayon. Kapag wala akong pagkain ayokong maging friendly. "Ma'am, good morning!" bati ni security guard sa'kin. Pilit akong ngumiti sa kanya. "Good morning." tipid kong sagot. Nang sumakay ako ng elevator nakita ko ang babae na kasabay ko sa jeep kanina. "Hi, saan ka department ka?" nakangiting sabi ng babae. "Secretary ako ni Sir Franco." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay ngumiti. "Isang himala yata." Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko nagawang sumagot sa tanong niya dahil bumukas na ang pinto ng elevator. Lumabas ako at naglakad papunta sa opisina. "Ako nga pala si Mel." sabi ng babae. Sinabayan niya ako sa paglalakad. "Fatima. "tipid kong sagot. "Nice meeting you Fatima." Iyon ang huling sinabi niya dahil lumiko na ako sa kabilang daan. Nandoon kasi ang opisina ng boss ko. Inayos ko muna ang table ko bago ko isa-isang niligpit ang mga gamit ni Sir Franco. Pagkatapos nag-check ako ng schedule ni Sir Franco ngayong araw. "Hi!" Kumunot-noo ako. Nakita ko naman kasi si Mel. Magandang babae si Mel. Sexy at may magandang pangangatawan. Ngunit hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong sundan. "Sinusundan mo ba ako?" tanong ko. Tumawa si Mel. Hindi kita sinusundan. Nandoon lang sa kabila ang table ko. Isa ako sa mga accounting staff." Tumango-tango ako. "I see.. Anong kailangan mo?" "Inutusan ako ng boss ko na itanong kay sir Franco kung napirmahan na niya ang mid year bonus ng mga empleyado." Tumango ako. "Wala pa si Sir Franco. Tumawag na lang kayo sa'kin mamayang alas nuebe ng umaga." "Okay," sabay ngiti niya. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko ngunit napansin kong hindi pa siya umaalis. "May kailangan ka pa?" Lumapit siya sa'kin at yumuko. "Curious lang ako paano ka naging secretary ni sir. Franco?" Tumaas ang kilay ko. "Malamang nag-apply ako bilang secretary, pumasa ako kaya ako naging secretary niya." Umupo si Mel sa tabi ko at kumuha ng candy na nakalagay sa gilid ng computer ko. "May chika ako sa'yo girl, alam mo bang si sir Franco hindi kumukuha ng hindi sexy at magandang sekretarya." "Maganda at sexy naman ako. Anong problema mo?" "Sexy at maganda sa paningin ng lahat hindi sa paningin mo lang. Nagtataka talaga ako kung bakit naging sekretarya ka niya." "Bumalik ka na lang sa trabaho mo. Baka makita pa ako ng boss ko." "Okay, see you later." Tiningnan ko siya. "Bakit?" "Sabay tayong mag lunch mamaya." pagkatapos ay umalis na siya. Sa loob ng isang linggo kong pagtatrabaho sa kumpanya na ito ngayon lang ako nagkaroon ng matinong kausap. Minsan kasi sa tuwing dumadaan ako sa maraming tao sinasabihan nila akong Oink! Oink! kaya imbes na maging close ko sila hindi na dahil sinusugod ko sila. Hindi kasi ako ang klase ng babae na babaliwalain ang pang-iinusulto nila sa'kin. Ang katwiran ko sa buhay. Hindi mo ako pinapakain kaya wala kang karapatan magreklamo sa katawan ko. "Good morning!" masayang bati ko nang dumating ang future husband ko este ang boss kong si France. I flipped my hair, and then walked towards him. "Good morning," walang ka gana-gana niyang sagot sa'kin. "How's your sleep, Sir?" nakangiting sabi ko. Bumuntong-hininga siya. "It's not good. Because I had a nightmare." Nakakalungkot pala. "Sir, ask me, how's my day? His eyebrows rose. "How's your day?" I hugged myself as I remembered my dream. I dreamed of my future husband. We're about to kiss." Kinikilig pa ako habang inaalala ko iyon. "Your future husband is pathetic." Binuksan niya ang kanyang laptop at nagsimula ng magbasa ng emails. I shook. "He is lucky because. I chose him over the man who's destined to marry me." "Ano ba ang napanaginipan mo parang fantasy. Timplahan mo ako ng kape." sabi ng hindi man lang ako binigyan ng pansin. "Yes, sir!" Nagtimpla ako ng kape at pagkatapos kumuha ako ng sticky note at nilagyan ko ng message para gumanda ang umaga niya. "Sir, Keep smiling." iyon ang sinulat ko sa sticky note pagkatapos ay idinikit ko iyon sa baso niya. "Here's your coffee sir." sabi niya. Abala siya sa ginagawa niya kaya hindi niya pinag-aksayahan ng pansin na tingnan ang kape na ginawa ko. Pasilip-silip ako sa table ni sir at pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ko siya ng video upang makita ko ang reaksiyon niya. Pagkatapos naging abala na ako sa pagtanggap ng tawag. Napansin kong wala na ang tasa ng kape sa harap ng table niya kaya pinutol ko ang video at pagkatapos ay pinanood ko ito. Napangiti ako ng makita ko siyang binasa ang nakadikit sa tasa niya at ngumiti sa'kin pagkatapos ay tumingin sa'kin. "Crush na yata ako ni Sir. kilig na kilig na ko." Inunat-unat ko ang katawan ko nang makita ko sa orasan na alas dose nang tanghali. Kahit gusto kong kumain ng marami hindi ako pwedeng mag-excess sa free meal ko dahil ang pera ko ay nakabudget para sa pamasahe. "Miss Fatty." "Ang future husband ko." Dahan-dahan ang naging paglingon ko sa kanya. Nakatayo siya sa harapan ko at pagkatapos ay ngumiti. "Nagpa-order ako ng pagkain sabayan mo ako." "H-Ha?" Narinig ko naman ang sinabi niya pero bakit parang bigla akong nabingi. "Dito na lang tayong dalawa kumain sa opisina sabayan mo ako. It's okay with you?" Tumango ako. "Kahit ako ang kainin mo sir pwede." Nagsalubong ang kilay niya. "What?" "A-Ahh— I mean kahit kumain ako ng konti okay lang." alibi ko. Pulang-pula ang mukha ko dahil sa sinabi ko. "s**t! Marupok ka Fatty." bulong ko. "You have something you say?" Umiling ako. "Nothing sir." sabay ngiti ko. "Alright, hintayin nalang natin dumating ang order natin." sabi niya pagkatapos ay bumalik na siya sa table niya. Wala ng paglagyan ang ngiti ko habang nakatingin ako sa malaking salamin ko. Gusto kong tumili ng malakas pero hindi ko magawa. "My gosh! Ang ganda mo talaga Fatty, gusto ka niyang isabay sa pagkain ng future husband mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD