bc

My Father's Bestfriend Is My Lover

book_age18+
1.4K
FOLLOW
14.4K
READ
HE
age gap
powerful
drama
bxg
bold
office/work place
lawyer
like
intro-logo
Blurb

Sa edad na disisais ay nakilala ni Lea ang bestfriend ng kaniyang ama na si Attorney Samuel Corpuz. Mabait, matalino at higit sa lahat ay guwapo ang abogado na agad na nagpatibok sa mura niyang puso. Sa loob ng dalawang taon ay lihim niya itong minahal, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasabi niya rito ang nilalaman ng kaniyang puso isang buwan bago dumating ang kaniyang ikalabing walong kaarawan. At hindi rin niya inaasahan na magkakaroon ng katugon ang pag-ibig niya para dito. Nagkaroon sila ng relasyon—isang bawal na pag-ibig. Pag-ibig na wawasak sa kaniyang pamilya at sa kaniyang pagkatao. Hindi nila naiwasan ang pang-aalipusta at panghuhusga ng mga taong nakapaligid sa kanila hanggang sa mapagpasyahan ni Samuel na lumayo para na rin sa ikatatahimik ng lahat. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana dahil matapos ang ilang taon ay nagbalik si Samuel para ipagpatuloy ang naudlot nilang pag-iibigan ni Lea. Sa muli niyang pagbabalik ay wala ng makapipigil pa sa pag-ibig na nadarama niya para sa dalaga na maging ang pagkakaibigan nila ng sarili nitong ama ay kaya niyang kalimutan mapagbigyan lang ang isinisigaw ng kaniyang damdamin.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Prieto and Corpuz Law Office. Iyon ang nakalagay sa itaas na bahagi ng building. Sa loob niyon ay naroon ang opisina ni Samuel Corpuz, ang bestfriend ni daddy. Kanina pa ako nakatitig sa glass door ng building na iyon at nagdadalawang-isip ako kung ngayon ko na bibisitahin si Samuel o mamayang hapon na lang pag-uwi ko galing sa school. Bukod kasi sa may mangilan-ngilang tao na pumapasok roon ay baka ma-late ako sa first period ng panghapong klase. Alas dose kuwarenta y singko na kasi ng tanghali. Ala una ang unang subject at halos sampung minuto ang gugugulin ko kung sasakay ako ng jeep papasok sa school. 'Bahala na,' Iyon ang nasa utak ko. Matapos bumuntong-hininga ay naglakad na ako patungo sa glass door. Ngayon ko na kakausapin si Samuel para ibigay sa kaniya ang invitation card. Sa isang linggo na kasi ang birthday ko at inutusan ako ni mommy na ako na raw ang magbigay ng invitation card kay Samuel dahil on the way naman ang opisina nito papunta sa school na pinapasukan ko. Lagpas isang buwan na kasi na hindi nagagawi sa bahay si Samuel. Ni hindi man lang ito tumawag sa parents ko. Napailing na lang ako. Ang alam ng parents ko ay abala si Samuel sa mga kaso na hawak nito. Pero may kutob ako na dahil iyon sa nangyari nang sunduin niya ako sa school isang buwan na ang nakararaan. Gusto kong kalimutan ang araw na iyon pero hindi siya mawala sa isip ko. Paulit-ulit siyang sumasagi sa utak ko na tila ba isang sirang plaka. Alam kong mali pero hindi ko mapigilan ang aking sarili nang araw na iyon at nasabi ko sa kaniya ang nilalaman ng aking puso. Hiyang-hiya ako nang matapos kong masabi sa kaniya na mahal ko siya ay agad niyang pinaharurot ang kotse at agad akong inihatid sa bahay. Dati-rati ay nakukuha pa niyang ipasyal ako o kaya ay kakain kami sa labas, pero nang araw na iyon ay nadama ko na galit siya sa akin, sa mga sinabi ko. Iyon na ang huli naming pagkikita at kahit nasa kaniya ang cellphone number ko ay hindi man lang niya ako tinatawagan. "Good afternoon, Ma'am," nakangiting bati sa akin ng guwardiya matapos akong pagbuksan ng pinto. "Hello po. Nariyan po ba si Attorney Corpuz?" tanong ko. "Yes po. Nasa opisina niya. Puntahan n'yo na lang po ang secretary ni Attorney." "Thank you po." Nagmadali kong tinungo ang secretary ni Samuel subalit napatda ako nang bumukas ang kaniyang opisina. Mula roon ay lumabas ang maganda at seksing babae na naka-angkla pa ang kamay sa braso ni Samuel. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero napansin ko na lang na niyakap ng babae si Samuel saka hinalikan sa pisngi. Nawala ang ngiti sa mukha ni Samuel nang makita ako. Hindi ko alam kung galit pa rin siya sa akin dahil gumalaw ang kaniyang panga. Agad din naman siyang ngumiti nang kumalas ng yakap sa kaniya ang babae. "See you when I see you, Alice," saad niya sa babae. "Oh sure, honey. Just call me when you're already in Boston, okay?" "Yup!" Halos gumuho ang mundo ko nang bago tumalikod si Alice ay hinalikan nito ang labi ni Samuel. Tila may isang libong karayom ang sabay-sabay na tumutusok sa aking puso. Hindi ko kayang makita na may nagmamay-ari na sa kaniya. Durog na durog ang puso ko nang mga oras na iyon subalit nakuha kong ngumiti nang makaharap ko ang secretary ni Samuel. Hindi ko pinansin si Samuel nang ihatid niya sa labas si Alice. Nanatili lang ako roon sa harap ng mesa ng sekretarya niya. "Hindi n'yo na po ba hihintayin si Att. Sam, Miss Lea?" tanong sa akin ng sekretarya. "Hindi na po. Ma-le-late na po kasi ako sa klase. Kailangan ko ng umalis. Pakibigay na lang po ng invitation card sa kaniya." "Sige po, Miss Lea. Makakarating kay Attorney." Kinuha ng sekretarya sa ibabaw ng mesa ang inilapag ko na invitation card at isinilid iyon sa drawer. Tumalikod naman ako at naglakad na palabas ng pinto pero nakasalubong ko si Samuel. Madilim ang mukha niya nang tumingin sa akin. Parang pikon na pikon siya sa presensiya ko. "It's almost one o'clock in the afternoon, Lea," saad niya sa baritonong boses. "Ihahatid kita sa school mo." Hinawakan niya ang kabila kong braso at sabay kaming lumabas ng building. "Sasakay na lang ako ng jeep," saad ko. Nahihiya ako sa kaniya dahil busy siya sa trabaho pero nag-offer pa siya na ihatid ako. Isa pa ay naramdaman ko ang tila kuryente na nagmumula sa palad niya na nakahawak sa aking braso. Parang dumadaloy ang kuryenteng iyon sa buo kong katawan. "Walang dumadaang jeep dito kapag ganitong oras." Binuksan na niya ang kaniyang kotse at inalalayan akong makasakay. Magkahalong saya at panghihinayang ang nadarama ko nang mga oras na iyon. Masaya ako dahil makalipas ang isang buwan ay muli ko siyang nakita at nakasama. Malaki rin ang panghihinayang ko dahil may ibang babae na nagmamay-ari sa puso niya. "October 12 is your eighteenth birthday, right?" tanong niya habang nagmamaneho. Tumingin siya sa akin saglit at agad ring ibinaling ang paningin sa daan. "Yeah," sagot ko. "Pinapunta ako ni mommy sa office mo para dalhin ang invitation card. Hindi ka na raw kasi nagagawi sa bahay. Nagtatampo sila sa 'yo." "If you only knew why, Lea." Bumuntong-hininga siya. Naglakas-loob akong magtanong. "Why? Galit ka sa akin? Galit ka sa ginawa ko noong huli tayong magkita?" Agad niyang ipinarada ang sasakyan sa tabi ng highway. Niluwagan niya ang suot na necktie dahil tila nasasakal siya. Napakahigpit ng pagkakahawak ng kabila niyang kamay sa manibela. Pumikit siya at ipinatong doon ang kaniyang noo. "D*mn, Lea! Ayokong dumating ang panahon na masira ang pagkakaibigan namin ng dad mo." "I am sorry," tugon ko. Matalik silang magkaibigan ni daddy. Grade ten ako nang makilala ko siya nang umuwi siya rito sa bansa matapos ang sampung taon na paninirahan niya sa abroad. "I am just being true to myself." "I don't know what am I gonna do to you." Nilingon niya ako. "Ang daming lalaki, Lea. Bakit ako pa?" "I don't know." Hindi ko mabigkas ang pangalan niya. Hindi ko kasi alam kung Samuel ang itatawag ko sa kaniya o Uncle Samuel. "I am really sorry, but I love you. Unang beses pa lang kitang nakita ay iyon na ang naramdaman ko. Pinilit ko namang itago, e. Pinilit kong pigilan." Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi. Hiyang-hiya ako sa harapan niya pero kailangan kong masabi ulit sa kaniya ang nararamdaman ko. Parang sasabog ang puso ko sa labis na sakit. "That's the reason why I chose not to visit your parents," wika niya mayamaya. "I am hoping that you would change your mind. And that what happened last month was just a childish action of yours." "No!" Umiling-iling ako. "It's not. What I am feeling towards you last month is the same with what I am feeling with you right now." "D*mn!" Naihilamos niya ang palad sa sariling mukha. "Your father will k*ll me."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook