Chapter 2

1145 Words
Alas singko ng hapon natapos ang huli naming subject nang araw na iyon. Agad akong lumabas ng school at naghintay sa waiting shed. Pilit akong niyayaya ng bestfriend ko na si Mila na pumunta muna sa mall para mamasyal pero tinanggahin ko. Susunduin kasi ako ngayon ni Samuel. Iyon ang sabi niya sa akin nang ihatid niya ako kanina. Napapangiti ako sa aking sarili habang nakaupo roon sa waiting shed. Kahit kasi todo ang pag-iwas sa akin ni Samuel ay nagmagandang loob pa rin siya na sunduin ako. Hindi niya talaga ako matitiis palibhasa ay alam niya na walang susundo sa akin. Wala kasi kaming driver at may trabaho parehas ang mga magulang ko. "Hi, Lea," bati sa akin ni Jeffrey na nagkataong napadaan sa waiting shed. Kasama niya ang dalawa niyang kabarkada. "Hi," tugon ko saka itinuon ang aking pansin sa sa hawak kong cellphone. Naghihintay ako ng tawag ni Samuel dahil late na siya ng sampung minuto. "Ihatid na kita sa inyo, Lea," ani Jeffrey saka ipinakita sa akin ang hawak niyang susi. "May dala akong kotse." Maykaya ang pamilya ni Jeffrey kaya may sarili na itong kotse. Subalit sa edad na bente ay nasa senior high pa rin ito dahil ilang beses na tumigil sa pag-aaral. Nalulong kasi ito sa bisyo at barkada. Siya ang pinakamayabang sa buong klase namin kaya hindi ako nakikipagkaibigan sa kaniya. Tamang hi or hello lang ang iginaganti ko sa tuwing babatiin niya ako. "Lea naman! Hanggang ngayon ba ay mailap ka pa rin sa akin? Ilang taon na akong nagpapapansin sa 'yo pero ni hindi mo man lang ako kausapin nang maayos. Puro hi o hello lang ang natatanggap ko sa 'yo." Tumawa ang dalawa niyang kaibigan. Tinukso ng mga ito si Jeffrey. Pati ako ay hindi nakaligtas sa mga panunukso nila. "Matagal ka ng gustong ligawan nitong kaibigan namin, Lea," saad ni Macky. Medyo malakas ang boses nito kaya nagsitinginan sa amin ang mga estudyante na dumadaan. "I'm sorry, pero hindi ako nagpapaligaw. Ayokong mapagalitan ako ng parents ko." Totoo ang sinabi ko. Ayaw ng mga magulang ko na may nanliligaw sa akin. Ayon sa kanila ay hindi ako puwedeng magpaligaw hangga't hindi ako nakakatapos sa kolehiyo. Hindi pa ako puwedeng ma-in love o kaya ay magkaroon ng boyfriend, pero pagdating kay Samuel ay hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko. Mahal na mahal ko siya at iyon ang isinisigaw ng aking puso. "Iyon naman pala, Jeff," muling wika ni Macky. "Wala namang masama kung manliligaw ako, Lea. Isa pa, wala ka ng hahanapin pa sa akin." Ngumisi si Jeffrey at nilapitan ako. "Mayaman ang pamilya ko. At nakasisiguro ako na magugustuhan ako ng mga magulang mo." Hinawakan niya ang kabila kong palad. "Tara na." "Jeffrey, no!" tanggi ko sabay hablot ng aking palad. "May sundo ako at parating na siya." Pabulong siyang nagsalita sa aking tainga. "Lea, naman. Huwag mo naman akong pinapahiya sa harap ng barkada ko." Akma na niyang hahawakang muli ang ang aking palad nang mapansin ko ang pagdating ng puting kotse. Bumukas ang pinto niyon at bumaba roon si Samuel. Nakatingin siya sa kamay ko na hawak na ni Jeffrey. Hindi ko mabasa ang reaksiyon ng kaniyang mukha. Para siyang nakangiti na naiinis dahil napansin ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao. "Your dad is waiting for you, Lea," saad ni Samuel at isang masamang tingin ang ipinukol kay Jeffrey. "You better take your hands off her, young man if don't want my fist to land on your handsome face." "Attorney Sam?" Nagtatanong ang mga mata ni Jeffrey. Ngumsi si Samuel. "So kilala mo pala ako, huh? Gusto mong isumbong kita kay mayor? Hina-harass mo si Lea." Napatingin ito sa dalawa pang barkada ni Jeffrey na agad na tumalilis ng takbo nang mapansin ang galit ni Samuel. Dali-dali kong tinungo ang nakabukas na pinto ng kotse ni Samuel. Doon ko na lang siya hinintay habang kinakausap niya si Jeffrey. Kabado ako dahil baka kung ano ang isipin ni Samuel. "Let's go," saad niya nang nasa harap na siya ng manibela. Tumango ako. "Where do you wanna go?" muli niyang tanong habang inaayos ang seatbelt ko. Halos hindi ako makahinga nang magtama ang aming paningin. Ilang minuto rin kaming nagkatitigan at siya ang unang bumawi ng tingin. Bumuntong-hininga siya at tumingin sa kalsada. "Lea," halos pabulong na wika niya nang hindi tumitingin sa akin. "To tell you the truth, ayokong magpaligaw ka sa lalaking iyon. Ayoko." Kumunot ang noo ko. "Why? Di ba kaninang tanghali ay sinabi mo sa akin na maraming lalaki na puwedeng kong magustuhan, basta huwag lang ikaw? Na puwede akong magpaligaw sa magpaligaw at—" "Binabawi ko na ang sinabi ko kaninang tanghali, Lea." Tumingin siya sa mukha ko at napansin ko ang lungkot sa mga mata niya. "I...I—" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil may sasakyan na biglang bumusina sa likuran namin. Agad niyang pinaandar ang kotse at nilisan namin ang lugar na iyon. Wala kaming imikan habang nasa daan. Ramdam ko ang panaka-naka niyang pagtingin sa gawi ko. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya mabigkas. "Thank you sa pagsundo mo," anas ko. "Sorry I'm late." "It's okay. At least dumating ka." Hindi ko talaga mabigkas ang pangalan niya. "Kung napaaga sana ako ng dating ay hindi ka maha-harass ng g*gong 'yon." Gumalaw ang kabila niyang panga. "Galing ka sa bahay?" "No. Galing ako sa office." "You talk to my dad?" Umiling siya. "But you said that dad is waiting for me." "That was just my alibi." Mariin ang boses niya nang muling magsalita. "Ayokong makita ang lalaking iyon na nakahawak sa kamay mo." Hindi na ako umimik pa. Parang galit siya sa ginawa ni Jeffrey at hindi ko alam kung magiging masaya ba ako. Sa tono kasi ng boses niya ay parang nagseselos siya. "Mas lalong ayokong mabalitaan na nanliligaw sa 'yo ang lalaking iyon," dagdag niya pa. "Wala akong plano na magpaligaw sa kaniya dahil may mahal na akong iba," pasaring ko. Nagulat ako nang agad niyang inapakan ang preno. Kung hindi ako nakasuot ng seatbelt ay malamang na tumama ang mukha ko sa dashboard ng sasakyan. Gusto kong sumigaw sa inis dahil nalaglag ang hawak kong cellphone. Akma ko ng dadamputin iyon pero naramdaman ko na lang na naroon sa aking balikat ang kanang palad ni Samuel. "Nasaktan ka ba?" anas niya. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin at kasabay niyon ay muli ko na namang naramdaman ang tila kuryente na nagmumula sa kaniyang palad patungo sa buo kong katawan. Agad ko siyang nilingon at muling nagtama ang aming paningin. Para akong natulala, nangungusap ang kaniyang mga mata at hindi ko mawari kung pag-ibig nga ang naroon. Saka ko lang napansin na hinaplos niya ang kaliwa kong pisngi. "I don't...know how to say it, Lea." Nauutal ang boses niya. "But...d*mn! I think I'm falling in love with you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD