Chapter 3

1018 Words
"U-Uncle Sam?" Iyon ang namutawi sa aking bibig nang mga oras na iyon. Kasabay niyon ay ang paglandas ng luha sa aking pisngi dahil sa labis na saya. Hindi ko akalain na maririnig ko sa kaniya ang ganoong mga salita. Mga salitang tanging sa panaginip ko lang naririnig. "Lea." Nanginginig ang kaniyang palad habang patuloy iyon sa paghaplos sa aking pisngi. "I can't keep it anymore. Hindi ko pala kaya na makita ka na may kasamang ibang lalaki. Sh!t! Para akong mababaliw kanina. I could k!ll that son of a b*tch!" "I..." Wala akong maapuhap na mga salita. Patuloy ang pagluha ko sa sobrang kasiyahan. Hindi ko pa man naririnig sa kaniya ang mga salitang 'I love you' ay sigurado na ako na parehas ang aming nararamdaman. "Lea, hirap na hirap ako sa sitwasyon natin ngayon." Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at sunod-sunod na lumunok dahilan para mapansin ko ang paggalaw ng kaniyang adam's apple. "I am twice your age," dagdag niya pa. "I don't care about our age gap, Uncle Sam." Gusto kong pagalitan ang aking sarili kung bakit dalawang beses ko na siyang natatawag na Uncle Sam. Napakagat na lang ako sa aking labi. "I cannot resist your charm," usal niya nang imulat ang mga mata at tinalunton ng kaniyang hintuturo ang pang-ibaba kong labi. "I...I know it's forbi*den, but I love you, Lea." Hindi ako makapagsalita pero ang puso ko ay umaapaw sa kaligayahan. Sa wakas ay narinig ko rin ang mga salitang iyon na dalawang taon ko ring pinangarap na marinig. May katugon na rin ang pag-ibig ko para sa kaniya. "I love you not as your uncle, but as a man loves a woman." Pinunasan niya ang luha sa aking pisngi. "Matagal na kitang minamahal nang palihim, Lea. Wala sana akong balak na aminin o ipaalam sa 'yo, pero sa nangyari kanina ay hindi ko na kaya pang itago. Nagseselos ako sa lalaking iyon." Muli na namang gumalaw ang kaniyang panga saka tumalim ang kaniyang mga mata bunga ng galit. "Gaya ng sabi ko kanina, Uncle Sam, wala akong plano magpaligaw sa kaniya o sa kahit na sino pang lalaki dahil ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko at ikaw ang pinapangarap ko na makasama habang buhay." "Can you drop the uncle kapag tayong dalawa lang?" Hinawakan niya ang kanila kong palad at dinala iyon sa labi niya upang halikan. Labis-labis na kuryente ang nararamdaman ko. Parang sasabog ang aking dibdib sa sobrang kasiyahan. Agad kong tinanggal ang aking seatbelt at niyakap siya. "Samuel," wika ko. "I love you. Mahal na mahal kita." "I love you too, Lea." Hinaplos niya ang mahaba kong buhok pababa sa aking likod. Ramdam ko ang init na nagmumula sa matipuno niyang pangangatawan. "But I am worried about you. Bata ka pa at ayokong makaranas ka ng pang-aalipusta sa mga taong nakapaligid sa atin. They will judge us dahil matalik kong kaibigan ang dad mo. Isa pa ay wala ka pa sa edad na disiotso." "Natatakot ka na makasuhan nina mommy at daddy?" tanong ko habang nakayakap pa rin sa kaniya. "That's what I am thinking, Lea. Abogado ako. Ako ang nagtatanggol sa mga napagbibintangan na kriminal. I don't see myself in court as a man in question." "Then puwede nating ilihim sa lahat ang relasyon natin hangga't hindi pa ako tumutuntong sa edad na eighteen," mungkahi ko. "Ayoko rin magkaroon ka ng problema sa trabaho mo bilang abogado." "Oh, Lea." Ramdam ko ang isang mahabang buntong-hininga na pinakawalan niya dahil nakayakap pa rin siya sa akin. "You are making me crazy." Kumalas siya ng yakap saka seryosong pinakatitigan ang mukha ko. "Bestfriend ko ang dad mo...but here I am confessing my feelings towards his daughter." "Bestfriend ka ni daddy pero wala akong pakialam dahil hindi naman tayo magkadugo, Samuel." Sinubukan kong hawakan ang kabila niyang pisngi. Dahan-dahan ko iyong hinahaplos. Nanginginig ang palad ko. Unang beses ko na mahaplos ang pisngi ng taong mahal ko. "Lea." Ipinikit na naman niya ang mga mata saka tipid na ngumiti na parang gustong-gusto niya ang ginagawa kong paghaplos sa kaniyang pisngi. "I love what you are doing." Ilang minuto kami sa ganoong posisyon. Parehas kami nakaupo at magkaharap sa isa't-isa. Kanina ko pa naaamoy ang mabango niyang hininga. "Samuel," wika ko. Naaaliw ako sa paggalaw ng adam's apple niya. Nagdudulot iyon ng kakaibang pakiramdam sa buo kong katawan. Parang bigla-bigla ay gusto kong ilapat ang aking labi sa nakaawang niyang bibig. Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kaniya. Isang pulgada na lang ang layo at mahahalikan ko na siya subalit agad niyang inilayo ang sarili. Napatda ako. Napahiya ako sa aking sarili. Ang akala ko ay may unawaan na kaming dalawa, pero tila takot na takot siya na mahalikan ako. Nangilid ang luha sa aking mga mata. "Pangit ba ako, Samuel? Bakit ayaw mo akong halikan? Mabaho ba ang hininga ko? Akala ko ba mahal mo ako?" "Shhh...." agad niyang tugon at hinawakan ang aking palad. "Lea, maganda ka, mabango, at higit sa lahat ay mahal na mahal kita." Pinunasan niya ang aking luha. "Wala ka pang eighteen years old. Ayokong lumabag sa batas that's why I can't kiss you right now." "Wala namang makakaalam, Samuel. Tayong dalawa lang naman ang narito." Tipid siyang ngumiti. "Kahit na. Hindi mo naiintindihan ang batas, Lea. I am a man of honor. Marami na akong nahawakan na kaso gaya ng ganito at ayokong mangyari sa atin ang nangyari sa kanila. I don't want to commit a crime." "Is it crime for loving me, Samuel?" "It's not," giit niya. "Kailan man ay hindi naging krimen ang mahalin ka, Lea. But for me kissing you when you are not yet on a majority age is a biggest crime given that I am a lawyer myself. If I were your father, I would do anything to throw a thirty eight year old man in prison who would kiss my seventeen year old daughter." Napailing ako. Maprinsipyong tao si Samuel. He goes by the rules, by the law. Kung ganoon ay kailangan ko pang maghintay ng isang linggo bago ko maramdaman ang halik niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD