"Can I kiss you, Samuel?" pangungulit ko sa kaniya nang ihatid niya ako sa bahay namin. Naroon pa rin kami sa kotse at parang ayaw ko ng bumaba at pumasok sa bahay. Gusto ko pa siyang makasama.
Mag-a-alas sais na ng gabi at alam kong wala pa sina mommy at daddy sa loob ng bahay. Tanging ang kasambahay lang namin ang naroon at natanaw ko ang paglabas niya sa front door. Patungo siya sa gilid na bahagi ng aming bahay kung saan naroon ang swimming pool.
"No," tanggi niya. "Not until you reached the age of eighteen."
Sumimangot ako para alam niya na nagtatampo ako. "Napakadamot," bulong ko pa. "Kiss lang naman."
"We need to know our limitations." Hinawakan niya ang aking baba. "Bata ka pa. You don't know what you are doing. So, from now on ay ako muna ang magdedesisyon para sa ating dalawa, okay?"
"All I know is that I love you, Samuel and I want to kiss you. Mahirap bang intindihin 'yon? Look, parehas tayo ng nararamdaman at hindi masama na halikan kita."
"Menor de edad ka," giit niya. "You are just seventeen. Sa akin ang sisi kapag lumagpas tayo sa limitasyon. I know it's just a kiss, but what if we go beyond that?"
"What?"
"Lea, lalaki ako. I have needs. I might go beyond kissing at iyon ang iniiwasan ko. You are so naive and I won't take advantage of that. Please...just do what I say."
Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko talaga siya maintindihan. Hindi ko maintindihan ang batas. Porke ba menor de edad ako ay hindi ko siya puwedeng halikan? Wala akong nakikitang masama roon. At hindi ko naman siya sasampahan ng kaso dahil doon. Gusto ko lang maramdaman ang halik niya, ang halik ng lalaking mahal ko.
Naiinis ako dahil sa prinsipyong pinanghahawakan niya. Parang hindi siya naaakit sa taglay kong kagandahan. Kung ibang lalaki ang kasama ko ay baka kung saan na kami humantong.
"I have my needs too and I want you to kiss me."
Tumingala siya at napabuga ng hangin. Nang muli siyang tumingin sa akin ay napangiti na lang siya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil-pisil iyon.
"On your eighteenth birthday you will get what you want. Just please, be patient. I've just made a mistake the moment I confess my feelings towards you. Please don't let me make another mistake of kissing a seventeen year old girl in front of me."
Hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko talaga magigiba ang matayog niyang prinsipyo. Kahit siguro maghubad ako sa harap niya ay hinding-hindi niya ako hahalikan.
Bumaba na lang ako sa kotse matapos magpaalam sa kaniya. Kahit kasi sa pisngi ay ayaw niyang magpahalik. Pumasok na ako sa bahay nang hindi ko man lang siya nililingon dahil nga naiinis ako.
Dumiretso ako sa aking kuwarto at agad na nagbihis. Humarap ako sa malaking salamin at pinagmasdan ang aking mukha. Napangiti ako saka hinawakan ko ang kabila kong pisngi kung saan dumantay ang palad ni Samuel kanina.
"I love you, Samuel," wika ko sa aking sarili at ipinikit ang aking mga mata. Sa mga oras na iyon ay nangangarap ako na sana ay narito siya sa aking tabi, nakayakap sa akin at hinahalikan ako. Para akong tanga na napapaawang ang bibig na para bang naghihintay na dumapo roon ang labi ni Samuel. Nagulat na lang ako nang marinig ko sunod-sunod na katok sa pinto ng aking kuwarto.
Agad kong iminulat ang aking mga mata saka tumingin sa pinto. Nang bumukas iyon ay napansin ko si mommy na nakabusangot ang mukha. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Something's wrong, mommy?" nag-aalala kong tanong. Ganito kasi siya palagi sa tuwing uuwi ng bahay. Didireto siya sa kuwarto ko at yayakapin ako nang mahigpit.
"No, no. I'm just worried about you. Tumawag kasi ako kay Minda kani-kanina lang at sinabi sa akin na hindi ka pa nakakauwi."
"Kararating ko lang, mommy. Sinundo ako ni U-uncle Sam."
Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si mommy. "Oh thank God! Hulog talaga ng langit si Samuel. By the way, naibigay mo na ba sa kaniya ang invitation card?" Inayos niya ang nagulo kong buhok.
"Yup! Kaninang lunch break po."
"Mabuti naman. Wala na kasi akong oras na puntahan siya sa law office niya. Lalo na ang daddy mo. Sa opisina niya na yata siya titira." Umupo siya sa gilid ng aking kama.
"He's busy, mommy, lalo na ngayon na nagbukas ng isa pang branch sa kabilang bayan ang hardware."
May-ari si daddy ng malaking hardware sa aming bayan. Maganda ang takbo ng negosyo kaya nagkaroon iyon ng branch sa karatig-bayan. Iyon naman talaga ang plano ni daddy noon pa. Minsan na nga niyang inalok si Samuel na maging kasosyo pero tumanggi ang huli, bagkus ay nakipagsosyo sa ka-batch mate niya at nagtayo na lang ng law office.
"I doubt it. Ilang gabi na siya na hindi umuuwi. Minsan uuwi sa umaga para kumustahin ka at aalis na. I don't know what's going on."
"Did you ask him, mommy?"
"Yeah, I did. But I don't have time to talk to him personally dahil kapag umuuwi siya sa umaga ay siya namang pagpasok ko sa bangko. Sa cellphone ko lang siya nakakausap."
"And what did he say?"
"Oh my, Lea, you are so young to meddle with adult problems." Tumayo na siya para lumabas ng kuwarto ko pero agad ko siyang niyakap.
"Tell me, mommy. I am old enough to know what's going on between you and dad."
"Lea anak." Humagulgol si mommy sa balikat ko. "I think your dad is having an affair with other woman."
Napaawang ang labi ko sa pagkagulat. Hindi ko iyon inaasahan. Mahal ni daddy si mommy at nakikita ko iyon sa tuwing magkakasama kami. Palagi niyang niyayakap at hinahalikan si mommy kahit na nakatingin ako sa kanila kaya hindi ko maatim na magagawa ni daddy na mambabae.
"I think that woman is younger than me. Parang kasing edad mo siya, Lea. Narinig ko kasi ang dad mo na may kausap sa cellphone. Parang nasa college pa 'yong babae at ang dad mo ang nagpapaaral sa kaniya.
Tumulo ang aking luha. Hindi ko matatanggap na may ibang babae si daddy.