"You are crying," saad ni Samuel sa kabilang linya. Alas diyes na ng gabi at matutulog na sana ako nang tumawag siya. Tuloy ay nawala ang antok ko.
"No," anas ko.
"Don't lie to me, Lea. Two years na tayong magkakilala. I know you like the back of my hands. Tell me. What is it?"
Dahil sa sinabi niya ay napahagulgol ako. Wala talaga akong maitatago sa kaniya. Kanina pa kasi ako umiiyak at paos na ang boses ko. Kapapasok ko lang dito sa aking kuwarto dahil sinamahan ko muna si mommy sa kuwarto nila ni daddy. Gaya kasi ng dati ay hindi na naman umuwi si daddy.
"Lea honey, please tell me what's going on. Are you mad at me just because I didn't kiss you this afternoon?"
"Samuel." Suminghot ako. Parang ayaw kong sabihin sa kaniya ang problema ng parents ko. Bestfriend siya ni daddy. Siyempre pagtatakpan niya ang kaibigan niya. "I...I."
"D*mn, Lea, what is it that made you cry? You want me to be there beside you? Just say it and I will do it. Ayokong umiiyak ka."
"It's not that d*mn kiss, Samuel. My dad..."
"What about him? Did he already have a knowledge about our relationship? Pinagalitan ka? Wait, pupunta ako ngayon diyan at kakausapin ko siya. I'll try to explain everything to him."
"No, hindi niya alam ang relasyon natin. It's about him and mom."
"And?" Tila naghihintay siya sa mga susunod kong sasabihin.
"Mom thinks that dad is having an affair with other woman."
Nagulat siya. "What?"
"That's it. I couldn't believe what my mom said. Sabi pa niya ay kasing edad ko lang ang babae ni dad."
"Oh sh*t," wika niya sa kabilang linya.
Suminghot ako. "Samuel, bestfriend mo si daddy. Baka alam mo kung sino ang babae niya. Mabaliw-baliw na si mommy kaiisip sa problema niya kay dad."
"Honestly, honey, I don't know. Walang nababanggit sa akin ang dad mo. Isa pa ay hindi naman kami masyadong nagkakasama dahil busy ako sa law office. Marami akong kaso na hawak this past month."
"Is that true? O baka naman pinagtatakpan mo si dad."
"You know me, honey. Hindi ako ang tipo ng lalaking magsisinungaling sa 'yo. I hate extra marital affairs. Ayoko rin ng mga taong sinungaling."
"I don't know what to do." Suminghot na naman ako.
"Focus on your studies, honey. Your parents are old enough to handle their differences."
"I can't help it, Samuel. Thay are my parents."
"Yeah, I know, but you are just seventeen, honey and—"
"I'm gonna be eighteen next week, Samuel. At bilang anak ay gusto kong magkasundo ang mga magulang ko."
"But I am worried about you. You are too young. Ayokong masaktan ka sa kung ano man ang namamagitan sa mga magulang mo. It's better if you leave them alone."
"Samuel, please. Hindi na ako bata. I am capable enough of taking care of myself. I can handle family problems."
"Yeah, but honey, I want to be there for you. Hindi mo ito kakayaning mag-isa."
"Thank you." Tumingin ako sa orasan na naroon sa tabi ng lamp shade. Mag-a-alas onse na ng gabi.
"Honey," wika niya mayamaya. "I was planning to tell your parents next week. Sa mismong birthday mo. You'll be eighteen years old next week. Nasa legal age ka na para makipag-relasyon. I am happy I am your first boyfriend. Hopefully I would be your last."
"Samuel, please, huwag muna. Ayoko muna malaman nila ang tungkol sa atin." Ipinikit ako ang aking mga mata. Natutuwa ako sa narinig pero ayokong ma-shock si mommy dahil mabigat ang problema niya kay daddy. Pati ang finances namin sa bahay ay naaapektuhan. Hindi ko alam kung bakit nagbukas ng panibagong hardware si dad gayong nakasanla sa bangko ang bahay namin. Malaking palaisipan sa akin kung saan siya kumuha ng puhunan para doon.
"What?" Nasa boses niya ang pagkabigo. "Why? Ikinahihiya mo ako, honey?"
"No. Hindi naman sa ganoon. Ayoko na kasing dagdagan pa ang problema nila. Mas makabubuti na ilihim muna natin ang relasyon natin, Samuel. I hope you understand. Isa pa, darating sa birthday ko ang mga malditang kapatid ni mommy. Alam mo naman na mga old maid ang mga iyon. Natitiyak ko na tayong dalawa ang pag-uusapan nila."
"Okay it's up to you. But if I were you mas makabubuti na malaman nila ang relasyon natin habang maaga pa. Kaysa naman malaman nila sa ibang tao."
"It's my decision, Samuel."
"I assure you, honey, ano man ang mangyari ay hindi magbabago ang pag-ibig ko sa 'yo."
"Me too. So, please, ilihim na muna natin, okay?"
Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Lea honey, hindi ako sanay na may itinatago. My life is like an open book at alam 'yan ng mga magulang mo."
"Is it okay with you kung sasabihin natin sa parents ko pagkatapos ko ng senior high? Alam mo naman na pinagbabawalan nila ako na magkaroon ng boyfriend."
"Pero hindi mo mapigilan ang nararamdaman mo sa akin." Tumawa siya.
"Ikaw rin naman, ah," maldita kong tugon. "Kung hindi mo pa ako nakita na may kasamang ibang lalaki, e, hindi mo pa sa akin aaminin 'yang nariyan sa puso mo. Ang sabi mo honest ka at ayaw mo sa mga taong sinungaling."
"Hindi naman ako nagsinungaling, ah." Tumatawa pa rin siya. "Hindi ko lang sinabi sa 'yo."
Hindi ako sumagot. Pinakikinggan ko lang ang baritono niyang boses. Kung narito lang siya sa tabi ko ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mayakap ko siya.
"You are mad at me? Hindi ka na nagsasalita, honey."
"No, I'm not," mahina kong saad. "I just wish na narito ka sa tabi ko. Truth be told, Samuel, I am so down right now. Salamat at tumawag ka. Kaninang hapon ay ang saya-saya ko nang magkasama tayo. Pero ngayong gabi ay halos gumuho ang mundo ko habang pinagmamasdan si mommy na umiiyak. It breaks my heart seeing her like that."
"Honey, may mga bagay na hindi natin hawak. Just don't take sides—"
"What? E, naaapi ang mommy ko. Sa kaniya dapat ako kumakampi."
"There are always two sides of the story, Lea honey. Have you ask your father?"
"No."
"See? They are your parents. Dapat nasa gitna ka. Be a peace-maker."