Chapter 6

1040 Words
Sabado ng umaga nang mapagpasyahan ko na puntahan si daddy sa office niya. Susundin ko ang sinabi ni Samuel na dapat ay wala akong kinakampihan sa parents ko. Na dapat ay nasa gitna nila akong dalawa. "Where are you going?" tanong ni mommy nang makita akong nakabihis ng panlakad na damit. "Ang iksi naman yata ng suot mo?" Kulay peach na crop top ang suot ko na tinernuhan ko ng maong na mini skirt at flat sandals. Balak ko kasing dumaan sa law office ni Samuel pagkatapos kong kausapin si daddy. Nais kong ipakita kay Samuel na dalaga na ako at hindi isang bata gaya ng tingin niya sa akin. "Mommy naman," angal ko. "Ganito po ang trend ngayon. Saka mainit po sa labas. Alangan naman na magsuot ako ng jacket at pajama?" Niyakap ko siya bilang paglalambing ko nang sa gano'n ay hindi niya ako mapagalitan. "Saan ka ba talaga pupunta?" muli niyang tanong. "Ang aga mo naman yata maglakwatsa?" "Mommy, pupuntahan ko po si daddy sa hardware." Tinitigan ko ang mga mata niya at napansin ko na naman ang lungkot doon. "Sabado po ngayon, di ba? Gusto ko sama-sama tayong mag-dinner mamaya. Ako po ang magluluto." Napangiti siya. "Dalaga ka na talaga, anak. At ano naman ang balak mong lutuin mamaya?" "The usual, mommy. 'Yong paborito ninyong dalawa ni daddy. Sweet and sour fish saka chicken curry. Iyon lang naman ang gusto ni daddy sa mga niluluto ko, e." Pinisil niya ang pisngi ko. "Okay, sumama ka na sa akin. Papunta na ako sa trabaho. Ibababa kita sa tapat ng hardware ng daddy mo." "Ako lang po ba? Hindi ka ba sasama para kausapin siya?" Umiling siya. "Ma-le-late na ako sa trabaho. Saka magkikita naman kami mamayang gabi. Iyon, e, kung uuwi siya." Tumango na lang ako saka sumunod sa kaniya palabas ng bahay. Nagmamadali na kasi siya na sumakay ng kotse niya. Tila ba umiiwas siya sa mga maaari ko pang itanong sa kaniya. "Can you invite Samuel over dinner, anak?" tanong ni mommy habang nagmamaneho. Napakunot ang noo ko. "Mommy, family dinner po 'yon. He is not a family," kunwari kong sagot. Ang totoo kasi ay gusto ko ring imibitahan si Samuel pero wala akong makitang dahilan para gawin iyon. 'Not yet, but soon he will be,' sigaw ng utak ko. "He is your father's bestfriend. Isa pa baka hindi umuwi ang dad mo kung alam niya na tayong tatlo lang ang mag-di-dinner mamaya." "I'll try to convince dad, mommy," saad ko para kunwari ay mas gusto ko na kaming tatlo lang. "Just do what I say, anak." Tumingin siya sa suot niyang relo na pambisig. "Maaga pa naman, baka hindi pa bukas ang law office ni Samuel. Daanan mo kaya siya mamaya pag-uwi mo. Can you do that, hija?" Nag-uumapaw ang saya sa puso ko. Hindi ko na kailangan pa na mag-isip ng dahilan para puntahan si Samuel. Puwede na akong pumunta dahil sinabi ni mommy. "But, mommy," kunwari ay reklamo ko. "Pupuntahan ko si Mila pagkaalis ko sa hardware. Why don't you just call him?" "I don't have time. I'll just send him a message. But still you have to go to his office and invite him in behalf of me. Baka hindi niya mabasa ang mensahe ko. He needs to join us over dinner, okay?" Sinadya kong bumuntong-hininga para makita ni mommy na napipilitan ako, pero ang totoo ay daig ko pa ang tumama sa lotto. "Noted, mommy." Umusli ang nguso ko. "Good girl. Matagal na rin simula nang bumisita ang Uncle Samuel mo sa bahay natin." Parang nabulunan ako ng sarili kong laway nang marinig ko ang salitang 'uncle.' Oh my! He is not my uncle anymore. He is already my boyfriend. Kung alam lang ni mommy na matagal na akong in love sa bestfriend ni daddy. "Here we are," anas ni mommy saka ipinarada ang kotse sa tapat ng hardware na pag-aari ni daddy. "You sure you don't want to go inside and talk to him?" Umiling siya. "Bumaba ka na, anak. Late na ako sa trabaho." "Bye, mommy." Matapos ko siyang halikan sa pisngi ay bumaba na ako. "Huwag mong kalilimutan na dumaan sa law office pag-uwi mo, ha?" muli niyang paalala. "Yes, mommy." Kumaway ako habang papalayo ang minamaneho niyang kotse. Matapos ayusin ang dala kong sling bag ay tumawid na ako sa kalsada. Market day ngayon kaya maraming sasakyan sa palengke. Naroon kasi ang puwesto ng hardware na pag-aari ni daddy. Binati ako ng mga tindera at tindero nang makapasok na ako sa establisimyento. Ngumiti lang ako saka dumiretso sa maliit na opisina. Kakatok na sana ako sa pinto nang bumukas iyon. Napatda ako nang makita ko ang paglabas ng isang babae na sa tingin ko ay kasing edad ko lang o baka matanda lang sa akin ng ilang taon. Balingkinitan ang katawan niya, maputi at may mahabang buhok. Babatiin ko na sana siya pero agad niya akong pinasadahan ng masamang tingin mula ulo hanggang paa. Ilang segundo rin siyang nakatitig sa akin saka inirapan ako at naglakad palabas ng hardware. Sinundan ko siya ng tingin. Nagtataka ako kung bakit parang kontrabida ako sa buhay niya samantalang ngayon lang kami unang nagkita. Isa pa, hindi naman siguro siya supplier ng hardware ni daddy kasi sa suot pa lang niya ay baka mapagkamalan ko siyang pokpok sa isang pipitsuging bar. Halos lumuwa ang dibdib niya sa suot niya na spaghetti strap blouse. At kung maiksi ang mini skirt na suot ko ay mas lalo na ang suot niyang sexy shorts na kitang-kita na ang kaniyang kuy*kot. Napailing na lang ako. Palaisipan talaga sa akin kung sino siya at kung ano ang ipinunta niya rito sa opisina ni daddy. Parang may masama akong kutob pero agad kong itinaboy iyon at kumatok sa pinto ng office ni daddy. "Bukas 'yan," dinig kong wika ni daddy. Agad kong pinihit ang seradura at isang malapad na ngiti ang isinalubong ko sa kaniya. "Hi, dad!" Pansin ko ang pagkabigla sa mukha niya. Para siyang natulala nang makita ako. Tila hindi niya inaasahan na pupunta ako ngayon. Natuon ang pansin ko sa magulo niyang mesa. Walang kaayusan ang mga papel na naroon. Wari bang dinaanan ng bagyo samantalang napaka-organize ni daddy. "A-anak?" nauutal niyang wika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD