Chapter 7

1013 Words
"Yes, dad! Ako nga." Ngumiti ako at hindi ko na pinansin ang magulo niyang mesa. Lumapit ako sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi. Muli, ay mas lalong lumakas ang kutob ko. Naamoy ko sa kaniya ang pambabaing pabango. Ibang-iba sa pabango ni mommy. Para akong nasusuka sa amoy na iyon. "Oh my! Dad, nagpalit ka po ba ng pabango? I don't like it." Ngumiti lang siya at hindi sinagot ang tanong ko. Agad niyang inayos ang mga nakakalat na papel sa ibabaw ng mesa. Napansin ko na nakabukas ang checkbook niya. Agad niya iyong isinara pero nakita ko ang pangalan na Angelica at nag-issue siya ng pera na nagkakahalaga ng fifty thousand pesos. "Why are you here? Wala ka bang pasok?" Aligaga pa rin siya sa pag-aayos. Agad niyang inilagay sa basurahan ang ilang papel. Sinundan ko iyon ng tingin at napansin ko sa basurahan ang ilang piraso na parang lobo na hindi pa nalalagyan ng hangin. Iba't ibang kulay iyon. Saka ko lang napagtanto na hindi talaga iyon lobo kundi mga c*ndom na gamit na. "Today is Saturday, dad." Ibinalik ko sa gawi niya ang aking paningin. Napailing na lang ako. May bahid ng lipstick ang damit niya sa bahagi ng kuwelyo. Maigi na lang at hindi sumama sa akin si mommy. Kung ganito lang naman ang aabutan niya ay baka nagwala na iyon. "Wala po kaming pasok." "You should stay home." Umupo na siya sa swivel chair. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Ni hindi niya man lang nakuha na alukin ako na maupo. Tingin ko ay kabadong-kabado siya sa pagdating ko. "Anyway, why are you here for?" Binuksan niya ang drawer at isinilid doon ang checkbook niya saka agad na isinara. Bumuntong-hininga siya. "Matagal ka na kasing hindi umuuwi, dad," tugon ko. Inukopa ko ang pandalawahang upuan sa harap ng kaniyang mesa. "It's been how many days? Three, four days? Mom and I are worried. Kaya dahil wala naman pasok ngayong araw ay nagpunta na ako rito." Tumango siya. "Maraming gawain dito sa hardware, anak." Kinusot niya ang sariling mga mata at humikab. "I know, dad, but your family needs you. Ilang araw na po tayo na hindi nagkakasama." "Hayaan mo, anak, babawi ako." Muli siyang humikab. "Really, dad?" Pilit kong pinasigla ang aking boses kahit sa loob ko ay inis na inis ako sa kaniya. "Yup!" "So you'll be home this evening?" tinatantiya ko ang reaksiyon niya. "Matagal na tayong hindi nagkakasama mag-dinner. I hope this time you'll be joining us. Ako po ang magluluto." Lumapad ang ngiti niya. "Sweet and sour fish?" "Yes, dad. That's your favorite, right?" "Yeah. And chicken curry is your mom's favorite dish." Napangiti na lang ako. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang paborito ni mommy. May pag-asa pa rin ako na manumbalik ang kanilang maayos na samahan. "I should go, dad." Tumayo na ako. "Pumunta lang naman ako rito para kumustahin ka. I am really worried, dad." "Don't worry about me, Lea. Maayos ako." Iminuwestra niya pa ang mga braso niya. "Malakas ang daddy mo." Sinabayan niya iyon ng ngiti. "Daddy naman! Tingin ko po mukha ka ng matanda dahil subsob ka lagi sa trabaho. Pahinga ka rin po minsan. Maglibang ka kasama si mommy." "I'll do that, anak." Pinagmasdan ko siyang maigi at hindi ko gusto ang nakikita ko. Dalawang taon lang ang tanda niya kay Samuel pero mapagkakamalan na siyang tatay ng bestfriend niya. Namumuti na ang buhok niya at palaging nakakunot ang kaniyang noo. "Alis na po ako, dad." Muli akong humalik sa pisngi niya at naglakad na palabas ng pinto. "Okay, anak. But wait!" "Yes, dad? May ipapaluto po kayo na ulam para mamayang hapunan?" "Ah, yes. Kung puwede sana magluto ka ng kare-kare. I'd like to invite Samuel over dinner." Sumimangot ako kunwari pero sa puso ko ay naroon ang tuwa. "Mag-asawa nga kayo ni mommy, dad." "Why?" Nangingiti na rin siya. "Inutusan niya ako na pumunta sa law office para imbitahan si U-uncle Samuel. Pupuntahan ko sana si Mila pagkagaling ko rito pero makulit si mommy." Mas lalo siyang napangiti. "Kailangan ko kasing makausap si Samuel kaya dapat nasa bahay siya mamayang gabi. Ang hirap hagilapin ng kaibigan kong iyon." "Try ko, dad. Pero hindi ko po maipapangako. Baka puno ang schedule niya. Tawagan mo kaya siya." "Susubukan ko, anak." Tumango lang ako at lumabas na sa office niya. Napansin ko na maraming parokyano ang hardware. Papalabas na ako nang matanaw ko ang babaing mukhang pokp*k na lumabas kanina sa office ni dad. Tila inaabangan niya ako. "So magkano ang nakuha mo kay Fernando?" mataray niyang wika. Napalingon ako sa paligid namin. Marami kasing tao at baka hindi para sa akin ang tanong niya. Iba kasi ang dating sa akin niyon. "Ikaw ang kinakausap ko," muli niyang wika at dinuro ako. "Ang landi mo. Nakuha mo pang puntahan siya rito. Sagutin mo nga ako. Kailan mo pa siya hinuhuthutan, ha?" "What are you talking about?" Nalilito talaga ako. Pinagtaasan niya ako ng kilay. "I am talking about Fernando Santiago. Baka hindi mo alam na ako lang ang may karapatan na puntahan siya rito, okay?" "And who are you? At ano mo siya, ha?" Nanginginig ang bibig ko. "Well, I am Angelica at boyfriend ko si Fernando, naiintindihan mo?" "What? Boyfriend?" Bumalong ang luha sa aking mga mata. May isang bahagi sa puso ko na nagsasabi na nagsisinungaling siya. Hindi ako naniniwala sa kaniya. "At ngayong alam mo na, puwede ba layuan mo si Fernando, ha? May asawa na siya. Dalawa na kami sa puso niya. Dadagdag ka pa ba? Maghanap ka ng ibang lalaki na mahuhuthutan mo." "Hindi ko siya pineperahan." Pinunasan ko ang aking luha. "Tatanggi ka pa. Halos isang oras ka sa opisina niya. Ginawa mo rin ba sa kaniya ang ginawa ko kanina, ha? For your information, wala ng katas na lalabas sa matandang iyon dahil inubos ko na." Tumawa siya kaya nagsitinginan sa gawi namin ang mga tao sa paligid. "Watch your language," wika ko. Ngayon lang ako nakarinig nang ganoong mga salita. Ang bastos ng lumalabas sa bibig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD