"SINO na naman ang nagpasimuno ng gulo?" Galit na tanong ng aming guro. Lihim akong nagpasalamat at maraming pumanig sa akin. "Si Dianne po, ma'am!" Sigaw ng mga classmates namin. "Ikaw na naman Dianne?!" Inis na turan ng aming guro. Akala ko talaga ako na naman ang magiging masama sa mata ng lahat. Tiyak kong mainit na naman ang dugo ni Royce sa akin kapag nalaman nitong pinasok ko na naman ang gulo. "Let 's go, maupo na tayo," ani Hunter sa akin. "Welcome back, Ms. Tan," pormal na turan ng aming guro. Tumango lang ako rito. Ang totoo, nagulat ako at naninibago sa kakaibang pagtrato nito sa akin. "Alam mo bang sina Royce pala ang may-ari ng unibersidad na ito?" bulong sa akin ni Carol. Kunot-noo na napasulyap ako rito. "Ano?!" Halos bulong na bulalas ko rito. "Pumunta rito kahapo

