PAGKATAPOS kong maghugas ng pinggan ay eksakto namang nagpaalam ang tatlo kong mga Titas. Pati na rin ang pinsan ni Rosalie na si Jane. "Hindi kami pwedeng mag-stay dito dahil may i-meet up kaming ilang client namin dito sa Pilipinas, hija," saad ni Tita Emma sa akin habang kausap naman nina Rosalie at Tita Jane sina Tita Romeshell at Edna. Ang totoo, nalulungkot ako. Akala ko kasi dito ang mga ito mag-stay at may kakampi na ako, mukhang si Rosalie na nga lang ang siyang maging kakampi ko sa ngayon at ang dalawang kaibigan kong sina Hunter at Carol. Napasulyap ako sa kinaroroonan nina Sandra at Royce na ngayo'y sobrang sweet sa aking harapan. Inis na ibinaling ko ang tingin sa ibang direksyon. I responded by saying, "Alright, Aunt Emma. The crucial thing is for you to be able to visit

