Pagkatapos gamutin ni Shara ang sugat niya nagpasya siyang magtungo sa kusina para magluto. Kasalukuyan niyang inaabot ang platito sa cabinet na nasa itaas. "Don't bother to cook. We will eat lunch outside" Nagulat siya dahil biglang sumulpot si Bryle. "Ha? Bakit? May lulutuin na-" "It's final. Stay in your room, in few minutes the Doctor will come over to examine you." Seryosong putol nito. Biglang nakaramdam ng kaba si Shara dahil sa sinabi niya. Bakit may Doktor? "Ahm- ako? Wala akong sakit! bakit may masakit ba sayo? Wag ka ngang nagbibiro diyan" nag-aalalang tanong niya. Hindi na siya kinibo ni Bryle, umalis na siya agad. Naglakad na lang si Shara pabalik sa room niya gaya ng utos nito sa kanya. Habang naghihintay siya sa room, hindi siya mapakali pati ang mga kuko niya ay hind

