Eunice's POV "Eunice, kanina ka pa nakakulong sa kwarto mo bumaba ka na pwede?" Nagulat ako dahil bigla kong narinig ang tinig ni kuya Kevin. "Kuya I'm fine, don't worry." Malakas na sagot ko para marinig niya mula sa labas. "Buksan mo to, gusto kitang maka-usap please I'm begging." Napilitan akong tumayo para pagbuksan siya. Iba kasi si Kuya kapag napuno siya sa akin baka gibain pa niya ang pintuan ko. Bahagyang ngumiti naman siya sa akin nang makita niya ako. Naglakad ulit ako pabalik sa kama ko saka ako umupo. "I'm sorry kuya, I just can't believe that he is not mine now." Napangiti ako ng mapakla. "Maraming nangyari sa kanya simula noong umalis ka. Halos masira yung buhay niya kasi akala niya iniwan mo na siya para lang sa mga pangarap mo. Sana nagpaalam ka sa kanya ng maayos noo

