Hindi ko alam kung ilang segundo, minuto, o oras ba akong nakatitig kay Kairo pagkatapos niyang ibulong yung huling salita na parang sumpa:
“You’re not going home the same.”
Pero habang nakatitig siya sa akin ...yung tipo ng tinging malamig, tahimik, pero delikado ... doon ko naramdaman na hindi ako handa sa kung anong ibig niyang sabihin. Hindi ako handa sa kahit anong mangyayari sa lugar na ’to. At lalo akong hindi handa sa kung ano pa ang kaya niyang gawin sa buhay ko.
Pero hindi rin ako umatras.
Hindi ko alam kung matatawag ba ito na tapang o isang katangahan.
Huminga siya ng mahinahon, parang sinusukat ang reaksyon ko, parang hinihintay niya kung magigimbal ba ako sa isang maling galaw niya.
“Tapos na ang oras mo,” sabi niya. “Sumunod ka sa akin.”
At kasing bilis na parang hindi talaga siya kailanman napagod, tumalikod siya at naglakad papunta sa tinted sliding door sa dulo ng private lounge. Walang sinasayang na sandali. Walang pagdadalawang-isip. Walang bakas ng emosyon.
Ako? Para akong naiwan sa gitna ng highway na muntik masagasaan pero kailangan ko pa ring tumayo.
At sumunod ako.
Pagbukas niya ng pinto, malamig agad ang sumalubong sa akin...hindi lang malamig dahil sa aircon, kundi yung klaseng lamig na galing sa mahal, clinical, sterile na mga lugar na hindi dapat tinatahanan ng mga ordinaryong na tao.
Private wing.
Hindi hotel.
Hindi opisina.
Hindi condominium.
Parang headquarters ng isang taong sobrang yaman, sobrang makapangyarihan, at sobrang walang pake kung ma-overwhelm ka sa ambience.
Pagpasok namin, bigla siyang nagsalita, hindi man lang lumilingon.
“Rule number one,” sabi niya, mababa. “Hindi ka pwedeng gumalaw nang hindi ko sinasabi.”
Nagtaas ako ng kilay kahit alam kong hindi niya nakikita.
“Rule number...”
“Para saan ’tong rules na ’to?” putol ko, hindi ko mapigilan. “Hindi pa nga ako pumipirma ng contract, gusto mo na agad akong i-control?”
Doon siya huminto.
Dahan-dahan siyang lumingon.
At para akong nasakal nang makita ko yung ekspresyon niya... hindi galit.
Hindi halatang inis.
Kundi… amused.
Dangerously amused.
“Yanna,” bulong niya, “kung iniisip mong nagsisimula pa lang ako… mali ka.”
Tumayo siya nang diretso, parang mas lumaki yung presensya niya sa harap ko.
“Nagsimula na matagal na.”
Napakuyom palad ko, pero hindi ko jininkap ang tingin. “Hindi mo ako pag-aari.”
Lumapit siya.
One step.
Two.
Three.
Hanggang maramdaman ko yung likod ko sumayad sa malamig na pader.
Yung hininga niya nasa gilid na ng tenga ko.
“You’re already reacting like someone who is.”
Tumayo ako nang diretso kahit nanginginig. “Hindi.”
“Yet you followed me here.”
“Dahil pinilit mo ako—”
“And you’re still here.”
“Kailangan ko...”
“You want something from me,” bulong niya. “Kaya hindi ka umaatras.”
At doon, mas lalong lumakas yung t***k ng dibdib ko... hindi dahil kinikilig ako, kundi dahil natatakot akong nagiging totoo ’yung sinasabi niya. Kasi oo, may kailangan ako. Hindi pera para sa akin... pagkain para sa pamilya ko. Isang bubong para sa kapatid ko. Gamot para sa nanay ko.
At alam niyang hawak niya lahat ng ’yon.
Na kahit anong tapang ko, hindi akin ang alas. Sa kanya lahat.
Pero hindi ko pwedeng ipakita.
“Hindi kita kailangan,” sabi ko, pilit pinasteady ang boses.
Napangiti siya ... hindi malamig. Hindi mapang-asar.
Something darker.
Something na parang may inaangkin siya na hindi niya pa dapat inaangkin.
“Then why are you shaking?”
Napalunok ako.
At mas lalo niyang nilapit ang mukha niya.
“You think I can’t see it? Yung paghinga mo? Yung pulso mo? Yung paraan ng pagtingin mo sa akin kahit ayaw mo?”
“Hindi...”
“Stop lying to yourself.”
Ginamit niya ang kanyang dalawang pang gitnang daliri at dahan-dahang tinaas yung baba ko.. hindi brutal, pero hindi rin gentle.... just precise to meet my eyes straight.
“You’re drowning, Yanna,” bulong niya, mas mababa na. “At ako lang ang nakahawak sa leeg mo.”
Napalunok ako nang mas malakas.
Hindi ko alam kung dahil natatakot ako…
…o dahil may kung anong nang-iinit sa dibdib ko.
Ayaw ko ng ganito.
Ayaw ko ng ganitong tension.
Pero mas lalong ayaw ko ng kontrol niya.
Kaya itinulak ko siya ... hindi malakas, pero sapat para mapaatras siya ng konti.
“Hindi ako laruan,” sabi ko, lumalakas ang boses ko.
Tumango siya.
“Hindi nga.”
Bahagya siyang yumuko.
“You’re a gamble.”
“Gamble?!” singhal ko. “Gamble ka diyan sa..”
“You’re the first woman who has ever told me no.”
Tumahimik ako.
Biglang tumahimik ang buong paligid.
Even the soundproofed air felt still.
At saka lang pumasok sa utak ko ... hindi niya ako gusto bilang pag aari..
Gusto niya ako kasi I am a defiance.
I am a challenge.
And men like him don’t lose challenges.
Ever.
“You should feel honored,” sabi niya, parang nanunukso. “Hindi lahat ng babae nagiging obsession ko.”
Natigilan ako sa paghinga.
“Ob—what the hell is that supposed to mean—”
“Sumunod ka,” bulong niya. “We’re not done.”
At tumalikod siya ulit, naglakad pa-tunnel hallway papasok sa mas malalim pang parte ng private wing.
Naiwan akong nakahawak sa pader.
Hindi dahil nahihilo ako.
Kundi dahil…
Kung obsession ako?
I'm in damn danger.
And him, Kairo Valencia is even more dangerous.
Pero sumunod pa rin ako.
Hindi dahil gusto ko.
Kundi dahil wala na akong choice.
Pagpasok ko sa sumunod na pinto, halos hindi ako makahinga.
Isang malaking marble room ... mas malaki pa sa buong bahay namin.
May glass table sa gitna with one document.
One pen.
At isang leather seat opposite a lone chair.
Isa lang ang pwedeng umupo sa leather seat.
Hindi ako.
Siya.
At tama nga.
Umupo siya doon, parang hari sa sariling kaharian.
“Sit.”