Say It (Yanna's POV)

1076 Words
Umupo ako sa harap niya, spine straight, pilit kinakalma ang sarili ko. “Ito ang dahilan kung bakit kita pinatawag,” sabi niya. “Hindi dahil gusto kitang takutin.” Binuksan niya yung document. “Pero dahil kailangan mong ma-realize kung gaano kabigat ang ngayon.” Tumikhim siya, then slid the contract toward me. “This is the revised version.” “Revised?” tanong ko. “Mas mahigpit.” Napakurap ako. “Mas mahigpit pa?!” “Yes.” At nag-lean forward siya. Mas malapit pa kanina. Mas wagas ang titig. “You want your family to live… right?” Parang sinipa ako sa dibdib. At doon na nagpantig ang tenga ko ... hindi dahil galit ako sa kanya… kundi dahil may guilt na sumabog sa loob ko. Sinabayan pa niya ng... “Hindi mo ba sila mahal, Yanna?” Mabagal. Sharp. Deliberate. At mas masakit kaysa sa kahit anong sinabi niya ngayong araw. “‘Wag mong gamitin ang pamilya ko,” sabi ko, nanginginig ang boses ko. “Hindi sila parte ng laro mo.” “Wrong.” Lumapit siya ulit. “Parte sila ng lahat.” Unti-unti akong napapikit. Kasi totoo. Siya ang may hawak sa lahat. At ako ang wala. At naramdaman ko yung pag-init ng luha sa gilid ng mata ko ... hindi dahil kawawa ako, kundi dahil galit na galit ako na wala akong magawa para protektahan sila. Pero hindi ako pwedeng umiyak sa harap niya. Hindi. At mas lalong hindi ko pwedeng ipakitang nadadali ako sa paraan niya. Sa boses niya. Sa presensya niya. Kaya huminga ako nang malalim, pinilit maging matatag. “What do you want?” tanong ko, halos gumapang ang boses. Kumunot ang labi niya. Slow. Satisfied. “As always,” sabi niya, “I want honesty.” Napatawa ako..maikli, masakit. “Honesty? Seriously? For you? Ikaw mismo puro manipulation..” “This isn’t manipulation.” Hinawakan niya ang envelope. “At ito ang katotohanan.” Binuksan niya. At isang bundle ng printed photos ang binagsak sa table. Pictures of my house. Pictures of our empty fridge. Pictures of my mom sa clinic. Pictures of my little brother nakaupo sa hagdan, mukhang galing sa iyak. At isang huling picture... Eviction notice sa gate namin. Parang natanggal yung hininga ko. “Where...how...” “I have people,” sagot niya. “And this?” Tinuro niya yung mga larawan. “Hindi ko ginawa. Hindi ko inimbento.” “Then why..” “I’m showing you reality.” Tumahimik ako. Hindi ko na kaya magsalita. Hindi ko na kailangan. Dahil bawat larawan ay parang karayom na paulit-ulit tinutusok ang puso ko. Hindi ako umiiyak. Pero hindi rin ako humihinga. “Look at me,” bulong niya. Hindi ko ginawa. “Look at me, Yanna.” Hindi pa rin. Kaya dinampot niya yung pen. And placed it in my hand. Mainit ang daliri niya. Malamig ang kamay ko. “You don’t have time,” bulong niya sa tenga ko. “Your family doesn’t have time.” At doon ako napatingin sa kanya. At doon siya ngumisi. Not a cruel smile. Not a warm one. Something… triumphant. “I can save them,” sabi niya. “I can give them a life na hindi mo kayang ibigay.” “Hindi ko kailangan..” “You do.” Hinawakan niya wrist ko. Hindi masakit. Pero hindi makakawala. “Just say it,” bulong niya. “Just admit you need me.” At doon ako sumabog. “Fine!” sigaw ko. “Kailangan kita!” Tahimik siya. Walang reaksyon. Parang ina-absorb niya yung salita. “I need you,” ulit ko, mas mahina. “Happy ka na? ’Yan yung gusto mo marinig, ’di ba? Sige. Kailangan kita.” Mabagal niyang hinila ang pen. At ibinalik sa kamay ko. “Kailangan mo ’ko,” bulong niya, “pero hindi pa kita pwedeng kunin.” Nanikip ang dibdib ko. “What...” He leaned impossibly close. Mas malapit pa sa kahit anong ginawa niya today. Hanggang halos sumayad yung ilong niya sa pisngi ko. “At hindi ka aalis dito hanggang hindi mo sinasabi ang tamang salita.” I froze. “What… right words?” Bahagya siyang ngumiti. Dark. Possessive. Chilling. “Tell me,” bulong niya, “that you’re mine.” Parang tumigil ang mundo. “Hindi ko...” He gripped my jaw lightly, guiding my eyes to his. “One sentence,” sabi niya. “One truth.” “I’m not...” “Say it.” “Kairo...” “Say. It.” Humihingal na ako. Hindi dahil natatakot ako. Kundi dahil hindi ko alam kung ano mangyayari kapag sinabi ko. Paano kapag maging totoo? Paano kapag hindi ko na mabawi ulit ang sarili ko? Pero wala akong oras. At wala akong panahon. At naririnig ko pa rin yung iyak ng kapatid ko sa picture. At naririnig ko pa rin yung boses ng nanay ko kagabi “Anak… paano tayo bukas?” Nanginginig ang kamay ko. Nanginginig ang dibdib ko. At dahan-dahan kong binuka ang bibig ko... “Ka...” Pero biglang... BUMUKAS ANG PINTO. At isang lalaking naka-itim, naka-earpiece, biglang pumasok. “Sir,” sabi niya, hingal. “We have a problem.” Hindi kumurap si Kairo. “What problem?” “Your father,” sagot ng bodyguard. “He’s here.” At doon nag-shift ang mukha ni Kairo. Hindi takot. Hindi inis. Kundi pure, cold rage. “Yanna,” bulong niya sa akin nang hindi tinatanggal ang tingin sa pinto, “don’t move.” At bago ko pa maitanong kung bakit... CREAK. The door opened wider. Isang matangkad, imposibleng pamilyar na lalaki ang pumasok. Silver hair. Sharp eyes. A presence na kasing bigat ng kay Kairo… pero mas malamig. Mas mapanganib. At tumitig siya sa akin. Diretso. Parang kilala niya ako. Parang ina-assess niya kung bakit ako nasa harap ng anak niya. At yung unang sinabi niya? Hindi ko makalimutan. “Son,” sabi niya, mababa at malamig. “Why is that girl in your private contract room?” At bago pa man ako makagalaw... Bago pa man makapagsalita si Kairo... Bago pa man ako makahinga... Naglakad yung lalaki papunta sa akin. Steady. Malalim. At bahagya siyang ngumiti. Not kind. Not friendly. But dangerous. “Have we met before, Miss?” Doon naputol ang mundo ko. I am confronted by Kairo’s father, who seems to recognize me ... Or pretends he does... And Kairo is seconds away from exploding.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD