Almost Yes (Kairo’s POV)

1064 Words

“Makinig ka muna… kahit minsan lang,” sabi ko, halos pabulong, pero nanginginig ang boses ko habang hawak ko pa rin ang magkabilang balikat niya. Hindi ko siya hinahawakan para pigilan. Hinahawakan ko siya dahil kung bibitaw ako ngayon, baka tuluyan na siyang mawala... hindi lang sa harap ko, kundi sa buhay ko. Umulan pa rin. Hindi na malakas, hindi na tulad kanina. ‘Yung tipong ambon na parang ayaw nang lumaban pero ayaw ding tumigil. Sapat para pumasok ang lamig sa balat. Sapat para magising ang lahat ng takot na pilit naming tinatago. Basa ang buhok ni Yanna, dumidikit sa pisngi niya. May patak ng ulan na dumadaan sa pilikmata niya na parang luha... o baka luha nga. Nanginginig siya. Hindi ko alam kung ginaw ba o dahil sa mga salitang matagal ko nang kinikimkim at ngayon lang handa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD