“Paano kung mahal pa rin kita kahit galit ako?” Parang huminto ang oras. Hindi dramatic...walang biglang kulog o ilaw na namatay...pero may pumutok sa loob ng dibdib ko, parang salamin na matagal ko nang iniiwasang banggain. Matagal akong hindi sumagot. Hindi dahil wala akong sasabihin… kundi dahil alam kong kapag nagsalita ako, wala nang atrasan. Tinitigan ko siya. Hindi lang ang mga mata niya...kundi ang paraan ng pagkakapulupot ng mga daliri niya sa jacket ko, na para bang doon niya kinakapitan ang natitirang tapang niya. Kita ko ang bahagyang panginginig ng labi niya, pilit na kinokontrol ang emosyon na matagal na niyang kinukulong sa sarili. Naririnig ko ang ulan sa labas, bawat patak sa bintana parang binibilang ang mga sandaling lumilipas. Pero mas malakas pa rin ang t***k ng dibd

