“Kairo… bakit ka nanginginig?” Hindi ko agad sinagot si Yanna. Nakahawak pa rin ang mga kamay ko sa magkabilang balikat niya, ramdam ko ang lamig ng ulan sa balat ko, ramdam ko rin ang bigat ng mga salitang ilang taon kong ikinulong sa dibdib ko. Parang bawat patak ng ulan ay sumasabay sa t***k ng puso kong wala nang balak umatras. “Hindi dahil malamig,” paos ang boses ko, pilit pinipigilan ang panginginig. “Kundi dahil ngayon lang… ngayon lang ako magsasabi ng totoo.” Napatingin siya sa akin, nanlaki ang mga mata. Basang-basa na kami pareho, buhok niya dumikit sa pisngi niya, mga labi niya nanginginig hindi ko alam kung dahil sa lamig o dahil sa takot. Maraming beses na akong naging matapang sa buhay ko...sa boardroom, sa digmaan ng negosyo, sa mga taong gustong sirain ako. Pero wala n

