“Yanna, handa ka na ba sa team building?” sigaw ko mula sa may pintuan, pilit tinatago ang kaba sa likod ng pabirong tono ng boses ko. Kahit CEO ako at sanay sa boardroom pressure, iba pa rin ang kaba ngayong araw. Halo itong excitement, anticipation, at isang bagay na hindi ko madalas aminin...nerbiyos. Napatingala siya mula sa bag na inaayos niya. May bahagyang pamumula ang pisngi niya, hindi ko alam kung dahil sa init ng umagang araw na sumisilip na sa horizon ng Subic, o dahil sa titig ko. “H-handa na!” sagot niya, sabay kagat sa labi. “Ikaw… ikaw ba talaga excited?” dagdag niya, may bahid ng duda ang boses, parang hindi pa rin siya makapaniwala. Napatawa ako nang mahina habang lumalapit sa kanya. Hinaplos ko nang bahagya ang balikat niya na sa isang simpleng galaw, pero sapat para i

