Yung tatlong malalakas na katok sa pinto—parang suntok sa dibdib. Hindi simpleng katok. Hindi pakiusap. Hindi paalala.
Hindi.
It was a warning.
“Ma…” bulong ko, habang nakatigil kami pareho. “Sila ba ulit ‘yan?”
Hindi na sumagot si Mama. Pero yung paraan ng pagyuko niya, yung paghawak niya sa braso ni bunso, yung nanginginig niyang paghinga—lahat yun nagsisigaw ng oo.
Tatlong patok ulit. Mas malakas. Mas madiin.
Parang gusto nilang tanggalin ang pinto kasama yung kaluluwa namin.
Tok. Tok. TOK.
“Ma’am Cruz,” boses ng lalaki sa labas, baritone at walang pakiramdam. “This is your last reminder. We will be back in the morning. Kung hindi pa kayo ready… you know what happens next.”
Napapikit si Mama.
Napaigik si bunso.
At ako?
Parang binagsakan ako ng tone-toneladang bato.
Morning.
May deadline na.
At wala kaming kahit piso para pambayad.
Huminga ako nang malalim. Sinubukan kong maging matatag. Pero parang bawat inhale ko hinihila pasikip ng pasikip ang dibdib ko. Parang may kamay sa loob ng katawan ko, sinasakal ang puso ko hanggang hindi na ako makahinga.
Pagkaalis ng mga lalaki, napasalampak si Mama sa upuan, halos sumubsob sa mesa. “Anak… hindi ko na alam… hindi ko na alam kung anong gagawin natin…”
Si bunso, umiiyak na naman, nakayakap sa teddy bear na parang yun lang ang magliligtas sa kanya mula sa lahat ng ito.
At doon ko naramdaman yung pinakamalupit na bagay:
Wala kaming oras.
Wala kaming pera.
Wala kaming proteksyon.
And the only person who could change anything—
Kairo f*cking Valencia.
Napahawak ako sa phone ko.
Masama siyang tao.
Mapanira.
Manipulative.
Cruel in ways na hindi ko pa kayang buuin sa salita.
Pero totoo rin ang minsang sinabi niya:
“You’re already drowning.”
And now… my family was drowning with me.
I couldn’t let that happen.
Hindi ako pwedeng maging duwag.
Hindi ako pwedeng maging mahina.
Hindi ako pwedeng matakot ngayon.
Huminga ako, malalim, mabigat, masakit.
At saka ko binuksan ang message thread namin.
Isa lang ang unread message niya:
You can’t outrun reality, Yanna.
Call me when you’re done drowning.
Para akong nabigwasan.
At the same time… parang tinutulak akong bumigay.
Nanginginig ang kamay ko nang i-dial ko ang number niya.
First ring.
Second ring.
Third ring.
Fourth—
Click.
“Yanna.” Malamig. Controlled. Almost bored. “I was wondering when reality would hit.”
Literal na natuyo yung lalamunan ko. “K-Kairo… we need to talk.”
“Do we?” May bahagyang pag-angat ng tono. “Because earlier you seemed convinced you don’t need me.”
“Kairo, please—”
“Oh?” Natawa siya softly. Hindi masaya. Hindi mabait. Yung tawa niyang parang nalaman niyang tama siya simula’t simula. “We’re at ‘please’ now? That was faster than I expected.”
Napakagat ako sa labi ko.
Ayoko siyang bigyan ng satisfaction.
Ayoko siyang bigyan ng kahit anong advantage.
Pero naririnig ko ang hikbi ni bunso sa likod ko.
Naririnig ko ang paghabol ng hininga ni Mama.
Pride doesn’t pay the bills.
He said that.
At ngayon, ramdam ko sa buto ko kung gaano kababa ng presyo ng pride kapag pamilya na ang kapalit.
“Huwag ka munang mag-assume,” sabi ko kahit nanginginig. “I’m just calling because—”
“Because you’re desperate,” he cut in. “Because they knocked on your door. Because eviction is real. Because your family is on the line.”
Pause.
“Because you finally realized you have no way out except me.”
I froze.
Hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari.
Wala akong pinost.
Wala akong pinadalang message.
Paano niya—?
“W… why do you know that?”
Huminga siya nang malalim, mabagal. “Yanna, if I want to know something… I know it.”
Tumayo ang balahibo ko.
“Stop spying on me,” bulong ko.
“I’m not spying.”
He sounded almost amused.
“I’m anticipating.”
Hindi ko alam kung mas nakakainis ba yun o mas nakakatakot.
Pinipigil ko ang luha. “Kairo… kailangan namin ng bahay. Kailangan namin ng oras. Hindi ko hiniling ang lahat ng ‘to. Hindi ko ginusto—”
“You don’t need to convince me,” he interrupted. “I already told you. I can fix everything. All of it. With one signature.”
Napatingin ako kay Mama at sa bunso ko.
Wrecked.
Scared.
Breaking.
“I’m ready to talk,” bulong ko.
Tahimik.
Nakakatakot na tahimik.
Tapos—
“Beg.”
Parang natanggal ang kaluluwa ko sa katawan ko.
“A… ano?”
“Beg,” ulit niya. “You heard me. You want help? Say it properly.”
“Kairo—”
“You’ve been fighting me for weeks. Saying no. Rejecting every offer. Running from me.”
His tone lowered. Darker.
“Now prove you really want what you’re asking for.”
My hands shook violently.
I hated him.
I hated him with every cell in my body.
But I hated watching my mother cry more.
“K-kailangan namin ng tulong,” bulong ko. “Please.”
“No,” he said. “Not enough. Say my name.”
Namilog ang mata ko. “What—? Kairo—!”
“Say. My. Name.”
Huminga ako nang malalim, ramdam ko ang bigat ng bawat salita na parang sasakal sa akin.
“Kairo…” I whispered. “Please.”
Still silence.
Still waiting.
“Kairo, I need your help,” I said again, louder this time. “Please. I’m asking you. I’m begging you.”
Soft laughter.
Hindi tawa ng tao.
Tawa ng halimaw na nanalo.
“Good girl.”
Napapikit ako.
I hated that.
I hated how those words felt — like chains.
Like a collar.
Like he owned me.
Pero kailangan ko to.
“Kairo…” mahina kong sabi. “Tell me… what do you want?”
“I already told you what I want,” he replied. “You.”
My stomach twisted.
“Not romantically,” he added, almost teasing. “Don’t flatter yourself. I want your cooperation. Your obedience. Your presence. Your image. Your silence. All of you—publicly and privately—under my terms.”
Na-paralyze ako.
“Pero gusto mo ring pabanguhin ko yung pangalan mo,” dagdag niya, voice lowering even more. “Gusto isang signature. Gusto kong makita kung gaano ka kahanda. Gusto kong malaman kung gano mo ako kayang sundin.”
“H-handaan?” I whispered.
“Yes.”
He chuckled softly.
“And you start tomorrow.”
“Bukas?!” I inhaled sharply. “Kairo, hindi ako ready. Hindi ko pa nababasa yung—”
“You don’t need to read anything.”
He cut in sharply.
“You just need to show up.”
“Where?”
He said the place.
And I froze again.
“The Valencia Group’s private tower? Why there?”
“So you understand exactly the weight of your decision,” he answered. “And so you walk into my world with no illusions left.”
My heart dropped.
“Kairo…”
I swallowed hard.
“That’s your territory.”
“Exactly.”
Naglakad ako papunta sa bintana.
Niyakap ang sarili ko.
Hindi ko maipaliwanag, pero parang hinihila ako ng dalawang opposite na puwersa:
Takot.
At… isang mas malalim pa.
“B-bakit kailangan bukas?”
“Because your eviction is in the morning,” he said simply.
“And because I’m done waiting for you to accept reality.”
Napahawak ako sa bibig ko.
Hindi niya ako binibigyan ng time.
Hindi niya ako binibigyan ng space.
He wanted me cornered.
He wanted me to feel the trap.
He wanted me to realize…
na wala na akong choice.
“What if… what if I don’t show up?”
Tahimik siya for a moment.
Then, in the softest, most terrifying voice:
“Then I will watch what happens to your family.”
Para akong tinamaan ng kidlat.
Parang lahat ng dugo ko tumakbo paakyat sa ulo ko.
“Kairo…” naluluha ako. “Wag mo silang idamay. Please...”
“Then show up.”
“I...”
“Yanna.”
I froze.
“You’re smart,” he murmured. “You’re stubborn, but not stupid. You know what needs to happen.”
Napahawak ako sa mesa.
“Kailangan ba talaga ito?” halos hindi ko marinig sarili ko.
“Yes.”
His voice dropped even lower.
“And you know why.”
Hindi ko na alam kung paano huminga.
Hindi ko alam paano lalabanan ang isang taong kontrolado ang lahat.
Pero naramdaman ko rin ang isang masakit na totoo:
Kung hindi ko gagawin ito,panigurado mawawala kami.
At kung gagawin ko ito, mawawala ako.
“Kairo…” bulong ko, punit na punit. “I’ll come.”
“Good.”
His tone curled with satisfaction.
“I’ll send a car at seven. Don’t be late.”
“Kairo...”
Click.
He ended the call.
Hindi man lang ako hinayaang huminga.
Pagharap ko kay Mama, naroon pa rin yung takot sa mata niya.
“A-Anak… kausap mo ba?”
Tumango ako.
“Anak…” Her voice broke. “Ano’ng gagawin mo?”
Hindi ko alam kung paano sasabihin ang totoo.
Hindi ko alam kung paano aamin na kailangan kong ibenta ang sarili ko sa isang lalaking gustong kontrolin ako.
Pero alam ko ito:
Kailangan ko sila iligtas.
“Ma…” nilapitan ko siya, hinawakan ang kamay niya.
“Bukas… may aayusin ako.”
“Yanna...”
“Ma, please,” bulong ko. “Hayaan mo muna ako. Kailangan ko ‘to gawin.”
And she didn’t press it.
Maybe because she was too tired.
Maybe because she trusted me too much.
Maybe because she knew she had no other choice either.
Pero ramdam ko:
Nalulunod na ako sa kasinungalingan.
At pinapayagan ko yun kasi kailangan ko silang iligtas.
Gabi na.
Nakahiga ako.
Pagod.
Wasak.
Gising.
Hindi ko malaman kung anong kinabukasan ang naghihintay.
Pero isang bagay ang sigurado:
Bukas…
ako mismo ang pupunta sa kanya.
Sa teritoryo niya.
Sa mundo niya.
Sa bitag niya.
At wala na akong takas.
Huminga ako nang mabigat, humigpit ang kapit ko sa kumot, at pumikit.
Pero bago ako tuluyang makatulog...
Nag-vibrate ulit ang phone ko.
Unknown number.
Tapos isang message:
Wear something nice.
The board will be watching.
At sumunod pa:
And Yanna?
Don’t disappoint me.
Parang biglang lumamig ang buong katawan ko.
Hindi ko alam kung mas natakot ba ako…
o mas kinabahan…
o mas na-trap.
Pero alam ko isang bagay:
Bukas… magsisimula ang torture.
At wala nang balikan.