“Sigurado ka ba talaga na idi-dare mo ako?” mahina ngunit may halong kiliti ang boses ni Yanna, parang sinusubukan niyang umatras kahit alam niyang hindi ko gagawin. Halos maramdaman ko ang kaba sa bawat paghinga niya, bawat pagdampi ng kanyang balikat sa braso ko, kahit nasa mesa lang kami nakaupo. Napangiti ako nang bahagya, nakasandal sa upuan habang nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa balkonahe ng resort. Nakikita ko ang bawat detalye sa kanya...ang pag-ikot ng kanyang buhok sa daliri, ang kaunti niyang pagkakagigil sa labi, ang paraan ng pagtingin sa akin na halos sabihing “wag mo akong subukan.” “Sa tingin mo ba umatras ako kapag may hamon?” sagot ko, mababa ang boses, may diin, at diretso ang titig ko sa kanya...yung klaseng titig na alam kong nagpapatigil ng pa

