The Contract (Yanna’s POV)

974 Words
The Contract (Yanna’s POV) Dalawang araw na akong hindi lumalabas ng dorm. Kung lalabas man, naka-hoodie, mask, at laging nakayuko. Kahit sino kasi, ramdam ko yung mga tingin nila—parang mga kutsilyo na tumatagos sa balat ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa court. Si Brian… yung taong akala ko kakampi ko hanggang dulo, siya pa yung unang bumitaw sa akin. “Hindi ko na kayang maging best friend mo.” Paulit-ulit yun sa utak ko. Hanggang ngayon, para akong hinihila pababa ng sariling alaala. Pero kailangan kong kumilos. Kailangan kong magpakatatag. Wala na akong ibang maaasahan. Pero hindi ako dapat maging mahina. Kahit paano, may natitira pa akong pride. Kaya kahit nanginginig pa yung tuhod ko, pinilit kong lumabas at pumasok sa campus library para kunwari mag-aaral. Pero doon ko siya nakita. Si Kairo. Naka-upo siya sa pinaka-kanto ng mesa, naka-black shirt lang at ripped jeans, parang hindi siya estudyante kundi kontrabida sa pelikula. Naka-slouch siya, nakataas yung isang paa sa upuan, hawak yung phone niya. At yung ngiti niya? Hindi ngiti ng kaibigan. Ngiti ng isang taong nag-eenjoy habang nakikita kang unti-unting nalulunod. Naglakad siya papunta sa’kin. Mabagal. Parang alam niyang wala akong takas. “Long time no see, scandal girl,” malamig niyang bungad. Nagsimulang magdikit-dikit yung mga mata ng ibang tao sa library. Ramdam ko na nag-uusap na sila kahit pabulong lang. “Siya nga yung nasa photo…” “Nakakahiya…” Pinilit kong lumakas ang boses ko. “Ano bang kailangan mo, Kairo?” “Relax.” Umupo siya sa harap ko, nakapatong yung siko niya sa mesa, naka-ngiti pa rin. “Hindi ako kalaban. Actually, baka ako lang ang matira mong kakampi.” Napakunot noo ako. “Anong ibig mong sabihin?” Kinuha niya yung phone niya, tapos ipinakita sa akin. Naka-display doon yung fake scandal picture ko—yung kumakalat ngayon sa buong internet. Pero may twist: sa feed niya, may mga memes na ginagawa niya, caption na parang minamaliit ako. Nalaglag yung puso ko. “You—” “Yes.” Tumawa siya ng mahina. “Ako yung unang nagpa-trend ng #ScandalGirl. With a little push, nag-viral. Grabe, ang dali lang palang wasakin ang pangalan ng isang taong walang laban.” Parang biglang naglaho yung hangin sa paligid. “Bakit?” mahina kong tanong, halos hindi ko maituloy. Umikot-ikot yung ballpen niya sa daliri. “Boredom. Curiosity. Power trip. Pick your poison.” Hindi ako nakapagsalita. Gusto kong sumigaw, gusto kong suntukin siya, pero wala akong lakas. Tapos yumuko siya, nilapit yung mukha sa’kin. “But… I can also fix it.” Napatingin ako agad. “Yes, Yanna. Kaya kong pabagsakin ka. Pero kaya ko ring buhatin ka. Depende kung anong kaya mong ibigay.” “Six months,” dire-diretsong sabi niya. “Magpanggap kang girlfriend ko. In Public. In i********: official. In t****k official. Lahat.” Nanlaki yung mata ko. “What?” “Simple lang. You’ll play the role of Kairo Valencia’s girlfriend. In return, babaliktarin ko ang narrative. Gagawin kitang victim, hindi slut. Gagawin kitang strong woman na ‘di tinatalo ng cancel culture. And because people love a comeback story, they’ll adore you.” Umiling ako, nanginginig. “Baliw ka ba? Ginawa mo ‘to, tapos gusto mo—” “Na sumama ka sa laro.” Tumayo siya, nakatingin pababa sa akin. “Wala ka nang scholarship. Wala ka nang trabaho. Even your precious Brian walked away. Anong choice mo, Yanna? Pride? Or survival?” Parang biglang bumigat lahat ng nasa dibdib ko. Six months. Anim na buwan na pagsisinungaling. Anim na buwan na pakikitungo ko sa isang taong sumira sa buhay ko. Pero naalala ko rin yung tuition fee notice na nakasabit pa sa desk ko. Yung utang ni Mama sa palengke. Yung mga kapatid ko na umaasa sa mga padala kong maliit na allowance. At higit sa lahat… yung mukha ni Brian. Yung itsura niya nung iniwan niya ako. Kung tatanggapin ko ‘to, baka may dahilan pa akong bumangon araw-araw. Kung hindi… baka tuluyan na kong lamunin ng lahat. “Walang ibang makakapag-ayos nito kundi ako,” dagdag pa ni Kairo, parang naririnig niya yung iniisip ko. “Ang tanong, hanggang saan ang kaya mong gawin para makabalik?” Tahimik akong nakatingin sa kanya, pero sa loob-loob ko, nagwawala na yung boses. Hindi pwede. Hindi siya. Hindi ko pwedeng hayaan na kontrolin niya ako. Pero… may punto siya. At yun ang pinaka-masakit. Kinuha niya yung ballpen at papel mula sa bag niya. Literal. May dala siyang contract. “Yes, Yanna. Legal. Hindi lang ito usapan. Nakasulat lahat: Six months. Be my public girlfriend. In return, your name will be cleared, and I’ll provide support. Cash. Influence. Connections.” Binigay niya sa akin yung ballpen. “Tingin mo may ibang pupulot sayo ngayon? Lahat iniiwasan ka. Ako lang ang lumapit.” Hawak ko yung ballpen. Nanginginig yung kamay ko. Kung pipirmahan ko ‘to, para na rin akong pumirma ng kamatayan ng kaluluwa ko. “Hindi ako manika,” bulong ko, kahit nanginginig. Tumawa siya. “Pero minsan, mas mabuti nang maging manika kaysa maging basurang tinatapakan ng lahat.” Parang sinampal ako sa sakit ng totoo. Kasi oo, yun ako ngayon—basura sa paningin ng lahat. Naramdaman kong tumulo yung luha ko, kahit anong pilit kong pigilan. “Six months, Yanna. Choose.” Tumayo ako, iniwan yung ballpen at papel sa mesa. Hindi ako makatingin sa kanya. “Hindi ko kailangan ng awa mo,” mahina kong sabi, pero ramdam kong nanginginig yung boses ko. “Kahit mamatay ako, hindi ako magiging puppet mo.” Pag-alis ko, narinig ko pa yung mahinang tawa niya, malamig at nakakayanig. “At the end of the day, Yanna… lahat nagiging puppet. Kahit yung ayaw.” At doon ko naramdaman na nagsisimula pa lang ang totoong kalbaryo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD