*flashback* Leiden's POV "Mama, bakit anlaki po ng tyan mo?" tanong ko kay mama habang hinihimas ko ang malaki niyang tiyan. "Nanjaan kasi sa loob si aling mo," sagot naman niya? Nang marinig ko iyon ay nagalit ako at saka ko hinampas ang paa ni mama kaya't nagtaka siya. "Mama! Bakit mo nilunok ang aling ko?" pagalit kong tanong na sinuklian naman nila ni papa ng pagtawa. Nang marinig iyon ni papa ay agad niya akong kinarga at saka binugbog ng kiliti. Limang taon pa lamang ako ngayon kaya't kinakaya pa akong buhatin ni papa. Sana kahit matanda na ako, bubuhatin niya pa rin ako. Habang abala kami sa pagtatawanan ay biglang paglisan naman ni papa dahil mayroong tumatawag sa kaniya sa teleponong nakadikit sa pader. "Hello. Mayor Cruz, speaking," saad niya na hindi ko naman main

