CHAPTER 2

1759 Words
MAS lalong lumapad ang ngisi ko. “There’s no way I could do that. I am a b-itch, Mom.” Tinanguan n’ya ako. Oh God, hindi ko naranasan na magkaroon ng kapatid kaya hindi ko kayang makipaghalubilo sa iba. I can’t imagine if I have siblings. I am not interested to meet them. “Your Dad will come over tomorrow.” Sinamaan ko na naman s’ya ng tingin dahil umiinit ang ulo ko kapag naririnig ko na ginagawa n’yang Tatay lalake n’ya! “Get out in my room, Mom. Lumabas na kayo baka mamura ulit kita,” mariing usal ko. She just smiled at me tapos tumalikod na. Napa-hinga ako ng marahas dahil na-f-frustrate ako! Tinitigan ko na lang s’ya habang patungo sa pinto ko hanggang mawala na s’ya sa nandidilim kong paningin. Naririndi ang mga tainga ko sa mga lumalabas sa bibig n’ya. My Dad huh? Dad her face. For sure tatarayan ko ang taong ‘yon. I sat down again para maipagpatuloy ko ang pag-s-search ko sa aking laptop. Na’ng mag-sawa na ako sa kakabasa, I spent my remaining time watching thrilling movies until 12 midnight. Nagdadalawang isip pa nga ako kung matutulog ba ako o hindi. I feel so lonely kasi kapag ipipikit ko ang mga mata ko. Nasanay kasi akong kausap ko si Daddy tuwing gabi. Hindi sa ganitong alanganing oras but… you know, habang kumakain kami ng dinner. Kahit kami lang dalawa, sulit na para sa ‘kin. Ako lang kasi ang stress reliever n’ya. Cause of stress din naman ako minsan dahil sa mga kaartehan ko pero, kahit ganu’n katigas ang ulo ko close na close kami ni Dad. Huminga na lang ako ng napakalalim bago tumayo sa kinauupan at umakyat sa ibabaw ng kama ko. I lied down and here we go again, unti-unti na naman akong kinakain ng kalungkutan habang napa-tulala sa kisame. But I got an idea. Mabilis akong bumangon at hinarap ang side table ko sa left side ng bed. I reached the first drawer there, at hinanap ko agad ang maliit na bote na naglalamang sleeping pills. Don’t worry, hindi naman lagi na umiinom ako ng ganito. Pang limang beses pa lang yata. If I was having a hard time taking a nap, ito ang ginagawa ko. Kumuha ako ng isang tableta at diretsong nilunok na walang tubig-tubig. Tinatamad ko na kasing abutin ‘yong glass pitcher ko. And then, humiga na ulit. Ang tagal tumalab sa ‘kin pero after thirty minutes or more, nakukuha ko na ang antok ko. At last. “Senyorita Veranica?” Bahagyang kumunot ang noo ko habang naka-pikit ang aking mga mata na’ng marinig ang boses ni Gregor. “Senyorita, it’s 11 in the morning already. Hindi pa po kayo nakapag-agahan.” Umangil ako at bumalikwas patagilid. “Magagalit sa akin si Madame Helia kapag hindi pa kita napa-baba.” Hindi ko naiintindihan mas’yado ang sinabi n’ya kaya sinubukan ko ulit matulog. I am still sleepy. “Senyorita, darating ngayon si Mister Balthtazar. Kinakailangan n’yo na’ng mag-bihis dahil makakasama n’yo rin s’ya sa dining room mamaya.” Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Humugot pa ako ng mapakaraming hangin at nag-inat bago hinarap si Gregor. Pormal s’yang naka-tayo sa paanan ng kama ko banda habang bahagyang naka-yuko ang kumikinang-kinang na kalbo n’yang ulo. “Who’s that? I don’t know him,” tugon ko sa bagong gising na boses habang napapahikab. I want to get more sleep but I don’t want to hear my mom’s nagging this early in the morning. But wait, sa pagkakarinig ko alas onse na. Well, maaga pa rin ‘to para sa ‘kin. “Rovano Balthazar, your mother’s husband.” Naningkit kaagad ang mga mata ko na’ng marinig ang lintek na pangalan na ‘yan. Well, let’s see if kung sino ang malas na matandang lalakeng nag-paloko sa kamandag ng Mom ko. If he is a billionaire, then walang ibang hangad ang Mommy ko kundi ang pera n’ya. Oh well, nature na ng mama ko ‘yan. Baka ‘MMMM’ ang lalakeng ‘yon ‘e. ‘Matandang Mayaman Madaling Mamatay’, kung i-elaborate pa. Sana matigok 'yon agad. “Med’yo naging excited ako makita ang napangasawa ni Mom. Baka matandang hukluban na uugod-ugod ‘yon,” natatawang usal ko sabay dahan-dahang bumaba sa kama. First thing that I am going to do is, I have to take a cold shower. Then after twenty minutes tinungo ko na ang walk in closet. I am not in a mood to wear extravagant outfit today so I grabbed some simple outfit. Just like off shoulder pink blouse and dark pink layered skirt. Dati, halos araw-araw na bongga ang mga sinusuot ko kahit nasa bahay lang but now… tinatamad na ako. Wala na kasing taga-puri para i-compliment ang outfit ko ‘e. Yeah, I was talking about my Dad. Kahit ang o-oa ng mga sinusuot ko, todo puri pa rin kahit alam kong pangit sa ‘kin. It makes me happy though. “Senyorita? This is fifth time na pinatawag ka ni Madame Helia.” My butler is truly annoying, I know that pero nasanay na ako. Ginagawa lang naman ang trabaho n'ya ‘e. Naka-upo na ako ngayon sa harapan ng make-up table ko habang naka-titig sa salamin. I am still drying my hair pero madaling-madali naman ang witch na ‘yon. I will put some make up so matatagalan pa ako. Girl’s thing, you know. “Don’t you worry, Gregor. Ako ang sasalo ng sampal ni Mom para sa ‘yo.” Yep, ganu’n kalupit ang Mom ko at minsan, kapag may hindi lang s’ya nagugustuhan… nanakit pa ng mga trabahador dito which is kinaiinisan ko. Dati nu’ng ako pa ang makapangyarihan dito, kapag nakita kong may binubungangaan lang si Mom na maid namin or what… I ended up arguing with her. Hindi naman kasi s’ya ang pagpapasweldo tapos s’ya pa ang may ganang manakit? Duh? Wala lang naman ginawa kundi mag-bakas’yon at manlalake. Pagkatapos kong mapatuyo ang aking curly na buhok, gusto kong maging kulot pa 'yon para mas maganda tignan. Kinuha ko ang curler sa third drawer then inumpisahan ko na. Nag-lagay na ako ng light make-up para madagdagan ang aking ganda. Yes, maganda naman talaga ko. Hindi na ako magpapahumble sa sarili ko, sa ibang tao lang ako ganu’n. And duh? We all know that we are beautiful as long as hindi nakakasuklam ang ugali mo. Nakakapangit kasi ‘yon. Tingnan mo, pangit na pangit ako kay Mom kahit literal na may ibubuga s’ya. “Dumating na ba ang kabit ni Mama?” tanong ko agad kay Gregor pag-labas ko pa lang sa walk in closet. Naka-tayo na s’ya sa kaliwang pader sa gilid ng naka-sarado kong pinto. Na’ng papalapit ako ro’n, kinapitan n’ya agad ang door knob para mapagbuksan ako. “He’s on the way, senyorita,” tugon n’ya na’ng maka-labas na ako. Rumapa ako pababa ng second floor. Pag-pasok ko sa dining room, bumungad agad sa ‘kin ang mahabang dining table na pinuno ng pagkain with wine and candles pa kahit umagang-umaga. Naka-tayo na ang mga maids sa likuran ng magkabilang side ng mesa na pantay ang linya. Naabutan kong naka-upo na si Mom sa right side center part. Kahit nasa harapan s’ya ng gras’ya, she was fixing her red lipstick habang naka-titig sa pocket mirror. Napa-ngiwi ako habang papalapit. Tahimik akong umupo sa left side habang kaharap s’ya. “What have you been doing last night and you woke up late again,” bungad n’ya sa ‘kin pero hindi ko s’ya sinagot Tinitigan ko na lang ang golden plate tapos sa both side ng plato, may mga naka-align na iba’t-ibang uri ng table spoon and fork. Dami ring arte, dalawa lang din naman ang gagamitin ko. Pure kutsara at tinidor. Nag-f-formal table preparation kami kapag may mga bwisitang darating. Kinapitan ko na ang kubyertos na gusto kong makuha. “Don’t start. Hihintayin pa natin si Rovano.” I was about to get a prawn, tapos ‘yan ang narinig ko. Pabagsak kong nilapag ang mga kubyertos sa ibabaw ng plato at nag-likha ‘yon ng ingay na masakit sa tainga. “Pinagmamadali mo ako tapos in the end, tayo pa ang maghihintay ngayon—“ “Sorry I am late, baby.” Awtomatikong napa-titig ako sa pintuan at bahagyang lumuwa ang mga mata ko na’ng biglang lumakad papasok ang isang malaking tao! Napa-awang ang bibig ko dahil ang maskulado n’ya! Don’t tell me, ito ang matandang hukluban na inasawa ng Mama ko?! Sinundan ko s’ya ng tingin at napansin kong may sipit-sipit ang maugat n’yang bisig na dalawang bouquet ng red roses. “It’s fine, baby.” Napa kurap-kurap ako dahil sa endearment nila! Baby?! Tapos jusko ang lalaki nila?! Are they for real?! But seriously, may hitsura ang kabit ni Mom. In short, sa pagmumukha pa lang n’ya... wala na akong tiwala. Huminto s’ya sa tabi ng Mama ko at tumayo naman ang witch para mabigyan s’ya ng halik sa lips. What the f-uck, sa harapan ko pa sila nag-tukaan. I am gonna throw up. “For you baby,” malambing n’yang saad pero sobrang barito ng boses. Pang matanda talaga. Binigay na n’ya sa Mama ko ‘yong isang bouquet while she was wearing a sweet smile on her lips. Ugh, I can’t take this scene. Nakakadiri. “And this is for you, Nica.” Bigla s’yang humarap at nahuli n’ya akong naka-ngiwi. Inabot n’ya sa ‘kin ‘yong pangalawang bouquet pero tinapunan ko agad s’ya ng nagtataray na tingin kahit nginingitian n’ya ako ngayon. “I have heard a lot about you. Take this.” Tinitigan ko saglit ang inaalay n'ya sa 'kin pero binalik ko agad ang attention ko sa pagmumukha n'ya. “I am terribly allergic to flowers,” maarteng usal ko sabay tinaasan ko s’ya ng kilay. Nakita ko mismo kung paano gumalaw ang kan’yang panga. His jaw clenched huh? Tapos umiba na agad ang ngiti. Parang napilitan na lang. I bet he doesn’t like me already. Napa-sulyap ako kay Mom pero alam kong nananampal na ang tinginan sa ‘kin but I don’t care. “Pardon her, baby. She’s a brat,” malumanay na usal n'ya kahit mala-dinosaur naman ang boses kapag kami lang dalawa. Hinarap n’ya ulit si Mom. “My son will take care of her.” Nakuryente ako sa kilabot dahil saglit n’ya pa akong sinulyapan Geez, what a creepy old man. “Ravano can break her horns.” Hindi ako nag-paninag. I smirked. “IF HE CAN.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD