THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 10
C O N A N
SINUSUBUKAN kong inintindihin ang mga nangyayari. Itong mga kinikilos ngayon ni Sir Harrison ngunit hindi ko talaga ito naiintindihan. Nakangiti siya habang kumakain kami. Nakaupo siya sa harapan ko at panaka-nakang tumitingin sa akin.
Ni hindi ko manguya ang pagkain sa bibig ko dahil naiilang ako. Natatakot naman akong magtanong baka kung ano pa’ng isagot nito. Ni hindi ko rin magawang tumingin sa kaniya nang diretso ngunit napapansin kong nakatingin siya sa akin.
“Are you alright? Hindi mo pa nauubos ang pagkain mo? Hindi ba masap ang niluto ko?” At iba rin ang tono ng kaniyang boses kung magtanong. Malambing. Para bang ingat na ingat siya sa kung ano’ng lalabas sa kaniyang bibig dahil pagnagkataon na may masabi siyang hindi maganda ay makakasakit iyon sa iba. Ang aliwalas din ng kaniyang mukha nang mapatingin akong muli rito.
Umiling ako. “A-Ayos lang po. Masarap naman po,” sagot ko. Kumain na lang ako at sinubukang ubusin ang mga nakahain. Nagpapasalamat ako dahil hindi na siya muling nagsalita pa dahil kapag nagtanong pa siya’y hindi ko alam kung ano’ng isasagot ko.
“By the way, I’d like to apoligize,” ani Sir Harrison pagkaraan ng limang minuto, mahigit. Saktong patapos na akong kumain at siya naman ay kanina pa nito naubos ang pagkain niya ngunit hindi pa rin siya umaalis sa puwesto.
Uminom ako ng tubig at saka tumingin sa kaniya. “Tungkol po saan?” tanong ko nang maibaba ko ang baso.
“About what happened last night.” Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang hawakan niya ang aking kaliwang kamay. Tiningnan niya ang mga sugat dito mula sa mga bubog kagabi. “This… It’s my fault and I’m really sorry. You can slap me for being stupid and careless.”
Marahan kong binawi ang aking kamay at saka ngumiti ng pilit. “Natutuwa ako na alam ninyo ang pagkakamali ninyo pero hindi po ako ganoong klase ng tao, na marunong gumanti sa mga nakasakit sa akin. Ayos lang po sa akin. Isa pa po, trabaho ko pong alagaan kayo.”
Isa sa mga natutunan ko sa aking mga magulang ay ang huwag gumanti sa mga taong nagkasala sa atin. Hayaan natin silang pagsisihan ang mga lahat ng kanilang ginawa. Dahil kapag gumanti ka, mas lalo lang ding lalaki ang problema. Kung alam mong humakbang paatras, ganoon ang gawin mo. Nakatutuwa lang na marunong tumanggap nang pagkakamali si Sir Harrison at sana ay sa susunod, huwag na siyang uminom kung hindi naman niya kayang kontrolin ang sarili niya.
“But—”
“Huwag ninyo na pong isipin iyon, Sir. Ayos lang po talaga. Maghihilom din po ang mga ito,” pagpapatigil ko sa kaniya. Tumayo ako at iniligpit ang mga pinagkainan naming dalawa nang bigla na naman nitong hawakan ang mga kamay ko.
“Put them down. I can do this. Simula ngayon ay ako muna ang magtatrabaho habang hindi pa naghihilom ‘yang mga sugat mo,” anito. Aangal na sana ako nang tumingin ako rito pero nagulat ako ng malungkot siyang nakatingin sa akin. “Please? Let me do this for you.”
“Sigurado po kayong kaya ninyo?” paniniguro ko. “Marunong po ba kayong maglaba? Maglinis ng CR? Tapos po iyong mga halaman ko po sa labas, kaya po ba ninyong linisan?” dagdag ko sa mga gagawin ko dapat ngayong araw.
Ngumiti siya kaya kitang-kita ko ang puti at pantay-pantay niyang mga ngipin. Binitiwan naman niya ang kamay ko at nanlaki ang mga mata ko nang mag-flex siya ng kaniyang muscles sa braso. Nakasuot lang siya ng puting sando na hapit na hapit sa kaniya. Mukha siyang body builder pero iyong sakto lang ang katawan. Sandali, ano ba itong iniisip ko?
“Look! I can do everything. I’ve done it before, so don’t worry.”
Umiwas ako ng tingin dahil naramdaman ko ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi. “K-Kung ‘yan ang gusto po ninyo,” sabi ko.
“Okay. Then…” Napasinghap ako nang hawakan ako nito sa balikat at dinala sa sala. “All you have to do is to sit and rest. Just tell me whatever you need.”
Naguguluhan ako. Wala talaga akong naiintindihan sa mga nangyayari. Hindi nagsi-sync in sa akin ang inaakto ni Sir Harrison ngayon. Samantalang noong mga nakaraang araw ay madalas siyang tahimik, nakatutok sa kaniyang laptop, at minsan ay may kausap din siya sa kaniyang cell phone. Pero itong inaakto niya ngayon ay pinapagulo lang ang isipan ko. Iba ang kaniyang tono kung siya’y magsalita; may lambing.
Naupo na lang ako at sumunod sa kaniyang gusto. Tinalikuran niya ako’t naglakad pabalik ng kusina. Sinundan ko siya ng tingin at nang malapit na siya sa pinto ng kusina ay bigla siyang humarap at ngumisi sabay kindat. Mabilis akong umiwas ng tingin at alam kong pulang-pula na ngayon ang magkabila kong pisngi dahil ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mga ito.
Ano iyon? Para saan iyon? Bakit niya iyon ginawa?
Ang dami kong katanungan na mukhang mabubulok lang sa isipan ko’t magiging dahilan pa yata ito nang pagkasira ng aking ulo.
Sinubukan kong tanggalin iyong ginawa ni Sir Harrison sa isipan ko sa pamamagitan nang panonood ng television. Pero hindi talaga ito maalis. Naging permante at patuloy na tumatakbo sa isipan ko. Muli namang lumabas si Sir Harrison sa kusina.
“I’m done cleaning the kitchen. I think, I needed your help for this one,” aniya.
Napangiti ako. Akala ko ba’y kaya niyang gawin ang lahat? Ang lakas pa niyang magpakita nang malalaking muscles tapos magpapatulong din pala siya? Tumayo ako.
“Tungkol po saan?” tanong ko. Umiwas siya ng tingin at kumunot ang noo ko. Kumamot siya sa kaniyang batok.
“I need a hug. You know, for motivation?”
Bumagsak ang panga ko sa gulat. Ano ‘yong sabi niya? Yakap? Kailangan niya ng yakap?
“Can you hug me?” dagdag pa niya nang ilang segundo akong natigilan at hindi kaagad nakasagot.
“H-hindi ko po kayo maintindihan,” sabi ko, imbes na sagutin siya. Tumingin siya sa akin. “B-Bakit ko po kayo kailangang yakapin?”
“Well, my Mom was always telling me that if someone is tired, you hugged them. Para mawala iyong pagod nila.”
Ah, sabi pala iyon ng kaniyang Mama. Tumango lang ako. Lumapit naman ako rito at saka siya niyakap. Matangkad siya sa akin kaya sa katawan lang niya nakapulupot ang mga kamay ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko na sana’y hindi niya maramdaman dahil wala akong maisasagot sa kaniya. Ni ang sarili ko’y hindi ko rin kayang sagutin kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik sa akin. Hindi iyon mahigpit at parang ingat na ingat pa rin siya. Isinandal naman nito ang ulo sa aking balikat. Mabilis ang t***k ng kaniyang puso, ramdam na ramdam ko iyon. Walang nagsalita sa aming dalawa at nakayakap lang ako rito.
Ako ang unang bumitaw ng marinig ko ang pagtunog ng doorbell sa labas ng bahay. Ngumit siya nang tumingin ako rito.
“T-Thanks. Sige, babalik na muna ako sa kusina. Ikaw na bahala magbukas ng gate. Baka ‘yan na iyong Pizza na pina-deliver ko,” aniya at mabilis akong tinalikuran at iniwan.
--
BINUKSAN ko ang gate at hindi Pizza Delivery Rider ang bumungad sa akin kundi si Riley, anak ni Manang Elsa na panganay.
"Ri, naparito ka?" tanong ko.
Madalas na pumunta si Riley noon dito, kasama si Manang Elsa dahil tumutulong siya kay Manang Elsa sa paglilinis.
"Inutusan ako ni Mama na imbitahin kita. Birthday ni Maria mamayang gabi. Gusto ni Mama na pumunta ka," sabi nito.
"Ganoon ba?" Tumango lang siya.
"Conan, what are you still doing there? I'm hungry," narinig kong sabi ni Sir Harrison. Tumingin ako rito at papalapit siya sa amin. "I've already paid the Pizza," sabi pa nito nang makalapit siya ngunit kaagad nitong nakita si Riley. "Who are you?"
Tumingin si Riley sa akin. "Ri, siya pala may-ari nitong bahay. Si Sir Harrison. Sir, si Riley po, anak ni Manang Tessy, isa sa mga pinapatawag ninyo para mag-general cleaning po," sabi ko.
"Ikinagagalak ko pong makilala kayo, Sir Harrison," ani Riley at iniabot ang kamay.
"Harrison. Nice to meet you."
Nagpaalam na rin si Riley. Sinabi ko naman na susubukan kong pumunta. Inimbitahan din nito si Sir Harrison. Sakto naman na dumating din ang Pizza na binili nito. Bumalik din kaming dalawa sa loob at kinain ang kaniyang binili.