Chapter 11

2168 Words
THE RUNAWAY BILLIONAIRE CHAPTER 11 C O N A N IMBES na sa kusina namin kainin itong Pizza ay naisipan ni Sir Harrison na rito na lang sa labas, sa may garden kung saan madalas siyang tumambay sa tuwing nagtatrabaho siya. Maganda kasi ang paligid dito at isa pa, hindi mainit at maganda ang temperatura ngayon. Katatapos lang din niyang maglinis at maglaba sa loob ng bahay na hindi ko inaasahang mabilis niyang matatapos. Hindi pa nito nalilinisan ay mga halaman ko pero hindi ko na siya sinabihan pa dahil baka isipin pa niyang namimihasa ako. Wala pa namang mga damo iyong mga itinanim ko kaya ayos lang iyon. Mukhang pagod din siya sa pagtatrabaho dahil pinagpapawisan na ang kaniyang noo, at medyo basa na rin ang suot niyang sando. “Kanina ka pa nakatingin sa akin. Is there something wrong or you wanted to tell me?” Kaagad akong umiwas ng tingin at ibinaling sa may mga kabundukan. Kanina pa ba ako nakatingin? Parang hindi naman. Hindi ko nga matandaan kung ilang slice na ng Pizza ang kaniyang naubos. “W-Wala po,” sagot kong hindi ko alam kung iyon ba ang dapat kong isagot. “Gusto mo bang pumunta sa bahay ng lalaking ‘yon?” tanong niya. Muli akong tumingin sa kaniya. Nakasandal siya sa upuan habang seryosong nakatingin sa akin. Ang dalawa niyang kamay ay nakalagay sa kaniyang ulunan kung kaya’t kitang-kita ko ang kili-kili niyang may kalaguan ang buhok. “Opo. Sana?” sagot kong patanong. Nang imbitahan kasi siya ni Riley kanina ay hindi naman siya nagsabi kung pupunta siya o hindi. Hindi rin ako sigurado kung pupunta ba siya at nahihiya akong magtanong. Mabuti na lang dahil naisipan nitong buksan ang tungkol doon. “Hmmmm.” Umayos siya ng upo na ikinakunot ng noo ko. Inilagay niya ang isang kamay sa baba habang minamasahe ito, nag-iisip habang nakatingin sa malayo. Hindi naman ako nagsalita at hinintay ang magiging sagot niya. “We’ll go together,” sabi niya. Lumiwanag ang mukha ko dahilan para mapangiti ako nang malawak. “Salamat po, Sir!” Ngumiti lang siya at tumango. Hindi na mawala ang ngiti ko sa labi habang inuubos namin ang natitirang Pizza. Sayang lang din kasi ito kung hindi mauubos. Apat na boxes pa naman ang binili ni Sir samantalang dalawa lang kaming kakain nito. Habang inuubos namin ito ay nag-uusap kaming dalawa. Hindi ko alam na madaldal pala si Sir, pero sabagay, hindi nga pala namin kilala ang isa’t isa ng buo. “Where are your parents?” bigla niyang tanong sa kalagitnaan ng aming usapan. Nawala ang ngiti ko. “Patay na po sila,” sagot ko. “I’m sorry about that,” aniya. “Ayos lang po. Lahat naman tayo’y mamamatay,” sagot ko’t sinubukang tumawa ngunit siya’y seryoso lang na nakatingin sa akin. Alam kong hindi nakakatawa iyong joke ko. “M-May problema po ba?” “You looked okay on the outside yet your eyes were telling the opposite. What really happened to them?” Natigilan ako at saka umiwas ng tingin. Isa sa mga ayaw ko ay iyong pag-usapan ang tungkol sa mga magulang ko – sa kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kanila. Hanggang ngayon ay sinusubukan ko pa ring tanggapin ang lahat, na kaya nila nagawa iyon ay para lang sa ikabubuti ng buhay ko, ng buhay ng mga tinutulungan nila. Kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanila. Naging mabuti silang mga magulang. Pinalaki nila akong mabuting tao na ipinapasalamat ko sa kanila. Minahal nila ako at kahit kailan ay hindi nila hinusgahan ang kasarian ko. Tinanggap nila ako nang buong-buo. Lalong-lalo na si Papa na palaging sinasabi sa akin na balang ay may taong magmamahal sa akin kung saan tatanggapin ako, ‘tulad nang pagtanggap nila sa akin. Mahal ko sila. Mahal na mahal. Ang hindi ko lang matanggap ay kung bakit kailangan nilang maglihim sa akin? “Namatay po sila sa aksidente. Nagde-deliver po kasi si Papa at Mama noon, sa bundok po, tapos umuulan at doon po nangyari ang lahat,” sagot ko. “Do you have any siblings or aunt?” Umiling ako. Wala akong kapatid. Hindi ko naman alam kung may mga kapatid ba sina Mama at Papa dahil ni minsan ay walang pumuntang kamag-anak namin noon. “Wala po. Kayo po, kumusta naman po ang pamilya ninyo?” tanong ko upang malihis ang usapan namin tungkol sa mga magulang ko. Ayoko silang pag-usapan. O marahil ay hindi pa ako handang sabihin sa iba ang totoo. Tumingin ako kay Sir Harrison na biglang nabago ang ekspresiyon sa mukha. “Pasensiya na po,” sabi ko nang hindi siya magsalita. Tumingin siya sa akin. “May nasabi po yata akong hindi niyo gusto,” dagdag ko. “No. It’s okay. Everything is fine. Apat kaming magkakapatid. I’m the second child. My both parents are still alive and they’re doing great,” aniya. “We weren’t living together. I live in my condo and worked as a CEO of my company. It was my Dad’s company, honestly, but I take his position.” Nagkwento pa siya tungkol sa buhay niya sa Manila. Maging ang naging buhay noong siya ay nasa College pa lang. Hindi rin pala nagkakalayo ang agwat ng edad namin. Twenty-three ako at habang siya ay Twenty-nine, na akala ko’y lagpas na siya sa kalendaryo dahil ang matured niyang tingnan. “Hindi niyo po ba sila nami-miss? Ang girlfriend niyo po?” tanong ko na sana ay hindi na lang. Bakit ko ba naitanong ang tungkol sa kasintahan niya? Ano ba’ng pumapasok sa isipan ko? “I missed them, but I have to do this in order to think about everything.” Tumango lang ako. Hindi niya sinagot ang tungkol sa kaniyang kasintahan. Hindi na lang ako nagsalita pa. Baka ayaw lang niyang pag-usapan ang tungkol doon. Siguro ay may problema silang dalawa at kailangan muna niyang mag-isip kung ano’ng gagawin. -- NANG sumapit ang alas-singko ng hapon ay kaagad kaming gumayak ni Sir Harrison patungo sa bahay nina Manang Elsa. Hindi naman kalayuan iyon dito dahil kalapit lang nitong mga rest houses ang baryo kung saan nakatira si Manang Elsa. Sumakay kami sa kaniyang kotse at ilang minuto lang ay nakarating kami rito. Maliit lang ang bahay nina Manang Elsa ngunit malawak ang bakuran nito kung saan kasalukuyang may mga taong abala sa paghahanda, pakikipag-usap, at kung ano-ano pang puwede nilang pagkaabalahan. Kaagad na lumapit si Riley sa amin nang makita kami nito. “Conan, nakarating kayo. Maraming salamat,” aniya, may ngiti sa kaniyang labi dahilan para sumingkit pa lalo ang kaniyang mga mata. Iniabot ko sa kaniya ang paper bag na naglalaman ng regalo ni Sir Harrison para sa kaniyang kapatid. “Nag-abala pa kayo pero maraming salamat.” “Walang anuman. Si Manang Elsa nga pala?” “Ah. Nasa loob. Halika kayo’t sasamahan ko kayo sa kaniya.” Sumunod kami kay Riley. Dumaan kami sa gitna ng mga taong abala sa pagkain dahilan para pagtinginan kami, o sadyang ang kasama ko ang umagaw sa kanilang atensiyon. Simple lang ang suot niya pero agaw atensiyon pa rin ang kaniyang itsura. Pumasok kami sa loob ng bahay nina Manang Elsa kung saan nakita namin itong nakaupo kasama ang mga kaibigan nito. Nandito rin si Manang Soy, si Regine, at si Goldy na mga kasambahay sa bahay ni Sir Harrison. Nagsitayuan sila nang makita kami. Ipinakilala ko naman sila kay Sir Harrison dahil ‘tulad ko noon ay hindi rin nila ito kilala. Pagsapit ng alas-otso ng gabi kung saan dito na rin kami kumain. Kaagad nagsimula ang kanilang programa. Debut ng anak ni Manang Elsa ngayon. Kaagad na napalagay ang loob ko nang yayain ni Riley si Sir Harrison upang mag-inom. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nagpaalam pa ito sa akin kani-kanina lang na nasa akin ang susi kung papayag siya o hindi. Habang ako, heto at nanonood sa mini games na kanilang inihanda. “Bakla.” Isang dalagang nakasuot ng spaghetti na damit at maikling shorts ang tumabi sa akin. May highlights ang kaniyang buhok ‘tulad sa isang Korean female group sa internet. “Ako po ba ang tinatawag ninyo?” tanong ko dahil pagkakatanda ko ay hindi naman bakla ang ipinangalan sa akin ng mga magulang ko. “Gaga! Malamang. Sino pa bang Bakla rito kung hindi ikaw?” Hindi ko alam kung maiinis ako o hahayaan na lang siyang tawagin akong bakla. Bumuntonghininga ako. “Pasensiya na pero hindi kasi Bakla ang pangalan ko. Conan po,” sagot ko sa kaniya. “Pero bakla ka ‘di ba?” “Oo pero hindi mo ako kailangang tawagin sa harap ng maraming tao, lalo pa’t hindi naman tayo magkaibigan.” “Ito naman. Masyadong seryoso. Itatanong ko lang kung sino iyong kasama mo kanina. Ang guwapo kasi,” aniya. Bumuntonghininga akong muli. Ang totoo ay hindi lang siya ang lumapit sa akin para itanong kung sino ang kasama ko. Tatlo na sila at iisa lang isinasagot ko, “Si Sir Harrison at may asawa na siya.” Bumusangot naman siyang umalis sa tabi ko’t ipinagpasalamat ko iyon dahil baka hindi na rin ako makapagtimpi at malait ko pa ang suot niya’t hairstyle. Dalawang oras pa ang itinagal ng programa at natapos na rin iyon. Busog na busog na rin ako. Nilalamig na rin dahil nakalimutan kong magdala ng jacket. Tumayo ako at pinuntahan ang puwesto nina Sir Harrison pero nagulat ako dahil may katabi siyang babae, hindi iyong mga babaeng nagtanong sa akin kanina. Iba ito, maganda at maganda rin ang katawan. Iyong tipong pang beauty pageant ang kaniyang itsura. Nakahawak ito sa balikat ni Sir Harrison habang abala si Sir sa pag-inom. Mukhang hindi pa naman siya lasing at mukhang wala pang balak umalis. Tumalikod na lang ako dahil hindi naman nila ako napansin. Umalis na lang ako roon at naghanap ng puwesto, malayo sa kanila dahil bakit ganoon? Nakaramdam ako ng pangingirot ng puso. Umupo na lang ako sa medyo madilim na parte upang walang makapansin sa akin. Pinanood ko na lang ang ginagawa ng mga tao; may kumakanta sa harapan upang i-entertain ang mga tao dahil tapos na ang party pero mukhang wala pang balak na umuwi ang lahat. Doon ko na lang itinuon ang buong atensiyon kaysa sa nakita ko. “Conan?” Ibinaling ko ang tingin dito. “Bakit ka nandito? Ayos ka lang?” Umiwas ako ng tingin at humugot nang malalim na hininga. Napayakap din ako sa sarili ko. “Ayos lang ako, Ri. Salamat.” “Sandali at ikukuha kita ng jacket. Mukhang nilalamig ka,” aniya at mabilis ako nitong iniwan ngunit hindi nagtagal ay dumating din siya’t may dalang puting Jacket na kaagad niyang ipinasuot sa akin. “Hindi ka na nilalamig?” Umiling ako at ngumiti. Nagpasalamat din. Akala ko ay iiwan na ako nito pero kumuha siya ng plastik na upuan at tumabi sa akin. “Ang suwerte naman ni Boss Harris,” sabi niya bigla. Nang tingnan ko siya’y nakatingin siya sa direksiyon nina Sir na kita rin pala mula rito. ’Tulad nang nakita ko kanina ay ganoon pa rin ang puwesto nila pero sobrang dikit na ng mga ito sa isa’t isa at nagkakatinginan pa. “M-Mukha nga,” sang-ayon ko pero ramdam ko ang hindi pagsang-ayon ng aking puso. “Sino nga pala ‘yang kasama niya?” “Bakit? Nagseselos ka ba?” “Ha?! S-Sira. Hindi, ’no! Gusto ko lang malaman para kilala ko sakaling may mangyari.” Tumawa si Riley. “Si Monica. Miss University sa School. Ang ganda niya, ’no?” “May gusto ka ba sa kaniya?” “Mayroon, matagal na. Noong mga bata pa lang kami pero wala, e, iba ang gusto niya. Gusto niya iyong angat ang buhay dahil maraming utang ang Mama niya.” Ah, kaya ba nito katabi si Sir Harrison dahil huhuthuta lang pala niya? Tumayo ako. Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Riley sa akin at mabilis ang hakbang na nakalapit ako sa puwesto nina Sir. “Hey, Conan. Come here, join us,” ani Sir nang mapansin ako nito. Tumingin naman sa akin ang mga kasama niya, pati si Monica na nakangiti pang nakatingin sa akin. Sumunod din pala si Riley sa akin. “Mawalang galang na po pero kailangan na po natin umuwi. Tumawag po si Sir Marcus at may importante siyang sasabihin sa ‘yo,” pagsisinungaling ko. Nagulat siya. Mabilis siyang tumayo dahilan para mapabitaw si Monica sa pagkakahawak nito sa balikat ni Sir. “What? Why didn’t you tell me?” aniya at mabilis na umalis. “I am really sorry but we have to go.” Hindi na niya pinansin ang mga kasama niya at nagulat ako nang hawakan niya ako sa kamay at hinila. Tumingin lang ako kay Riley at tumango lang siya, mukhang nakuha nito ang ibig kong sabihin. Sumakay kami ng kotse ni Sir at kaagad na siyang nagmaneho papauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD