Kabanata 03

1369 Words
Bagamat nagtapos siya ng kursong Business Administration sa isang sikat na Unibersidad sa Maynila, subalit hindi niya ito nagamit kaagad, dahil hindi ito ang hilig niya. Napilitan lamang siya na kunin ang kursong ito upang mapagbigyan ang kagustuhan ng kanyang mga magulang.  Kinagisnan na ng mga ito ang pagnenegosyo na namana pa sa kanilang mga ninuno. Sila ang may pinakamalaking lupain na taniman ng produktong saging at pinya sa Davao at ilang lupain sa Bukidnon. Dahilan upang tingalain ang kanilang pamilya sa lugar na iyon. Napaunlad ng mga ninuno nila ang negosyo dahil naging ka tie-up ng mga ito ang sikat na kompanyang kilalang-kilala sa buong mundo sa pangangalakal ng mga prutas.   Tinedyer pa lamang siya ay ilang beses na siyang hinikayat upang tulungang pamahalaan ang napakalaking negosyo ng kanilang angkan subalit ganoon din karaming beses siyang tumanggi. Siya sana ang napipisil ng mga magulang na maging katuwang ng kaniyang panganay na kapatid sa pamamahala ng napakalawak na taniman ng prutas sa lalawigan ng Davao kapag dumating sa hustong gulang subalit hindi siya napahinuhod ng mga ito.   Alam niyang hindi madali ang paghawak ng export industry lalo na at halos worldwide ang marketing ng kanilang produkto. Mula sa proseso ng: pagtatanim, pag-aani, pag-iimbak, pag-iimpake at pagpapadala kung saang lupalop ng mundo hanggang sa pagbebenta ay siyang nais ipa-kabisado ng kanyang Lolo sa kanila ng nakatatandang kapatid. Ngunit wala doon ang kanyang interes.    Ang pagwawalang bahala niya ang siyang naging daan upang tuluyan na siyang itakwil ng kanilang Lolo at Lola na dahilan din upang mabaling na lamang ang  atensyon at paghanga ng mga ito sa kanyang kaisa isang kapatid na lalaki na si Alberto Florendo, Ang tumatayong Vice President for Operation.            Dahil tapos ng Accountant, ang kanya namang kapatid na babae na pinaka bunso nila na si, Ailyn Florendo, Kahit sa murang edad ay ito na ang tumatayong Head ng Accounting Department ng Angeles Group of Companies. Na ang pangunahing negosyo nga ay may kinalaman sa Agrikultura.  Kabilang sa Group Of Companies ang mga sangay ng  Logistics, Trucking and Shipping Lines, na nagpapakalat ng mga produkto sa buong Pilipinas. Na pinamamahalaan naman ng mga anak at apo ng kapatid ng kanyang Lolo na may ari din ng bus company na bumabyahe mula Davao hanggang mga palibot lalawigan.  Bagamat halos ang nagpapatakbo at namamahala ng shipment ay ang kaisa isang nakababatang kapatid ng kaniyang Lolo na si Don Ramonito Angeles at ang mga anak nito subalit ang Lolo niya mismo ang tumatayong Supremo at utak kung paano patakbuhin ang bilyong negosyong iyon.   Ang salita ng kanyang Lolo ay batas ng kanilang angkan at alituntunin na dapat tupdin ninuman dahil siya ang panganay. Siya si Don Remaldo Angeles, Tinitingala at iginagalang sa kanilang lugar. Isa itong mabait at mapagkalingang amo sa kaniyang nasasakupan, subalit mahigpit na abuelo para sa kanilang magkakapatid.   Ang kanyang Ama na si Senyor Porferio Florendo ang tumatayong Presidente ng kumpanya para sa Food processing and Exportation. Habang ang kanya namang Inang si Cristina Florendo ang may hawak ng Marketing Department na sana ay sa kanya ipagkakatiwala, partikular ang pakikipag transaksyon sa International Market .    Sa kabuuang pagkakabaha-bahagi ng tungkulin sa bilyong pisong negosyong iyon ay siya lamang ang kaisa-isang hindi kabilang sa family business ng mga Angeles.    Noon una tutol na tutol ang kanyang Ina sa kaniyang pagsali sa mga beauty pageant, subalit sa kalaunan dahil siguro ayaw na rin nitong pakialaman pa siya sa kanyang desisyon ay nanahimik na lamang ito at hinayaan na lang siya sa mundong gusto niyang galawan.   Ang kanya namang Ama ay hindi masyadong nakikialam sa desisyon ng kanyang mga anak. Napaka supportive na ama nito hindi palakibo na siya niyang lalong hinangaan sa ugali ng ama. Pakiramdam tuloy niya ito lang ang kaisa-isang nakakaunawa at kakampi niya sa buhay maliban sa kanyang bunsong kapatid na si Ailyn.   Subalit kahit gaano pa man kayaman ang kanyang angkan, tinalikuran niya ito para sa kanyang pangarap at minimithing kalayaan na humantong upang itakwil siya ng tuluyan ng kanyang pamilya.   Naputol ang kaniyang gunita. Naramdaman ng dalaga na lumuluha na pala siya habang nakaupo sa sopa. Masakit balikan ang nakaraan subalit kailangan na niyang kalimutan ang lahat upang harapin naman ang bukas.   Napayuko siya at muling pinag-aralan ang sitwasyon kung dapat nga ba siyang umuwi sa kanila. Balita niya ay napatawad na rin naman siya ng kanyang Lolo at Lola kalaunan. Siguro naiintindihan na ng mga ito ang kaniyang naging pasiya. Pakunswelo niya sa sarili upang mapawi kahit papano ang agam-agam.     Sana nga ay kaya na niyang humarap sa mga ito sa ngayon dahil na-iukit na niya sa listahan ng mga hinahangaang modelo ang kayang pangalan at nakamit na niya ang tagumpay kahit binalewala siya ng mga ito.    Natapik niya ang kanyang noo ng maalala ang usapan nila ng kapatid. Nangako nga pala siya dito na isasama ang kanyang kasintahan subalit sa totoo ay wala naman. Hindi niya maintindihan ang sarili kung ano ang nag-udyok sa kanya na bigla na lamang magsinungaling. Hindi na niya iyon kayang bawiin pa sa kapatid.    Sa halos dalawampu at limang taon niya sa mundo hindi pa siya nakaramdam ng umibig man lang kahit kaninong lalaki.  Kahit sa kababata niyang si Francis na matagal din namang mamintuho sa kaniya at ramdam din naman niya na gusto ito ng pamilya para sa kaniya. Katunayan nagkabiruan pa ang kanyang Lolo at ang Ama nito sa isang salo-salo na itatakda daw ang kanilang kasal kapag nasa tamang edad na sila at mga istebol na sa buhay. Hindi maganda sa kanyang pandinig ang bagay na iyon, biro man o totoo, dahil  wala siyang nararamdamang anuman, ni paghanga sa binatang yaon. Ayaw niyang magaya sa kanilang ama at ina na hindi man lang yata nakaramdam ng kilig na dulot ng pagliligawan. Maaring isa itong dahilan na nag-udyok sa kaniya kanina upang magsinungaling. “Ano na kaya ang balita sa gagong iyon, nakakamiss din naman. Sana nga may asawa na siya?” usal niya.   Naalala niya ang mga araw na kasa-kasama pa niya ito noong sila’y nag-aaral pa sa elementary hanggang highschool. Nagkahiwalay lang sila sa kolehiyo dahil siya ay sa La Salle de Manila nag-aral samantalang ito ay sa University of the Philippines.    Kumuha ito ng kursong Mass Communication major in Public Administration at balita niya ay itinuloy sa Abogasya. Siguro ay preparasyon din ito ng binata bilang pagsunod sa lolo nito na matagal na naging mambabatas ng kanilang lalawigan.   Kinapa niya ang sariling damdamin.  “Kung sakaling wala pa siyang asawa at ipapakasal nila ako doon matatanggap ko kaya?” tanong niya sa isipan. “Ah gaya pa rin ng dati hindi ko siya type at wala akong nararamdaman sa kanya,” tila sagot ng kaniyang puso.    “Baka naman kapag nagkita na kayo ay ma-inlove ka na sa kanya?” tanong muli ng kaniyang isipan. “Basta! ayoko sa kaniya, ayaw kong pag-uwi ko ito pa ang maging ugat sa muli naming hidwaan ng pamilya ko tama lang marahil na nasabi ko kay Ailyn na may nobyo na ako, pero paano, sino siya?”    Nasisi niya ang sarili, “Ahhh! Ano ba ‘tong napasok mo Irene Mae? Ginawa mo na namang komplikado ang buhay mo."    “Nakakasira pala ng ulo ang mamuhay ng nag-iisa tanong mo sagot mo,” tila baliw na nawika niya  habang inaapuhap niyang muli ang katabing Cellphone at may hinanap na numero.    “Hello! Sistah, busy ka ba?”   “Medyo! May problema lang konti. Wala ka na naman sigurong mayayang gumimik ano? Hoy! Uunahan na kita busy ako ngayon kaya wag mo muna akong abalahin, okey. Tatawagan na lang kita mamaya kapag free na ako, bye,” sunod-sunod na paliwanag ng kanyang kausap.   Nahalata niyang ayaw magpa-abala ng kausap dahil medyo may katarayan ang boses nito. Pinutol nito ang tawag niya na ni hindi man lang siya hinayaang makapagsalita pa.   “Sablay naman kung kailan kailangan kita wala ka naman,” malungkot na usal niya sa sarili.   Nais niyang tawagan at humingi ng advise sa ilang kaibigan subalit si Nouer lang ang pinakamalapit at nakakaalam ng lahat ng lihim niya sa buhay.   “Ummp! Makapagluto na nga lang ng hapunan,” anas niya habang nag-iinat ng katawan dahil naramdaman niyang tinamad na siyang mag-workout.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD