“Hay naku sister! Mabuti at dumating ka. Batong bato na ako dito sa bahay,” Tila aburidong salubong ni Irene sa kaibigan ng pagbuksan niya ito ng pinto..
“Gaga! Masama yang inisip mo anong bato ang pinagsasabi mo, baka nabuburyong kamo? Nakasimangot ang mukhang sighal ng bagong dating sa kaibigan.
Pagpasok nito ng bahay pasalampak itong naupo sa sopa. Dumampot muna ito ng isang ladies magazine sa eskaparateng katabi ng upuan bago lumingon sa kaibigan.“Ikaw lang ba ang nabuburyong? Hay! Buhay nga naman nakakasawa na, saan ba tayo lulugar?
“Oh bakit, Ano bang problema mo Miss Nouer Palomar at parang mukhang stress na stress ka?” Naguguluhang tanong ni Irene sa inaasal ng kaibigan habang naglalakad patungong kusina upang balikan ang kanyang niluluto.
“ Buong name talaga, Ano tong napasukan ko guidance counselor office?” Nakataas ang kilay na protesta ni Nouer habang iginagala ang paningin sa loob ng bahay.
“Napaka seryoso mo kasi bakit ka ba nagkakaganyan, Parang walang ningning ang iyong bituin dahil ba pasan mo ang daigdig? Napapahagikhik na muling pang-aasar na tanong ng dalagang abala sa kusina.
“ Eh kasi naman mare, Si Kuya dumaan sa bahay, As usual kailangan na naman daw niya ng pera para sa sakahan. Sabi ko ibenta ng tuluyan.”Paliwanag ni Nouer na hawak hawak pa rin ang magazine habang kumukumpas sa eri ang mga kamay.
“Sira ka ba? Malamang hindi papayag ang mga magulang mo. Wag ka ngang magsalita ng ganyan at baka isipin pa nila na napakawalang utang na loob mong anak.” Pagtutuwid ni Irene sa kaibigan.
“Nagsalita ang matinong anak” mahinang anas ni Nouer “Aber bakit naman? realistic lang naman ako ah.” Mataray na balik ni Nouer kay Irene na itinuwid ang katawan at biglang namewang sa pagkakaupo.
“Diba sabi mo magsasaka ang magulang mo at doon kayo kumuha ng ikinabubuhay, ibig sabihin hindi ka makakatapos ng pag-aaral kung hindi dahil sa bukid nyo.” Maikling paliwanag ni Irene na para bang nag-aanalisa at nagbibigay konklusyon.
Natahimik sandali si Nouer sa tinuran ng kaibigang kasalukuyan nasa kusina.
“Sabagay tama ka. Kaya lang naawa na ako sa kuya ko sa kaka-asikaso sa bukid na iyon na madalas namang lugi, Kung hindi salakayin ng peste ay binabaha. Sabi ko mag-abroad na lang siya at baka sakaling umasenso pa ang buhay niya. Tumatanda na siya pati yata pagpapamilya nakakalimutan na; Ni wala nga akong nabalitaang naging kasintahan noon mula nang ma broken-hearted sa kaisa isang kasintahan niya,” Mahabang Salaysay ni Noeur.
“Na trauma ba! O baka naman malambot lang ang kuya mo,” Pambubuska ng dalaga sa kaibigan habang nakahawak sa bewang ang isang kamay at ang kabila naman na may hawak na sandok ay binali ang pulso ng pabaliktad.
“Hoy! Gaga, baka pag nakita mo ang kuya ko makalimutan mong isa kang Florendo. Marami kayang patay na patay doon lalo na noong nag-aaral pa kami ng highschool, Naku! Grabe kung tinitilian siya ng mga babae.” Pagtatanggol niya sa kapatid.
“Kaya pala, baka dahil sa sobrang dami ng babaeng nagkakagusto eh nagsawa na at lalaki naman ang gusto ngayon.” Dagdag pang pang-aalaska ni Irene.
Natahimik si Nouer, naunahan na naman siya ni Irene sa asaran kailangan niyang makabawi dito. “Ah ewan ko sayo! wag mo nang laitin ang kuya ko masama ‘yong naninira ng tao sa talikuran diba? mag-iba na nga tayo ng usapan.
Teka nga pala bakit bigla kang napatawag kanina? Ang lamya pa nang boses mo na para bang iniwan ka ng isang bangkang balaw.” Si Nouer naman ngayon ang nang-iinis kay Irene.
“Huh ganun? Hindi naman siguro napaka eksaherada mo naman.”
“Hindi nga may problema ka ba?” susog pa ni Nouer.
“Mamaya na nga natin pag usapan yan halika ka na dito, kumain muna tayo, tulungan mo na akong igayak iyang mesa at ako’y magsasandok na. Luto na siguro itong sinigang ko.”
“Wow naman nagprapraktis ka na ha mag-aasawa ka na ba?” Palatak ni Nouer habang papalapit sa kaibigan ng marinig na sinigang ang niluto nito.
“Sira! May nabalitaan ka ba na may nobyo na ako?” Singhal ni Irene habang ipinapatong sa mesa ang mainit na kaserola.
“Aba’y malay ko kung may tinatago ka pala kaya ayaw mo akong patambayin dito sa Tarima mo.” Ani Nuoer na naghahanda ng mga plato at kutsara.
“Gaga!ikaw nga d’yan ang hindi mahagilap palagi sa dami ng raket mo. Minsan nga duda na ako sayo na suma-sideline ka na sa pagbebenta ng komot at kulambo.”
“Ah ewan ang lakas mo ngayong mang-asar ha, humanda ka lang sa bawi ko.” nakasimangot na pagbabanta ni Nouer
“Aba! Ikaw ang nag-umpisa, Tapos ngayon nagrereklamo ka.”
“Hmm wala na akong masabi, Let’s Pray na nga lang.”
Habang kumakain normal at seryosong usapan ang tema ng magkaibigan tungkol sa trabaho.
Sa unang tingin ay magka-kompetensya ang kanilang mga kumpanyang kinabibilangan, Dahil parehong may kinalaman sa fashion at pagpapaganda. Subalit bilang magkakaibigan ay nagpapalitan naman sila ng kuro-kuro at nagbabalitaan kung ano ang mga nangyayari. Magkakampi sila at nagtutulungan.
Kung susuriing mabuti ay magkaiba ang kanilang Line of Business, dahil ang kina Irene ay Tungkol sa Fashion industry at Mayroon din silang patahian ng mga Ladies Apparel. Kasama na dito ang Marketing at distributor din sila ng mga Imported beauty products Idagdag na rin ang paminsan minsang pagtanggap nila ng mga Wedding Arrangement dahil sa isa niyang kasosyo na si Carmel Tabang, Tanyag itong Wedding Planner’s at Event Organizer. Hindi na mabilang kung ilang kasal ng mga prominenteng tao ang hinawakan nito.
Kasama sa package nila ang photo and video coverage. kumbaga sa pagkain ay Side Dish ito ng kanilang negosyo Kaya lang ay limited ang kanilang kliyente dahil pawang mga prominenteng tao at kilala sa lipunan lamang ang kanilang sineserbisyuhan.
Malaki ang naiambag ng dalawang kasosyo niya na mapaunlad ang kanilang negosyo lalo na si Yani Clemens na kahanay ng mga tanyag na international Fashion designer. Nagkamit na ito nang hindi mabilang na karangalan sa loob at labas ng bansa.
Bagamat may kinalaman din sa fashion Industry ang kina Nouer subalit Men’s Apparel naman ang kanila at dealer din sila ng mga imported Sports and Fitness Equipment. Mayroon din silang Tours and Travel Agency na ang kadalasang contact nila ay mga first class na hotel para sa booking and reservation. Matagal ng negosyo ito ng kanilang tumatayong Manager na si Art Valentin na siya ring gumabay kina Irene upang itayo ang sarili nilang negosyo.
Pagdating sa posisyon sa kumpanya malaki ang kaibahan ng dalawa, si Nouer ay isang Department head lamang. May share din naman siya sa kompanya nila subalit maliit na bahagdan lamang . Hindi gaya ni Irene na Vice President at Head ng Advertisement & Marketing. At isa ito sa tatlong Bigboss na na haligi ng kumpanya. Maliban pa na siya ang may mas pinakamalaking puhunan sa sarili nilang negosyo.
Noong una inaalok na ng isang posisyon ni Irene ang kaibigang si Nouer sa kompanya nila subalit tumanggi ito dahil sa delikadesa. Tumatanaw marahil ng utang na loob si Nouer sa kanilang Bigboss na nag-alaga sa kanila noong sila’y nag-uumpisa pa lamang sa pagmo-modelo.
Masasabing pinalad sa career ang dalawang binibini dahil sa parehong edad na 25 ay isa sila sa mga tinitingalang amo sa kani-kanilang kompanya dahil mataas din naman ang kanilang mga pinag aralan. Bagama’t hindi pa naman sila nawala sa kasikatan bilang mga Ramp model kabi kabila pa rin naman ang invitation at mga project nila bilang model indorser sa labas ng bansa. Subalit mas pinili nila ang manatili na lamang sa Bansa dahil sa kapagurang kanilang naranasan sa mga pagtatanghal kung saan-saang panig ng mundo na kanilang narating.
Bilang mga career woman, piling pili na lamang ang imbitasyong kanilang tinata-nguan upang humakbang na muli sa entablado. Paminsan-minsan sa mga prestihiyosong event na lamang sila nakakasalang dahil medyo may kataasan na rin naman ang kanilang mga talent fee. Bukod sa kumikita naman sa negosyo kahit papaano ay malaking tulong na rin ang kanilang kinikita sa pagiging Model/endorser ng ilang mga produktong pambabae.
Pagkatapos ng hapunan habang nagliligpit pa ng pinagkainan si Irene.
“Sistah gimik tayo, nakaka boring naman ang mga palabas sa TV,” Suhestiyon ni Nouer habang parang gamestick na pinipindot nito ang remote control ng 42 inches flat screen TV sa salas.
“Saan naman tayo pupunta?” Konot noong tanong ni Irene.
“Saan nga ba magandang magpalipas ng oras?” Nakatingala habang naglulumikot ang matang anas ni Nouer.
“Gusto ko doon sa tahimik para makapag-usap tayo ng maayos, yong walang mang-gu-gulo sa atin,” Ani Irene.
“Hmm! Parang may naamoy talaga akong something Fishy, kaya siguro tinawagan mo ako kanina ano?” Nakangiting panunukso ni Nouer sa kaibigan.
“Wala naman, gusto ko lang mag-isip at mag-relax ng isipan puro na lang tayo trabaho para maiba naman,” Mabilis na sagot ni Irene.
“ Gusto mo palang mag relaks, Ikaw itong niyaya ni Manager mag-shopping sa Hongkong ayaw mo naman," Patungkol ni Nouer sa balak sanang lakad nila ng kanyang amo.
“Shopping na naman? Ayoko nga! Ang dami na nga nating damit d’yan hindi ko na nga naisusuot iyong iba” Sansala ni Irene sa tinuran ng kaibigan.
“Hmm kaya naman pala hanggang ngayon single ka pa mali ang diskarte mo, sinabi ko bang sa damit ka mag-concentrate sa pag-sho-shopping?”
“Hoy! Sistah alam ko ang naglalaro diyan sa kokote mo, nagsalita ang single and available,” Pambabara ni Irene sa kaibigan kasunod ang isang malutong na halakhak.
“Oy may BF naman ako ah hindi ko pa nga lang sinasagot.” Palusot ni Nouer.
“Eh ikaw asan ang sayo? Kahit yata tricycle Driver wala ka," Dagdag pambubuska pa nito.
Lumungkot bigla ang mukha ni Irene sa binitawang biro ng kaibigan, . Tigalgal itong nakatingin sa sahig habang nagpupunas ng pinggan na katatapos niya lang hugasan. Naalaala niyang bigla ang kanyang suliranin na hindi niya alam kung paano ipagtatapat sa kaibigan.
“Hoy! Ano na, bakit para kang istatwa diyan? Iniisip mo na naman ba na hindi pala ligawin ang babaeng ubod ng ganda, sikat, at mayaman?” Sita ni Nouer sa tulalang kaibigan.
“Napansin ko nga rin sis. Bakit nga kaya? Kapag mayaman parang nakagawa ka ng mortal sin kapag mahirap lang ang iyong magiging nobyo. Huhusgahan ka nila na pera mo lang ang gusto niya sayo, Pero kapag parehong mahirap okey lang.” Seryosong sambit ng dalaga.
Lumuwag ang pagkakangiti ni Nouer. “Ang drama mo, mabuti na lang pala dahil mahirap lang ako.” Ani Nouer na tila iniinsulto pa ang kaibigan.
“Wahhh its unfair, its-unfair.” Palatak na sigaw naman ni Irene.
“Sira! Kung tapos ka na diyan sa ginagawa mo tara na at magbihis na tayo.” Pakli ng kaibigan.
“Bakit may dala ka bang damit?” Panunudyo ng dalaga sa kaibigan.
“Hoy, magkasing katawan lang tayo hindi ba pwedeng manghiram?” Nakapamewang na sagot naman ni Nouer.
“Yuk’s! kadiri, pati ba undies?”
“Loka! mayroon pa akong mga reserve sa guest room mo, hindi ko naman ini-uuwing lahat ang mga damit ko dahil alam kong babalik pa rin ako dito.”
“Bakit kasi hindi ka na lang dito sa bahay ko tumira?”
“Hmmp wag na, mawawalan tayo ng privacy at saka maganda naman iyong condo unit ko sa Blueridges may security pa ako,” pagmamalaki ni Nouer.
“Mayroon din naman security dito sa Village ah.”
“Ang layo kaya, Bago pa maka responde nakatakbo na ang rapist.” Saad ni Nouer kasunod ang nakakalokang halakhak.
“Ang dami mong dahilan sabihin mo ayaw mo lang na magkasama tayo dahil hindi mo magagawa ang mga gusto mo dahil may maninita.” Salag naman ni Irene.
“Sira ka talaga sis, tama na nga yan halika na lumalalim na ang gabi baka maubusan tayo ng magandang pwesto.” Nag-aapurang suhestyon ni Nouer ng mapansing tapos na sa ginagawa ang kaibigan. Humakbang na ito sa hagdanan papunta sa Master Bedroom sa itaas.
“Saan ba tayo pupunta, may naisip ka na ba?” Untag ni Irene na kasunod na ni Nouer.
“Subukan kaya natin doon sa Cape Narvana, Yong club ng kaibigan ni Boss.”
“ Cape Narvana?” Sambit ng dalaga na napapaisip habang nakapukos ang paningin sa isang direksyon.
“Mukhang masarap mag-sightseeing sa rooftop noon. Tanaw na tanaw siguro doon ang buong Makati at Taguig area,” Baling ni Nouer sa kaibigan sa kanyang likuran.
“Inuman ang gusto kong puntahan hindi kapehan,” nakangiting saad ni Irene.
“Gaga! Porket Cape wala ng alak?” Singhal ni Nouer sa dalaga habang nagkakatawanan sila.
“Open na ba sila?” Seryosong baling ni Irene sa kaibigan.
“Kita mo tong taong to, Araw araw mong nadadaanan hindi mo napapansin ang dami mo kasing iniisip. Haleer! Nag grand opening kaya sila last week imbitado nga ako sa ribbon cutting eh.” Mataray na sagot ni Nouer.
“Nakapunta ka na ba? Bakit mo nagawang magpakasaya samantalang ako’y nalulumbay. ” Tila nagdradramang apela ni Irene habang binubuksan ang kanyang closet na kinalalagyan ng napakaraming mamahaling damit.
“Bakit, May natatandaan ka bang lumabas ako na wala ka? Wag ka na ngang magdrama diyan hindi bagay sayo, Ramp model ka hindi ka artista,” Ani Nouer habang binubuksan ang isa pang closet.
“So hindi ka nagpunta?”
“Inulit pa talaga ang tanong eh, batukan kaya kita diyan. Paano nga ako pupunta e may photo shoot ka kamo sa Laguna noong araw na iyon?” Umaarko ang kilay na palatak ni Nouer.
“Okey fine gets ko na wag ka ng magalit.”
Casual attire lang ang isinoot nila. Parehong Faded Denim Jeans na hapit sa makurbang balakang na tenernuhan ng magkaibang kulay na Versace three fort folded long sleeve ladies polo shirt. Ang kay Nouer ay baby pink at ang kay Irene ay ang paborito niyang kulay na plain white.
Ang mga pang-sapin sa paa ay mga imported high Heels leather. Kung susuriing mabuti ang mga etiketa ng outfit nila kahit yata magpanggap pa silang taong grasa ay walang maniniwala sapagkat mga branded ang kanilang mga kasuotan. Karamihan dito ay galing sa mga sponsor ng mga kinikilalang damit pambabae.
“Ang ganda niyan ah san mo nabili yan?” Tanong ni Nouer ng mapansin ang metallic silver gray na Alexander McQueen clutch bag na kilik ng dalaga.
“Luma na kaya ito, Ngayon mo lang ba napansin, Diba sa London pa ito galing?”
“Ah oo nga pala natatandaan ko na, ikaw nga pala ang nag-model niyan kaya ikaw lang ang may ganyan,” Parunggit na wika ni Nouer na tila nagpaparinig sa kaibigan na hindi man lang siya nito naalalang bigyan ng ganon samantalang pwede namang humingi si Irene ng dalawa sa sponsor kung tutuusin.
Paglabas nila ng bahay;
“Neng grabe ka sa pagkaburara bakit hindi mo inayos ang parada ang kotse mo, alanganin na naman sa pagbukas ng gate oh. Sa susunod I pa pa wrecker ko na yan.” Naiiritang protesta ni Irene sa kaibigan na biglang natulos sa kinatatayuan ng pagbukas niya ng gate ay tumambad ang sasakyan ni Nouer.
“Sorry po, malay ko bang lalabas tayo ngayon, alin ba ang gusto mong gamitin natin iyong Coupe mo iyong Porsche ko?" Pagbibirong sagot ni Nouer.
“Porsche ka d’yan, Nangarap! Eh kung parte ka na ng negosyo ko baka sakali pa, Iyong kotse ko syempre ikaw naman ang magmamaneho eh, Pero iparada mo muna yang kotse mo sa tabing basurahan.” Saad ni Irene na may pang iinsulto habang iniaabot sa kaibigan ang susi ng kanyang kotse.
“Aba ginawa pa akong driver.” Protesta ni Nouer.
“Syempre ikaw na, sagot ko na nga ang gasolina ako pa ba ang magmamaneho?”
“Yan ang hirap sayo senyorita Irene kung kumuha ka na lang ba ng driver eh di pareho tayong mala senyorita na lang sa likod.” Pabirong mungkahi ni Nouer habang inaayos ang parada ng kanyang sasakyan.
“Gaga! Boyfriend ang hanap ko hindi Driver.”Singhal ni Irene sa kaibigan.
“Sige na nga, ako na, Nakakahalata na ako eh kaya mo lang naman ako gustong kasama lagi para may alalay ka na, may driver ka pa,” tila nagtatampong wika ni Nouer habang binubuksan ang pintuan sa driver side ng kotse ni Irene.
Ano kaya kung mag over speeding ako total kotse mo naman ang huhulihin. Malay mo gwapo ‘yong Pulis na huhuli sa atin” Kikindat kindat na pagbibiro ni Nouer.
“Sira! Tama na nga itong mga kalokohan natin Girl at kinakabagan na ako sayo, patawa kang masyado.”
“Iutot mo na lang.” hirit pa ni Nouer bago sila nagkatawanan pareho.
Ganoon sila kagulo kapag nagkita at magkasamang dalawa, walang matinong usapan.
Sa tagal ba naman nilang magkasama mula pa noong kapwa modelo pa lamang sila ay halos gamay na nila ang isa’t isa kung paano pakikitunguhan. Higit pa sa tunay na magkapatid kung magturingan palibhasa’y iisa ang hilig sa buhay; Ang umayon sa takbo nito habang inaakyat ang mga pangarap na halos abot kamay na nila.
Ang masaklap nga lang kung gaano sila katagumpay sa hanapbuhay kabaliktaran naman sa larangan ng pag ibig parehong single, parehong naghahanap ng Mister Right.