bc

Ang Bulaklak Ni Flora

book_age18+
147
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
queen
drama
sweet
bxg
male lead
campus
school
classmates
friends
like
intro-logo
Blurb

Subaybayan ang ating bida na si Flora Advino. Sa paglipat niya sa bayan ng Angeles kasama ang ina nito na si Lorelei ay magbabago ang takbo ng buhay nito. Lalo na sa pagpasok niya sa isang sikat na university sa bayan ng Angeles ang Holy Angeles University ay mararanasan niya ang pambu-bully ng mga anak ng mga Alta.

chap-preview
Free preview
Flora 1
Chapter 1 "Nay, sigurado po ba kayo sa desisyon ninyo na l-lilipat tayo sa bayan ng Angeles?" pilit na ngiting tanong ni Flora. Abalang-abala si Flora sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit dahil lilipat na naman sila ng tirahan. Hindi na bago ito sa magandang dilag na palipat-lipat ng tirahan. Simulang magkaisip si Flora ay nasanay na siya sa palipat-lipat sila ng tirahan dahil na rin sa trabaho ng kanyang ina pati na rin sa paiba-ibang kinakasama nito. Ngayon ay lilipat sila sa bayan ng Angeles isang maunlad na bayan sa lalawigan ng Lubao. Ayon sa kanyang ina ay doon ay makakapagsimula raw sila? Doon ay walang makakakilala sa kanilang dalawa. Ipinangako pa sa kanya ng kanyang ina na makakapag-aral ulit siya sa tulong ng bagong kinakasama nito. Ngayon ay may bago na naman kinakasama ang kanyang ina. Si Nelson Advino, isang mayaman na negosyante sa bayan ng Angeles na nagmamay-ari ng isang sikat na flowershop sa lugar na iyon. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Flora na nakilala ng kanyang ina si Mr. Advino dahil sa trabaho nito. Muli ay hindi rin bago sa kanya ang ganitong eksena sa buhay ng kanyang ina. Simula yatang bata pa siya ay paiba-iba ang kinakasama ng mahal niyang ina. Kung saan nakatira ang bagong kinakasama ng ina niya ay doon din sila titira. Ngayon ay sa bayan ng Angeles sila titira dahil doon nakatira si Mr. Advino. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Flora at 'di na naman niya napigilan na mangilid ang kanyang luha. Matagal-tagal din silang tumira rito sa apartment na ito. Marami na rin siyang naging kaibigan sa lugar ng bayan ng Sta.Rita. Mami-miss din ni Flora ang kanyang mga naging ate na katrabaho ng kanyang ina. Isa na roon ang kanyang Ate Trixie na naging malapit sa kanya. Ito ang nagbabantay sa kanya tuwing wala ang kanyang ina at abala sa trabaho. Lagi nitong inaayusan ang mahaba at makapal niyang buhok. Lagi rin nitong sinasabi sa kanya na maganda siya at gamitin daw niya ang kagandahan at talino niya para umunlad ang buhay niya. "Flora, 'di ba pinag-usapan na natin ito? Maganda ang magiging buhay natin doon at alam kong si Nelson na ang lalaking hinihintay ko sa buhay ko. Si Nelson Advino, ang makakasama ko habang buhay," ngiting sabi ni Lorelei. Napangiwi na lang si Lorelei ng sabihin sa kanya ng kanyang anak na si Flora na ilang beses at paulit-ulit na lang daw niya sinasabi ang mga salita na iyon. Napakamot na lang sa ulo si Lorelei sa sinabi sa kanya ng kanyang nag-iisang anak na si Flora. Nakangiting nilapitan niya ito sa ibabaw ng kama nila at isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya rito. Sinabi pa ni Lorelei sa pinakamaganda at nag-iisang anak niyang si Flora na sa pagkakataon na ito ay sigurado na siya kay Nelson Advino. Sigurado na siya na habang buhay na niya itong makakasama at mamahalin. Sa pagkalas ni Lorelei sa pagkakayakap niya sa anak niyang si Flora ay napabuntonghininga na lang siya ng malalim. Isang mapait na ngiti ang lumitaw sa magandang mukha niya. Hindi na mabilang ni Lorelei sa kanyang dalawang kamay kung ilan na ba ang minahal niyang mga lalaki? Ilang beses na ba siyang umasa at nasaktan sa mga lalaking minahal niya? Sinasabi naman ni Lorelei sa kanyang anak na si Flora na masyado lang talaga siyang marupok sa pagmamahal. Aminado naman siya na uhaw na uhaw siya sa pagmamahal ng isang lalaki. Sa edad ngayon ni Lorelei na tatlumpu't tatlong taong gulang ay maaga siyang namulat sa kahirapan. Sa mura niyang edad ay iba't-iba na ang napasukan niyang trabaho. Naging tindera siya ng mga isda, naging basurera at iba pang mga trabahong para lang magkalaman ang kanyang tiyan. Lumaki at nagkaisip si Lorelei sa isang napakagulong pamilya. Ang kanyang ina ay isang drug addict samantalang ang kanyang tatay naman niya ay lasenggero. Wala yata araw na hindi nag-aaway ang kanyang mga magulang. Meron siyang dalawang nakakabatang kapatid na lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam kung nasaan na ang mga ito. Sa sobrang kahirapan ng buhay nila ay ibinenta ng sarili niyang ina ang dalawa niyang nakakabatang kapatid. Dahilan para magalit ang kanyang ama. __________________ "Jusko! Rebecca, bakit mo binenta ang sarili mong anak? Jusko!" gulat na sabi ni Ramon. Kakauwi lang ni Ramon galing sa bago niyang trabaho sa isang restaurant. Ipinasok siya ng kanyang isang kaibigan doon bilang dishwasher. Sanay naman si Ramon sa mabibigat na trabaho. Naisipan niyang maghanap muli ng trabaho dahil na rin wala na silang makain. Tambak na tambak na rin sila ng utang sa lugar nila. Hindi sapat ang kinikita ng kanyang panganay na anak na si Lorelei sa pagtitinda ng isda sa palengke para sa araw-araw na gastusin nilang pamilya. Naawa na rin si Ramon sa kanyang tatlong anak at pati na rin sa kanyang sarili dahil hindi naman ito ang pinangarap niyang buhay. Gusto niya ay isang masaganang buhay para sa asawa niya lalo na para sa kanyang tatlong anak. Sinabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya iinom at magbabagong buhay na siya. Para na rin sa kanyang tatlong anak at para sa asawa niya. Para na rin huminto ito sa paggamit ng pinagbabawal na gamot. Aaminin niya na lagi niyang naiisip na nasasayang ang mga araw na lagi siyang umiinom at wala siyang ginawa sa buhay niya. Gusto niyang umasenso ang buhay nila kaya walang pagdadalawang isip na tinanggap niya ang alok sa kanya ng kanyang kaibigan. Sa pagdating niya sa bahay kanina ay napansin niya na tahimik ang loob ng bahay. Nakita niyang malinis ang loob ng bahay nila na nakakapagtaka dahil araw-araw naman na makalat ang bahay nila dahil sa dalawang batang lalaking anak niya. Naisip ni Ramon na baka maagang naubos ang paninda ni Lorelei na kanyang panganay na anak kaya nakapaglinis pa ito. Napakunot noo na lang siya ng makita niyang dumating ang kanyang asawa kasama si Lorelei. Napansin niya na bihis na bihis ang dalawa at nakita niyang naglabas ng maraming pera ang kanyang asawa na si Rebecca. May dala rin pagkain si Lorelei na pinagtatakahan niya. Hindi niya maiwasan na kabahan dahil alam naman niyang gumagamit ng pinagbabawal na gamot ang kanyang asawa na si Rebecca. Lagi niyang sinasabihan ang kanyang asawa na wag na wag nitong sinasama ang kanilang mga anak sa kademonyuhan nito. Aminado siyang lasenggero siya pero nagbabagong buhay na siya. Ngayon na nakapagsimula na siya ay gusto rin niyang magbagong buhay na rin ang kanyang asawa na si Rebecca dahil mahal niya ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook