Flora 4

1621 Words
Chapter 4 "Mag-iingat kayo roon Ate Lorelie," ngiting sabi ni Trixie. "Ikaw din Trixie, mag-iingat ka rin dito. Basta lagi kang bumibisita sa amin," pakiusap na sabi ni Lorelei. Ito ang araw kung saan aalis na sila Lorelei kasama ang kanyang anak na si Flora. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa kanyang kinakapatid na si Trixie. Ayaw niyang ipakita rito na nangingilid ang kanyang luha sa kanyang mga mata. Excited at masaya si Lorelei dahil sa wakas ay makakasama na niya araw-araw si Nelson. Ang lalaking nagpatibok muli ng kanyang puso at nagpaniwala sa kanya na tunay ang pag-ibig. Parang kailan lang na pinag-uusapan ni Lorelei at Nelson na magsasama sila sa iisang bubong. 'Di niya nakakalimutan na isama ang kanyang anak na si Flora sa usapan. Lagi pinagdarasal ni Lorelei na sana ay meron siyang makatagpong isang lalaki na magmamahal sa kanya pati na rin sa kanyang nag-iisang anak na si Flora. Nagpapasalamat talaga si Lorelei na dumating sa buhay niya si Nelson. 'Di rin niya nakakalimutan na magpasalamat sa may kapal dahil sinagot nito ang kanyang laging pinagdarasal. "Oo Ate Lorelei, wag kang mag-alala bibisita talaga ako sa inyo. At dapat ay masarap na pagkain ang ihanda ninyo ni Flora, sa akin. Tsaka dapat din may palumpon ng mga bulaklak din ako pag-uwi," natatawang sabi ni Trixie. "Ikaw pa Trixie!" ngiting sabi ni Lorelei 'Di pa rin maiwasan ni Lorelei na malungkot dahil maiiwan sa bayan ng Sta. Rita ang kanyang kinakapatid na si Trixie. Alam naman niyang hindi nito maiwan-iwan ang bar na hinahawakan niya. Hindi lang naman ang bar ang 'di niya maiwan-iwan kundi pati ang mga babaeng nagtratrabaho sa bar nito. "Ano ba iyan Ate Lorelei, wag na tayong magdrama. Bukas na bukas din ay bibisita ako sa inyo," pilit na ngiting sabi ni Trixie. Agad na pinunasan ni Trixie ang kanyang luha sa kanyang pisngi. Inaamin naman niya sa kanyang sarili na malungkot talaga siya dahil aalis na ang kanyang tinuring na pamilya. Ngunit nangingibabaw sa kanyang damdamin ang saya para kina Ate Lorelei lalo na kay Flora. Alam ni Trixie na magiging maganda takbo ng buhay nila Flora sa bayan ng Angeles kasama ang bagong tatay nitong si Mr. Nelson Advino. Napatingin ang magandang dilag na si Trixie kay Flora na malungkot na nakatingin sa kanya. Sa pagkalas niya sa pagkakayakap niya sa kanyang Ate Lorelei ay siya naman niyang niyakap si Flora. Sinabihan ni Trixie na mag-enjoy lang ito sa bago nitong buhay bilang silang Advino. At mahigpit din niya itong pinagsabihan na wag na wag magpapa-api sa mga magiging kaklase nitong mga mayayaman sa Holy Angeles University. "S-salamat Ate Trixie," tipid na ngiting sabi nu Flora. Napaluha ng tuluyan ang magandang dilag na si Flora habag yakap-yakap niyang mahigpit ang kanyang Ate Trixie. Napatango na lang siya ng marinig niya ang sinabi ng kanyang ate tungkol sa pag-aaral niya sa Holy Angeles University. Alam ni Flora na masaya ang kanyang Ate Trixie para sa kanya. Sa pagkalas ni Flora sa pagkakayakap niya sa kanyang Ate Trixie ay sinabihan siya nito na kapag meron daw beauty contest sa university na papasukan niya ay dapat ay sumali siya. "Sabihan mo lang ako at ako ang mag-aayos sa'yo. Siguradong panalo ka roon," masayang sabi ni Trixie. Pinapagaan lang ni Trixie ang magandang dilag na si Flora para na rin 'di ito malungkot sa pag-alis nito. Pero seryoso siya sa sinabi niya na dapat ay sumali si Flora sa mga beauty contest sa university na pinapasukan nito. Alam din ni Trixie na every year ay may beauty contest na ginaganap sa bayan ng Angeles. Excited na siyang makita si Flora na rumampa sa stage sa bayan ng Angeles. "Tara na Flora, naghihintay na sa labas si Nelson," ngiting sabi ni Lorelei. "Sige po nay," tugon na sabi ni Flora. Sa paglabas ni Flora sa bahay kung saan siya lumaki at nagka-isip ay alam niya sa kanyang sarili na sa paglipat nila sa bayan ng Angeles ay magbabago ang takbo ng buhay nila. Kinakabahan at nalulungkot pero may halong kasabikan ang nararamdaman ni Flora sa paglipat nila sa bayan ng Angeles. Isang matamis na ngiti sa labi ang gumuhit sa labi ng magandang dilag na si Flora ng makita niya ang kanyang stepfather na si Nelson Advino. Nakangiti rin itong nakatingin sa kanilang mag-ina habang sinalubong ito ng isang mahigpit na yakap ng kanyang ina. "Jusko naman Ate Lorelei, akala mo naman ngayon mo lang nakita si Mr. Advino? Kung makayakap ka sa kanya ay wagas," tuksong sabi ni Trixie. Dagdag pa ng magandang binibini kay Mr. Advino na ingatan nito ang kanyang Ate Lorelei at lalo na si Flora. "Makakaasa ka Trixie. Salamat at lagi kang welcome sa bahay ko," ngiting sabi ni Nelson. Kagabi ay hindi nakatulog ng maayos si Nelson dahil na rin sobrang excited siya sa pagsundo niya kina Lorelei at Flora. Sa wakas ay matutupad na ang pangarap niyang magkaroon ng sariling pamilya. Pinasadya ni Nelson na ipa-renovate ang kanyang bahay para lang kina Lorelei at sa kanyang magiging anak na si Flora. Gusto niyang magustuhan ng kanyang magiging pamilya ang bahay kaya naman nagtanong-tanong siya kay Lorelei kung ano ba ang gusto nitong kulay at ayos ng magiging kuwarto nila? Hindi rin nakalimutan ni Nelson na magtanong kay Flora kung ano ang gusto nitong ayos ng kuwarto nito. Natutuwa siya na napakasimpleng babae lang ni Flora. Wala itong arte sa katawan at sinabihan siya nito na simple lang daw ang gusto nitong kuwarto. Aaminin ni Nelson na sa una ay medyo naiilang siyang kausapin si Flora. Pero dahil na rin sa kagustuhan niyang makilala ito at mapalapit sa kanya ay ginawa niya ang lahat para kahit papaano ay makuha niya ang loob nito. 'Di akalain ni Nelson na magkakaroon siya ng instant na anak sa katauhan ni Flora. Noong makilala niya si Lorelei ay 'di niya alam na meron na pala itong anak. Lalo siyang nagulat na malaki na ang anak nitong babae. Masasabi ni Nelson na para bang magkapatid lang sila Lorelei at anak nitong si Flora. Hindi nagkakalayo ang maganda at maamong mukha nila Flora sa ina nitong si Lorelei. Simulang makilala ni Nelson ang isang magandang binibini na si Lorelei sa isang bar sa bayan ng Sta. Rita ay nagbago ang takbo ng buhay niya. Nasabi niya talaga sa kanyang sarili na nakita na niya ang babaeng tutupad sa kanyang matagal ng pangarap. Sa edad ni Nelson na apatnaput dalawang taong gulang ay gusto na niyang lumagay sa tahimik. Gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya. Buong buhay niya ay naghahanap siya ng isang babae na mamahalin niya at mamahalin siya ng buong-buo. Meron naman mga nakarelasyon si Nelson na mga babae pero akala niya ay tunay na pagmamahal ang pinapakita ng mga ito sa kanya ngunit sa huli ay pera lang pala niya gusto ng mga ito sa kanya. Hindi itatanggi ni Nelson na may kaya at maimpluwensya siyang tao dahil na rin galing siya sa isang angkan ng Advino. Isang angkan na kilalang-kilala sa bayan ng Angeles bilang mga negosyante. Simulang makapagtapos ng pag-aaral si Nelson ay pinasok na niya ang mundo ng pagnenegosyo. Siya na ang humawak ng flower shop ng kanyang mga magulang. Hindi lang basta flower shop ang hinahawakan ni Nelson kundi isang sikat na flower shop sa bayan ng Angeles. Matagal na rin negosyo ng kanyang mga magulang ang Advino Flower Shop. Simulang maitayo ng magulang ni Nelson ang flowet shop ay unti-unting nakilala ito sa bawat sulok ng bayan ng Angeles. Hanggang mag-supply na rin sila sa ibang bayan tulad sa bayan ng Sta.Rita. Dahil sa flower shop na negosyo ng pamilya ni Nelson ay lalong umaangat ang buhay nila. At dahil na rin sa taglay nitong yaman ay maraming nagpaparamdam sa kanyang mga babae. Laging sinasabi ni Nelson sa kanyang sarili na palay na ang lumalapit sa manok. Ang laging ginagawa ng makisig na lalaki na si Nelson ay lagi lang niyang tinutuka ang palay na lumalapit sa kanya. Hanggang magsawa na si Nelson sa mga one night stand at panandalian relasyon. Gusto na niyang lumagay sa tahimik. Sawang-sawa na ang makisig na lalaki sa mga babaeng mukhang pera. Hindi sa pagmamayabang ay alam ni Nelson na bukod sa yaman ay maraming nagsasabi sa kanya na guwapo at makisig siya. Simulang nakapag-aral siya sa kolehiyo ay inalagaan na niya ang kanyang sarili. Hindi pinapabayaan ni Nelson na tumaba o pumayat ang pangangatawan niya. Laging healthy living ang life style niya. Hindi siya masyadong mahilig uminon ng beer o mga hard na inumin. Kapag may okasyon lang siyang umiinom ng alak at hindi rin siya nagyoyosi hindi tulad ng kanyang mga kaibigan. Ngayon ay nakikita ni Nelson ang bunga ng kanyang disiplina sa kanyang sarili. Makisig ang pangangatawan niya at higit sa lahat ay mukha lang siyang nasa mid's 30. "Tara sakay na tayo para makarating agad tayo sa bahay," ngiting sabi ni Nelson. Agad na binuksan ni Nelson ang pintuan ng passenger seat para sa kanyang asawa na si Lorelei. Siya rin ang nagbukas sa pintuan ng back seat ng kanyang kotse para naman kay Flora. Mabilis ang kilos ng makisig na lalaking si Nelson na pumunta sa may driver seat. Sa pagpasok niya sa loob ng kanyang kotse ay agad din niyang pinaandar ang kotse niya. "Ingat sa pagmamaneho Nelson," pagpapaalalang sabi ni Lorelei. Nakangiting hinawakan ni Lorelei ang kanang kamay ng kanyang asawa. At ngumiti rin siyang tumingin sa kanyang anak na si Flora na nasa back seat. Kinamusta niya ito at tinanong kung ayos lang ba ito? "Okay naman ako nay," tipid na tugon ni Flora. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw kay Flora sa kanyang magandang mukha habang nakatingin sa may bintana ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD