Flora 3

1124 Words
Chapter 3 "Wag kang umiyak Flora, sige ka papangit ka," birong sabi ni Trixie. Napahaplos si Trixe sa itim na itim at napakagandang buhok ni Flora. Napatingin siya sa kanyang Ate Lorelei at isang pilit na ngiti ang ibinigay niya rito. Ayaw ni Trixie na ipakita kay Flora na nalulungkot siya sa pag-alis nito. Sigurado siya na kapag nakita siya nitong umiiyak ay baka hindi na ito umalis papunta sa bayan ng Angeles kasama ang ina nito. Alam naman ng magandang binibini na si Trixie na gaganda ang buhay ng kanyang Ate Lorelei lalo na si Flora sa pagpunta sa bayan ng Angeles. Ilang araw din niyang kinakausap si Flora tungkol sa stepfather nito na si Mr. Nelson Advino. Ilang beses din niyang kinumbinsi ito na pumayag na umalis ito papunta sa bayan ng Angeles. Lagi niyang sinasabihan si Flora na mabait, maalaga at mapagmahal na lalaki si Mr. Advino. Hindi ito katulad sa mga nakaraang nakarelasyon ng ina nito. "W-wag kang mag-alala Flora, lagi akong bibisita sa inyo sa bayan ng Angeles. Malay mo magtrabaho ako sa flower shop ng stepfather mo," ngiting sabi ni Trixie. Agad na pinunasan ni Trixie sa kanyang kanang kamay ang luhang kumawala sa kanyang mga mata. Sa patingin sa kanya ni Flora ay tinanong niya ito na kung naniniwala ba ito sa kanyang mga sinasabi? "O-oo naman Ate Trixie, p-pero… " "Flora, walang pero-pero. Ang lapit lang naman ng bayan ng Angeles sa bayan ng Sta Rita. Isang sakay lang ay makakabisita ako sa inyo ng nanay mo," ngiting sabi ni Trixie. Hindi lang si Flora ang nagkukumbinse at nagpupumilit na sumama sa bayan ng Angeles. Kundi pati na rin ang kanyang ate na si Lorelei. Sinabi naman niya sa kanyang ate na hindi niya maiiwan ang apartment at ang kanyang trabaho sa bar. Sinigurado naman ni Trixie na bibista siya madalas kina Flora at para na rin makapamasyal siya sa maunlad na bayan ng Angeles. Ilang beses pa lang siya nakapunta roon pero masasabi niya na sobrang ganda ng lugar na iyon. Maraming naglalakihang mga gusali at mga magagandang restaurant doon. Nakangiting hinawakan ni Trixie ang napakagandang mukha ni Flora. Muli niyang pinayuhan ito na mag-ingat at mag-enjoy ito sa bagong buhay nito sa bayan ng Angeles. Excited rin siya para kay Flora dahil muli itong makakapag-aral sa sikat na sikat na university sa bayan ng Angeles ang Holy Angeles University. Naalala ng magandang binibini na si Trixie ang pag-uusap nila noong isang araw. Kung saan pinag-usapan nila ang pagpasok nito sa Holy Angeles University. _______________ "Flora, bakit ka naman matatakot na pumasok sa napakasikat na university sa bayan ng Angeles?" kunot noo tanong ni Trixie. Napakunot noo na lang talaga si Trixie ng sabihin sa kanya ni Flora na natatakot ito pumasok sa university sa bayan ng Angeles. Sinabi naman niya rito na wala itong dapat na ikatakot dahil wala naman itong ginagawang masama at wala itong inaapakan na tao. Dagdag pa ng magandang binibini na si Trixie sa kanyang kinakapatid na si Flora na bukod sa kagandahan nitong taglay ay hindi niya maitatanggi na napakatalino nito. Lagi sinasabi ni Trixie na gamitin ni Flora ang ganda at talino nito para mabaliw ang mga taong nasa paligid nito. Pinagmamalaki talaga niya si Flora at madalas ay sinasabak talaga niya sa mga beauty contest na laging umuuwi ito na may korona sa ibabaw ng ulo nito. "Alam naman natin Ate Trixie, na mayayaman na mga tao ang mga nandoon. B-baka k-kapag nalaman nila na isa lang akong mahirap b-baka ma-bully ako," pilit na ngiting sabi ni Flora. Sa edad ni Flora na labing pitong taong gulang ay marami na siyang karanasan na matukso hindi dahil sa kanyang itsura o ugali kundi sa trabaho ng kanyang ina at pagkatao niya. Sinabi ng mga tao sa kanya na bunga siya ng isang makasalanan na pag-iibigan. Ang iba naman sinasabi sa kanya na one night stand baby daw siya. Sinasabi naman ng kanyang ina na wag niya iyon pansinin. Pati ang kanyang Ate Trixie ay lagi siya nitong sinasabihan na lumaban siya ngunit gugustuhin pa niyang manahimik na lang para makaiwas siya sa gulo. Alam naman ni Flora na magsasawa at magsasawa ang mga tao sa pangngungutya sa kanya. Inaalala ni Flora na kapag nalaman ng mga magiging kaklase niya ang tunay na buhay niya ay baka ma-bully siya roon. Marami na rin nabasa ang magandang dilag na si Flora tungkol sa mga nabu-bully na bidang karakter sa mga kuwentong binabasa niya. Hindi niya maiwasan na maawa sa mga karakter na iyon. Pero natutuwa siya kapag nasa parte na siya na lumalaban at hindi na nagpapa-api ang bidang karakter. Laging naikukumpada ni Flora ang kanyang sarili sa mga karakter na nabu-bully. Pakiramdam niya ay nasa isang kuwento siya kung saan siya ang bida sa sarili niyang kuwento. "Lagi kong sinasabi sa'yo na kapag may nang-away sa'yo ay lumaban ka. As long as 'di ikaw ang nagsimula ng away," ngiting sabi ni Trixie. Pabiro pang sinabi ng magandang binibini na si Trixie na napa-english siya sa wala sa oras. Dagdag pa niya na wag masyadong mabait si Flora dahil ang mga masyadong mababait ay kinukuha agad ni Lord. Napatawa na lang si Trixie sa sinabi niya sa magandang dilag na si Flora. Nakangiti siyang nakatingin kay Flora at sinabi niya na isang taon na lang ay ganap na itong dalaga. Nag-promise ang magandang binibini na si Trixie sa kanyang kinakapatid na babae na si Flora na siya ang mag-aayos sa buhok at magma-make up dito sa debut nito. "Flora, sigurado ako na sa debut mo ay bonggang-bonga ang selebrasyon. Sigurado rin ako na mapupuno ng mga magagandang bulaklak ang venue dahil na rin may business kayong flowershop," ngiting sabi ni Trixie. Iniba na lang ni Trixie ang usapan para hindi masyadong ma-stress si Flora sa nalalapit na paglipat nito sa bayan ng Angeles. "Ate Trixie, alam mo naman na 'di ako mahilig sa mga ganun party. Isang simpleng handaan at kumpleto lang ang mga malalapit sa akin ay sapat na iyon para sa akin," ngiting sabi ni Flora. Hindi naman hinahangad ni Flora ang ganung kabonggang debut. Sinabi nga niya sa kanyang ina na sapat na sa kanya na magkasama silang dalawa ay masaya na siya. "Naku! 'Di papayag ang nanay mo na ganun-ganun lang debut mo. Lalo na may stepfather kang mayaman," masayang sabi ni Trixie. Napangiti na lang si Trixie ng sabihin sa kanya ni Flora na ayaw nitong gamitin ang yaman ni Mr. Advino. Gusto raw nitong magsumikap para umasenso na 'di umaasa sa yaman ng bagong kinakasama ng ina nito. Humahanga talaga si Trixie kay Flora dahil na rin sa taglay nitong kabatian. Napapatanong nga siya kung kanino nito makuha ang kabaitan na taglay nito? _________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD