CHAPTER 3

2260 Words
Habang pabalik ako sa aking kuwarto ay nakasalubong ko si Apollo kasama si Hermes. Nagbabangayan na naman sila, napailing na lamang ako. “I will be the one to choose Hunt’s birthday suit, I am known in the fashion industry Apollo you don’t have a say to that” malakas na sabi ni Hermes sa mukha ni Apollo na may kasama pang duro. “And I will choose the songs in his birthday party. It will be a blast.” sabay labas ni Apollo ng kanyang golden lyre at tumugtog ng isang nota. “No Apollo, I will choose the songs myself” pagsingit ko usapan nilang dalawa na mukhang sigawan para sa mga cyclops at goblins na guwardiya sa paligid dahil sa lakas nito. “Hunt” Sabay nilang sabi na animoy nagulat pa. Nagpa tuloy ako sa paglalakad pabalik sa silid ko at sumunod naman sila saakin. “Hunt, I think we should celebrate your birthday in the mortal realm. May mga clubs doon for Gods, Ako na bahala sa tickets.” Sabi ni Apollo. Napakurap ako ng mata dahil sa suhestiyon niya. Father won’t let me go out of the Underworld kaya hindi mangyayari ang sinabi niya. “Or we should celebrate in Olympus. Athena will help us in the venue, I know for sure. Ano g ka ba Hunt?” Hindi ko sila pinansin at pumasok na sa loob ng kuwarto ko, dumiretso ako sa bathroom upang magbabad sa coldwater. Naririnig kong naguusap pa rin si Apollo at Hermes sa labas habang naliligo ako. They are the most talkative cousins ever. Paglabas ay napansin kong kasama na nila si Aphrodite, another talkative cousin. Bakit ba sila nagrereunion dito sa kuwarto ko? Nginitian niya ako ngunit hindi ko siya pinansin at humiga sa kama ko sa harapan ng mga mahahabang upuan kung nasaan sila. “Common’ Hunt, we need to plan your party” masiglang sigaw ni Aphrodite. “It’s just my birthday Dite, no big deal. Besides nagplaplano naman na yang dalawang pinsan mo.” “Your 21st birthday will be your ‘Reborn Day’ Hunt, maaacquire mo na ang God appearance mo. I wonder how many horns you have or how tall they are.” Kinikilig na sigaw niya. “I bet he has two dark horns protruding on his temple. “ Mabilis na sagot ni Hermes. “I think he has one on his forehead which has the color black and grey. You know Hunt is known as the Shadow and the Darkness.” Gods have this simple form where we have our horns of different sizes, colors, and sharpness. Our horns would be one of our identities as a God. Though our eyes are glowing like those of the Fae, our eyes shone brighter and more vivid. “Go away guys, I need to rest.” Pagsingit ko sa usapan nila at bumato ng dark energy ball sa may pwesto nila. Wala naman silang nagawa kung hindi ang magteleport para maiwasan ito. Narinig ko pa ang mga reklamo nila sa pagpapaalis ko bago sila nagteleport. Bumuntong hininga ako at nagpahinga na lamang. ———— Nandito ako ngayon sa forest malapit sa River of Lithe, isa sa ga lugar na nais kong puntahan kapag gusto kong magensayo o mapagisa. Nagpalabas ako ng dark energy ball at hinulma ito sa isang espada. Sa kabilang kamay ay gumawa ako ng dummy made out of darkness upang maging kalaban ko sa ensayong ito. Gumawa rin ako ng forcefield para maminimize ang pinsala sa paligid. Ngumiti ako ng gumalaw ang dummy na ginawa ko. “Let’s get it on.” Energetic na sabi ko at nagready na sa weapon combat namin. Itinaas ko ang espedang ginawa ko gamit ang kapangyarihan ko at umabante upang simulan ang aking atake. Mabilis kong ibinaba pahalang ang aking espada at tumakbo naman pagilid ang dummy upang iwasan ito sabay wasiwas niya pahalang ang kanyang armas upang atakihin ako. Tumalon ako pagilid at inatake ang dummy. Nakaiwas ito at tumakbo palikod habang tumakbo naman ako upang masundan siya. Umikot ako at iwinasiwas paikot ang espada na siyang tumama sa espada ng dummy. Itinulak ko siya at umatakeng muli. Kalansing lamang ng aming mga armas ang maririnig kasabay ng aking mabilis na paghinga. Hindi pa ganoon kabuo ang kapangayarihan at kakayahan ko bilang diyos dahil sa ika-dalawampu’t isang kaarawan ko pa lamang ito makukuha. Kaya ganoon na lamang ang paghahanda na ginagawa nila para sa kaarawan ko na magaganap mamayang gabi. Pinagbigyan din ni ama si Hermes na dito na lamang sa Underworld gaganapin ang party ko. Tumulong din si Hecate sa paghahanda kung kaya’t magisa ako ngayon dito. Ayaw ko rin namang makisali kila Hermes dahil paniguradong kukulitin lamang nila ako. Pagkatapos ng aking pageensayo ay bumalik na ako sa palasyo upang magpahinga at magayos na para sa event. Maraming tao akong nakikitang pumapasok sa loob ng palasyo. Ganoon din ang mga nymphs at goblins na napakapormal ng ayos. Ginawang pormal ang aking birthday dahil minsan lang naman daw ito mangyari at ngayon lamang ulit nagkaroon ng isang pureblooded God. Pagkapasok sa aking kwarto ay nadatnan ko si Aphrodite na nakasuot ng kulay asul na mermaid gown. Hapit na hapit ito sa katawan kung kaya’t kitang kita ang kanyang hubog. Nakaaayos pagilid ang kanyang buhok at may mga alahas siyang kulay puti na sa pagkakaalam ko ay pearlas. “What the heck Hunt. You. Are. Late. This is your party and you are late.” Histerical na sabi niya. Napakatinis ng boses niya na konti na lamang ay mapagkakamalan ko na siyang nymph. “That’s the point Dite, this is my party so it is okay for me to be late. Don’t be exaggerated.”Napairap na sabi ko at dumiretso sa bathroom para maligo, ayaw ko namang umattend sa party ko na amoy pawis. Sinigurado kong mabango ang amoy ko kahit mabango naman talaga ako. At Sinulit ko ang malamig na tubig na lumalabas sa shower kahit nagaalburoto na si Aphrodite sa labas. Pagkalabas ay napansin ko ang lumlipad na unan papunta sa pwesto ko at dali dali ko naman itong iniwasan. “Hunt, bilisan mo ngang kumilos para kang babae.” Naiinis na sigaw niya at dumampot ulit ng unan sa may sofa at ibinato sa akin. Sakto namang lumitaw si Hermes sa harapan ko kung kaya’t siya ang natamaan ng unan. Pinigilan ko ang aking pagtawa dahil sapul talaga sa ulo ni Hermes ang pagkakabato ni Aphrodite. “What the hell Aphrodite” Naiinis na sigaw niya “That is not my fault. Ikaw tong bigla bigla nalang nagteteleport dyan.” “E bakit ka kasi nambabato ng unan.” “Yang pinsan mo kasi ang bagal bagal kumilos anong oras na.” “Bakit naman kasi ang bagal mo cous?” Sigaw sa akin ni Hermes na tinaasan ko lamang ng kilay. It runs in the blood nga ang pagsigaw sa magpipinsan na ito. Naglakad na ako papunta sa kama ng hindi sila pinapansin. Nakita ko ang isang formal suit na nakapatong sa aking kama. Kulay black ito na may grey linings. Ang maskara ay ganon din ang kulay. Sinuot ko ito at tinulungan naman ako ni Aphrodite na ayusin ang necktie ko na kulay gold. “You should enjoy the night cousin, this is your night after all.” Mahinhin na sabi sakin ni Aphrodite habang nakatayo sa harap ko. “You should dance Hunt, I wanna see you dance.” Malakas na sabi ni Hermes na nakaupo sa may sofa sa tapat ng aking kama. “Did you put the songs I chose on the list? Ayoko sa music taste ni Apollo.” Sabay na tumawa ang magpinsan at napangiti na rin ako. Pagkatapos naming magayos ay sabay sabay na kaming dumiretso sa throne room kung saan gaganapin ang birthday party ko. Suot pa rin ang aking mask ay nagtungo na ako doon at namangha sa ganda ng dekorasyon. May mga bola na kulay itim at grey na nakasabit sa mga tela. Inalis na nila ang kulay pula na carpet kng kaya’t puti lamang ang makikita sa floor at gray naman sa may ceiling. Ang mga lamesa at upuan naman ay nababalutan ng kulay itim na tela. May mag narcissus flowers din na siyang symbolo ni ama. Ang mga goblin na guwardiya pati na rin ang mga cyclops ay nakakalat sa buong lugar. Napansin ko rin si ama sa may harapan, nakaupo sa kanyang obsidian throne at umiinom ng ambrosia. Lumapit ako sakanya at yumuko bilang paggalang. “Father.” “Hunt, today is your day.” Sabay tingin niya sa akin. “Let us see how many horns you will acquire tonight son.” Sabay tapik niya sa balikat ko, ngumiti lamang ako at yumukong muli bago umalis. Lahat ay nagsasaya para sa gabing ito, minsan lamang may maganap sa palasyo kung kaya’t ngayon ko lamang nakitang nagsama sama ang mga souls, goblins, cyclops, centaurs, gorgons and nymphs. Napansin kong ang mga napili kong kanta ang pinapatugtog kung kaya’t napatingin ako kay Apollo na nakaupo sa isang upuan malapit sa akin. Napatawa ako dahil sa itsura niya at tinabihan siya. “You don’t like my party, Apollo?’ “I don’t like your song cousin” Umirap pa siya na siyang ikinatawa ko. “Come on, Apollo, it’s my birthday. Don’t be so rude.” Dumating sila Aphrodite at Hermes at wala kaming ginawa kung hindi ang uminom ng amrbosia at magkwentuhan. Paminsan minsan ay sumasayaw rin kami sa may dance floor. Pagsapit ng madaling araw ay pinapunta na ako sa may harapan. Nandoon si Hecate at mayroong malaking bilog sa sahig. Mayroon ding mga kandila na nasindihan sa tabi ng malaking bilog. Ito na ang ritual para sa acquiring. Sabi nila mabilis lamang ito at mabubuksan nito ang God appearance ko kung kaya’t hindi ko maaring alisin ang aking mask. Tinanguan ako ni Hecate hudyat na kailangan ko ng tumapak sa loob ng bilog ng masimulan na ang ritual. Pagkatapak ko sa bilog ay tumahimik na ang lahat ng nandito, pati ang music ay tumigil na rin. Lahat ay nakaabang sa pagiging opisyal na transpormasyon ko. Hinintay namin ang tamang oras at ng matapos ay sinimulan na ni Hecate ang summoning ritual. Umikot ikot siya sa labas ng bilog at maya maya ay sinugatan niya ang kanyang sarili. Pinatulo niya ang dugo na kulay ginto sa loob ng bilog at bigla na lamang humangin ng malakas. Mas nilakasan pa ni Hecate ang kanyang boses dahil malapit ng matapos ang ritual. Marami sa mga souls ang napasigaw dahil sa lakas ng hangin, ang mga kagamitan sa loob ng throne room ay nagsisiliparan. Namatay ang mga kandila sa chandelier at tumilapon ang mga mesa at upuan. Nagsisitakbhan na ang karamihan sa mga bisita ngunit marami pa ring gustong makita ang ritual dahil minsan lamang ito mangyari, hindi namin alam kung kailan ulit magbibigay ang mga Fates ng bagong diyos. Maya maya ay may liwanag na unti unting lumakas sa loob ng bilog. Nakakasilaw na liwanag ito at karamihan sa mga creatures ng Underworld ay napasigaw dahil dito. Sumisigaw na si Hecate sa labas ng bilog, hindi ko na rin makita ang kabuoan ng throne room dahil sa liwanag at napapikit na lamang ako. Unti unti ay naramdaman ko na ang pagtubo ng dalawang sungay sa gilid ng aking ulo. Naramdaman ko na rin ang kabuong lakas ko. Unti unti kong naramdaman ang black energy na nagraradiate magmula sa akin. Pakiramdam ko ay napupuno ako dahil sa panibagong lakas na mayroon ako ngayon. Tumigil na si Hecate sa pagchant ng spell ngunit hindi pa rin nawawala ang liwanag. Binuksan ko ang aking mata ngunit nasilaw lang ako sa liwanag na dulot nito. “Hecate, what is happening?” Rinig kong tanong ni ama. Hindi pa rin tumitigil ang malalakas na hangin kahit alam kong tapos na ang ritual. Ano ang nangyayari? Bakit ganito? Maya maya ay nakaramdam ako ng kakaibang sakit sa aking ulo. Parang binibiyak ito ng napakarami. “AGHHHHHHHH!!!!” Hindi ko kailanman natandaan ang ganitong epekto ng ritual sa isang diyos. Ano ba ang nangyayari? Nakaramdam na rin ako ng panghihina at nanginginig ako sa lamig. Napaluhod na ako dahil hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang matinding liwanag. “What is this? What did you do Hecate?!!” Narinig kong sigaw ni ama mula sa labas ng bilog. “I don’t know this is not part of the ritual.” Sigaw din naman ni Hecate dahil sa malakas na hangin ay hindi sila magkarinigan. Binuksan ko ang aking mga mata upang pagmasdan ang mga nangyayari ngunit napansin kong lumalabo na aking paningin at puro liwanang pa rin ang makikita sa loob ng bilog. “HECATE DO SOMETHING!!” Rinig kong sigaw ni ama at parang nagkakagulo na nga sa labas ng bilog. “AGHHHHHHHH!!!!!!” Sapo sapo ko na ang ulo ko dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko. Maya maya ay sumakit rin ang likod ko at parang may tumutubo rito. “AGHHHHHHHH” Parang pinupunit ang aking balat sa likuran dahil parang may gustong lumabas dito. Naramdaman kong sobrang init na ng katawan ko, tipong nakakapaso na sa init. Unti unti ng nawala ang liwanag at ang hangin ngunit hindi ko na rin kaya ang sakit na nararamdaman ko. Muli akong tumingin sa mga tao sa labas ng bilog ngunit unti unti ng dumilim ang aking paningin. Bumagsak ang aking katawan sa sahig. Narinig ko ang mga utos ni ama at ang mga spell ni Hecate bago ako nilamon ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD