CHAPTER 4

1224 Words
Third POV Nagkagulo ang mga tao ng makita nilang natumba si Hunt sa loob ng bilog. Unang lumapit si Hecate dahil siya ang pinakamalapit sa pwesto nito. “Hunt!!!” hahawakan na sana ni Hecate ang binata ngunit sobrang init nito. Nakakapaso ang init na kahit ang mga Diyos ay hindi siya mahawakan. “No! Hunt!!” Malakas na sigaw niya. Tumakbo naman palapit si Hades sa pwesto ng kanyang anak at ni Hecate. Sinubukan niya rin itong hawakan tulad na lamang ng ginawa ni Hecate ngunit hindi niya rin kaya ang nakakapasong epekto nito sa kanyang balat. “Hunt, can you hear me?” tanong ni Hades at lumapit sa kanyang anak sa distansyang hindi siya mapapaso. Tumakbo na rin palapit sa pwesto sila Hermes, Aphrodite at Apollo upang tumulong sa pangyayari. Pagkarating doon ay narinig nila ang sinabi ni Hades ngunit napansin nilang walang kahit anong tugon ang nanggaling kay Hunt. “Let me help tito.” wika ni Apollo at lumapit sa pwesto ni Hunt. Isa sa mga kapangyarihan ni Apollo ang panggagamot kung kaya’t hindi na siya nagdalawang isip na tumulong. Tumango naman si Hades sa suhestiyon ng kanyang pamangkin at gumilid upang bigyan to ng daan. Naglakad palapit si Apollo sa tabi ni Hunt sa loob ng bilog. Ramdam niya ang sobrang init na nanggagaling sa katawan nito. Humugot siya ng enerhiya sa kanyang source of power upang masimulan na ang panggagamot. Umilaw ang kanyang mga kamay ng kulay gold. Inipon niya muna ang kanyang kapangyarihan sa kanyang mga kamay bago niya ito itinapat sa may ulonan ni Hunt. Naramdaman ni Apollo ang mahinang pintig ng puso ni Hunt kung kaya’t nagulat siya at nabawi bigla ang kanyang kapangyarihan. Napatitig siya sa kanyang pinsan dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang nalaman. “What is it Apollo?” mahinang tanong ni Aphrodite sa kanyang kapatid. Napatingin naman si Apollo sakanila at nagdadalawang isip kung sasabihin ba niya ng kanyang nalaman. Bumuntong hininga siya bilang paghugot ng lakas ng loob. “I think, Hunt’s life force is fading.” Mahinang sagot ni Apollo. Bumalik sa panggagamot ni Apollo habang nagkatinginan naman sa isa’t isa ang mga natira. Hindi rin sila makapaniwala sa kanilang narinig. Matagal bago may nagsalita sakanila at pinapanood lamang nila si Apollo na gawin ang dapat niyang gawin. Sumulpot si Thanatos sa lugar malapit kay Hades. “I think we should put him in the water Your Majesty, baka makatulong ang malamig na tubig sa pagbaba ng kanyang temperatura.” Dali dali naman nilang binuhat si Hunt gamit ang kanilang mga mahika at inilagay siya sa kanyang bathtub sa loob ng kanyang silid. Pagkalapag kay Hunt sa bathtub ay dali daling pinindot ni Aphrodite ang cold water upang mapuno ito. Nagkaroon pa ng usok dahil sa contact ng mainit na katawan ni Hunt sa malamig na tubig na lumalabas sa faucet ng kanyang bathtub. Hinintay nilang humupa ang usok ngunit patuloy lamang itong kumakalat. “I’ll try healing him again.” Sabi ni Apollo at umupo sa edge ng bathtub upang subukang hawakan si Hunt. Ngunit hindi pa rin bumababa ang kanyang lagnat kahit nakababad na siya sa malamig na tubig. Pagkaraan ng ilang oras ay ganoon pa rin ang sitwasyon ni Hunt. Hindi nila mawari kung ano ang nangyayari sa binata. Ipinatawag na ni Hades ang kanyang mga tauhan upang tumulong sa paghahanap ng lunas. Inutusan niya ang kanyang mga guwardiya na doblehin ang pagbabantay sa loob at labas ng kwarto ni Hunt. Hindi naman umalis doon ang magpipinsan at madalas ay nandoon lamang sila sa loob ng kwarto ni Hunt. Samantala, si Hecate naman ay bumalik sa kanyang cottage upang magaral ng spell na siyang tutulong kay Hunt. Balak niya ring hanapin ang nangyayaring ito sa katawan ni Hunt. Nagteleport si Apollo sa kanyang tirahan upang kuhanin ang mga librong makakatulong sakanila at inutusan sina Aphrodite at Hermes na magbasa at maghanap sa mga librong dala niya. Hindi man gustong magbasa nina Aphrodite at Hermes ay wala na silang nagawa kung hindi ang tumulong upang matapos na ang paghihirap ng kanilang pinsan na si Hunt. Lumipas ang mga araw ngunit walang pagbabago sa sitwasyong meron si Hunt. Araw araw ay nagtitipon tipon sila Hecate, Hermes, Apollo, Aphrodite, at Hades sa kuwarto ni Hunt upang pagusapan ang kanilang mga natuklasan. Pagkatapos ng kanilang diskusyon ay sinusubukan nila ang kanilang mga natutunan at nadisubre ngunit alinman sa mga ito ay hindi nakatulong kay Hunt. Naramdaman ni Apollo na pahina na ng pahina ang life force ni Hunt at kinakatakot niyang baka mamatay ito. “Do you think dahil lang ito sa full power na naacquire niya?” Pambabasag ni Aphrodite sa katahamikan habang nagbabasa sila ng mga libro galing kay Apollo. “Baka hindi nakayanan ng katawan niya ang malakas na kapangyarihang nakuha niya noong ritual.” Sagot naman ni Hermes. Naisip din ito ni Apollo ngunit bakit ang life force ang humihina sakanya at hindi ang kanyang katawan? Isang linggo na ang nakalipas magmula ng birthday ni Hunt at ng ritual ngunit hindi pa rin nagbago ang kanyang sitwasyon. Hindi na alam ng mga diyos at diyosa ang gagawin dahil halos lahat ng libro patungkol sa paghihilom, ritual, pagiging diyos at lahat ng may kinalaman dito ay naaral na nila at nasubukan na rin ngunit wala pa rin itong epekto sa kanya. Lumapit si Apollo sa pwesto ni Hunt upang subukan ulit siyang pagalingin. Naglabas siya ng kanyang kapangyarihan at tulad ng dati ay itinutok ito sa kanyang ulonan. Ngunit nagulat siya sa kanyang nalaman. Hindi siya makapaniwala sakanyang nadiskubre. Napahawak siya sa kanyang bunganga at napahakbang patalikod. Napansin naman ito ni Aphrodite kung kaya’t lumapit siya sa kanyang kapatid upang aalamin ang nangyari. “What happened, Apollo?” Matagal bago nakasagot si Apollo at kinabahan naman si Aphrodite dahil dito. Lumapit na rin si Hermes sa kanila upang marinig ng maayos ang sasabihin ni Apollo. “Hunt is dead.” Mahinang wika ni Apollo. “Ano?” “Hunt is dead.” Paguulit ni Apollo ngunit sa mahinang boses pa rin dahil hindi pa rin siya makapaniwalang wala na ang kaniyang pinsan. “We can’t hear you if you keep on saying inaudible things Apollo.” Sumbat ni Hermes na medyo naiirita na dahil sa pagsagot ni Apollo. “Patay na si Hunt!” Naisigaw ni Apollo. Katahimikan ang namayani bago nagtanong si Aphrodite dahil siya ang unang nakarecover sa sinabi ni Apollo. “Panong patay na? Nandiyan siya oh! Hindi pa nga siya nagdedeteriorate paano siya naging patay?” “Wala na siyang pulso.” Pagkasabing pagkasabi ito ni Apollo ay lumitaw ang mga Fates sa kwartong iyon. Nakalutang sila sa ere at mayroon silang mga sinulid sa kanilang mga kamay. Ang tatlong Fates na ito ang may hawak ng past, present at tsaka future. Kaya nilang putulin ang life force ng isang tao o diyos. Sila rin ay may kakayahang gumawa ng life force gamit ang kanilang mga sinulid. ” Good day Gods and Godesses” Sabay sabay na wika ng tatlong Fates. Wala namang umimik sakanila dahil sobrang dalang lamang magpakita ng mga Fates sa kanila. Madalas ay nasa Olympus lamang ito at busy sa pagpapaikot ng sinulid sa mga buhay ng mga nilalang. “God of the Underworld, Hades. We are here to inform you that your son, Hunt, is dead.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD