Pagkatapos titigan ang litrato nang hari ay muli kong inilibot ang aking paningin sa buong silid. Mula sa kanang parte ay makikita ang isang mesa na gawa sa bato. Sakto lamang ito at may mga libro ding nakapatong sa ibabaw nito. May isang upuan sa likuran nang mesa na nababalutan nang kulay berdeng tela. Habang sa dingding naman ay ang simbolo nang kaharian nang Terra. Mukhang dito ipinagpapatuloy ni Haring Jian ang kaniyang trabaho bilang hari. May mga bookshelves naman sa pader kung nasaan ang secret passage door na siyang pinagmulan naming dalawa ni Vaughn. Nagsimula akong lumapit sa mga booksheleves upang maghanap nang impormasyong makakatulong sa amin sa aming misyon. Binasa ko ang mga pamagat nang libro upang makapili nang babasahin ngunit napakunot ang aking noo nang karamihan sa m

