“I see you’re quite a cheater are you?” Wika ko habang nakatingin kay Vaughn. Ngumisi siya sa aking gawi at mas pinaangat pa ang mga bato sa kaniyang paligid. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti at nagsimulang buksan ang aking energy at mula doon ay unti unti namang lumabas ang itim na usok. “You are not going to use your God magic, Hunt. You need to know and enhance your Fae magics. Both common and actual magic.” Napabuntong hininga ako at unti unti namang ibinalik ang enerhiyang nakalap ko pabalik sa aking source. Sinubukan kong magshift ngunit nagulat ako nang may dalawang kamay ang humawak sa aking balikat. Dahil sa gulat ko ay dali dali ko itpng sinuntok at mabuti na lamang at naiwasan niya naman ito. Sinamaan ko nang tingin si Vaughn dahil sa biglaang paglapit niya sa akin. “You

