“I’ll help you, I want to uncover every secrets our ancestors have been burried for decades.” Napatingin ako sa kaniya at nakita kong determinado nga siyang gawin ang sinabi niya. Inilihis ko naman ang aking paningin sa tatlong pinsan ko na kapareho kong hindi makapaniwala sa mga narinig namin. Parepareho silang nakatingin kay Vaughn at hinihintay ang susunod nitong sasabihin. “Hey, I can’t lie, you knew faes can’t lie.” “Yes you can’t lie but you can still trick us.” Wika ni Apollo at nagsimulang maglakad palapit sa pwesto ni Vaughn. Napatingin ako kay Vaughn na sumeryoso ang mukha sa sinabi ni Apollo. Katahimikan muli ang namayani sa buong silid habang nagtititigan ang dalawa. “My parents died just to save King Jian and his family from Hilgovia, and now, Hilgovia wanted to claim Terra

