Hindi ko namalayang nakaidlip na ako sa upuan kung saan ako ginamot nang mga healer kanina. Nagising lamang akonang marinig nang muli ang kampana hudyat na tapos nang muli ang laban. Unti unti akong tumayo at nang wala na akong maramdamang sakit maski ang pagkirot nang aking ulo ay hindi ko na maramdaman. Inilibot ko ang aking paningin ngunit walang kahit anpng healer ang nakita ko kaya naman dumiretso na lamang ako sa ranking match area. Nang makarating doon ay napagtanto kong tapos na ang third round nang ranking match at oras na para malaman kung sino ang nanalo sa bawat round. Napansin ko naman ang mga sugatan kong kasama. Marahil ay naging mahigpit din ang laban sa bawat isa sa kanila at hindi ko maiwasan ang makaramdam nang pagkahinayang dahil hindi ko napanood ang mga sumunod na l

