Nang marinig naming angg tunog nang kampana ay hudyat na ito upang simulant ang huling round sa aming ranking match. Paareho naman kaming hindi pa gumalaw ni Clyde at parang hinihintay pa kung sino ang unang aatake. Matapos ang ilang saglit ay mabilis siyang tumakbo palapit sa akin, Mabuti na lamang at mabilis akong nakakilos at tumalon patalikod kung hindi ay baka naabutan na ako nang kaniyang kamay. Napangiti naman siya nang makitang nakaiwas ako at mabilis na umatake sa akin. Hindi ko alam kung ginagamit ko na ba ang aking Fae senses dahil parang normal lamang naman ang nakikita kong bilis nang kaniyang mga galaw. Suntok at tadyak ang paulit ulit niyang ginagawa habang puro lamang ako sangga sa kaniyang mga atake. Napahakbang siya patalikod at mula doon ay tumalon siya paikot sa ere a

