“Remember, you will only be given three hours to hunt. Enchance your senses and train your patience. The hunt will start now!” Malakas na sigaw nang training commander bago naming narinig ang pagpalo sa kampana. Dalli dalli namang pinatakbo nang mga kasama ko ang kabayo nila at hindi naman ako nagpahuli. Dahil hindi ko alam ang daan patungo sa kagubatan ay nakisabay lamang ako sa kanila at hindi nagpahalata na wala akong alam sa lugar. Nang mapansin kong malapit na kami sa mapunong lugar ay dali dali akong pinalo ang kabayo upang bilisan nito at humiwalay ako sa aking mga kasama. Hindi ko alam kung napansin ba nila ako ngunit nang tumingin ako sa aking likuran ay wala namang sumusunod sa akin kaya kahit papaano ay napangiti ako. Mabilis akong pumasok sa kagubatan at nang makalayo layo

