CHAPTER 16

2254 Words
Tumayo na ako upang magsimulang maglakad pabalik sa bahay ni Aling Maya. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kanila na nakakaalala naako o itatago ko na lamang ito. Misyon ko ito kaya naman mas mabuti na sigurong ako na lamang ang makakaalam. Aalis rin naman ako pagbumalik na aking kapanggyarihan, sa ngayon ay mangangalap muna ako ng mga impormasyon patungkol sa kanila.    Nagsimula na akong maglakad dahil kabisado ko naman ang daan pabalik. Nagsisimula na ring dumilim ang pagilid ngunit hindi naman ako nangamba dahil ngayong bumalik na ang alaala ko ay pakiramdam ko’y bumalik rin ang kumpiyansa ko sa sarili ko. Sila dapat ang matakot dahil isa akong diyos, wala man akong kapangyarihan sa ngayon ay malakas pa rin ako.   Habang naglalakad ay narinig ko ang mga yapak mula sa malayo kaya napatigil at napatingin ako sa aking likuran ngunit wala akong nakitang tao roon. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad at hindi na lamang pinansin ang aking mga naririnig kahit nakakairita ito. Nakailang hakbang pa lamang ako nang maramdaman ko ang malakas na pwersa nang kapangyahan sa aking likuran kaya dali dali akong lumihis pakanan upang maiwasan ito.   Pagkatingin ko sa likuran kung saan ito nanggaling ay nakita ko roon si Vaughn na nakasakay kay Max. Nakatigil sila ilang metro mula sa kung saan ako nakatayo kanina at mayroong malaking bato roon. Kung hindi ako nakailag ay malamang nadaganan na ako nito. Dali dali akong bumangon at lumapit sa kaniya. Salubong ang aking mga kilay at nakakunot ang aking noo.   “Ano bang problema mo? Nakita mo nang may tao e.” Malakas na sabi ko sa kaniya at halos umalingawngaw ito sa buong kagubatan. Tinitigan niya lamang ako nang ilang sandali bago siya bumaba sa kabayo at naglakad palapit sa akin. Mas matangkad ako sa kaniya ng ilang dipa at ngayon ko lamang napagtantong halos magkaparehas kami ng katawan.   “Nakaharang ka kasi sa daan e, gusto ko  ako lang dadaan.” Mayabang na sabi niya at ngumisi pa sa akin. Hindi naman ako nagpaapekto at tumingin lamang sa kaniya ng walang ekspresyon. Hindi man ako sanay ng nakikita an kabuoan ng aking mukha ay wala naman na akong magagawa doon. Wala rin akong dalang maskara sa mga gamit ko na nahanap ni Aling Maya. Nagtitigan lamang kami ng ilang sandali bago siya umiwas ng tingin at ngumising muli.    “Sabi ko na nga ba may ugali ka e, masyado talagang mabait si lola dapat hinayaan ka nalang niyang mamatay.” Ano kaya ang mangyayari kung hinayaan na lamang ako ni Aling Maya noong araw na iyon? Mabubuhay pa kaya ako? Hindi ko aakalain na rito pa ako saa Fae World mamamatay kung sakali man. Hindi pa rin nagbago ang aking ekspresyon at pakiramdam ko naman ay epektibo ito dahil namumula na siya sa galit. Gusto ko man siyang sumbatan ngunit mas mahalaga sa akin ang aking misyon, hindi ko sasayangin ang pagkakataong mayroon ako sa bahay nila.    “Ganito na lang, paunahan tayong makauwi sa bahay. Kapag nanalo ka, pwede kang tumira roon kahit kailan mo gusto. Kapag nanalo naman ako, alis ka sa bahay namin at hindi ka na magpapakita pa sa amin. Ano, payag ka ba?” Wika niya habang nakatingin sa akin. Dahil mas maangkad ako ay nakaangat ang kaniyang paningin sa akin. Napagisip isip naman ako sa kaniyang sinabi. Kung gagamitin niya si Max ay paniguradong matatalo ako at hindi  ako papayag sa bagay na iyon.    Umabante ako nang isang hakbang at ilang dipa na lamang ang pagitan naming dalawa. Tinitigan ko siya ng matagal sa kaniyang mata at napansin kong umiilaw ang kaniyang mata. Berde na may kulay ginto ito at ang ginto ang mas kumikinang kaysa sa berde. “Walang gamitan nang mahika, walang sasakay sa kahit ano, walang lilipad, at walang magbabago ng anyo.”   Nagtitigan lamang kami ng matagal ng bigla siyang ngumiti nang may pangaasar sa akin. Ang yabang talaga ng lalaking ito, hindi niya man lang ba naisip na hindi lahat ng tao ay kasing bilis niya at may mas mabilis pa sa kaniya? ANo naman kayang trip nito at balak niyang makipagkarerasa akin? Dapat talaga sinama ko na lamang si Luke nang may kalaban naman si Max. “Pumapayag ako.” Napabalik naman ako sa reyalidad nang banggitin niya ito. Kung gayon kailangan ko lamang tumakbo ng mabilis pabalik sa bahay ni Aling Maya ngunit ilang kilometro pa ang layo noon mula dito at nagsisimula na ring dumilim ang paligid kaya paniguradong mahihirapan ako nito. Dahil wala naman ang aking kapangyahiran ay paniguragong hindi rin gagana ang enhanced senses ko. Mukhang kailangan ko nalang magdasal at umasa sa swerte sa ngayon. Napabuntong hininga ako sa aking isipan at tumango na lamang sa kaniya bilang pagpayag. Inutusan niya si Max na tumakbo na pabalik sa bahay at pinanood naming siyang pareho na tumakbo ng pagkabilis bilis hanggang sa mawala siya sa aming paningin. Naghintay pa muna kami nang ilang sandal upang makasiguradong malayo na ang narating ni Max at hindi namin siya maabutan. Pagkatapos noon ay sabay kaming napatingin sa isa’t isa at at pumwesto para makapaghanda na kami sa ginawa naming laro. Huminga ako nang malalim at hinanda na ang aking katawan sa mabilisang takbo. Kakabalik lamang nang aking mga alaala ngunit hindi ko alam kung makakatulong ba ito sa larong ito. Pumikit ako at huminga nang malalim at pagbukas ko nang aking mga mata ay sabay kaming tumakbo ni Vaughn pabalik sa bahay. Sobrang bilis nang aming takbo at hindi ko inaasahang masasabayan ko siya. Pakiramdam ko ay tumigil ang mga hayop dahil maski isang tunog ay wala akong marinig. Sabay naming iniiligan ang mga bato, puno, kahoy at mga hayop na napupunta sa gawi naming. Napangiti ako nang masanay na ang aking mata sa dilim at para bang maliwanag pa rin ang paligid kahit alam kong lumubog na ang araw. Pagkarating sa isang dako ay napahiwalay kami sa isa’t isa ni Vaughn. Sa kanan ako tumakbo habang sa kaliwa naman siya nagtungo. Mas binilisan ko pa ang aking takbo at hindi ko alam na makakaabot ako nang ganito. Pakiramdam ko ay normal na takbo ko lamang ito dahil hiindi naman ako ganoon na hinihingal. Napakunot ang aking noo dahil sa aking napansin ngunit ipinagpatuloy ko na lamang ang pagtakbo dahil kailangan kong manalo. Kailangan ko pang manatili sa kanila upang masimulan ang aking misyon. Talon, takbo, at minsan ay napapahiga pa ako upang maiwasan ang mga nadadaanan ko. Nang madaan ako sa puro puno na bahagi ay dali dali akong umakyat sa malalaking sanga at doon nagtatalon patungo sa kabilang puno. Napangiti ako dahil napakaganda nang kapaligiran sa pwestong ito, nais ko mang tumigil upang titigan ay hindi ko magawa. Babalik na lamang ako sa mga susunod na araw upang gawin ito. Napahawak ako sa mga lubid nang puno at ginamit ito upang tawirin ang maliit na batis sa ibaba. Pakiramdam ko ay ibang klase nang Hunt ang nakikita ko ngayon, epekto ba ito nang pagkawala nang aking kapangyarihan? Takbo talon ang ginagawa ko pagkalagpas ko s abatis dahil puro bato naman ang nandirito. Hindi ko alam kung tama ba ang daang pinili ko ngunit wala na akong magagwa sa ngayon. Nagugulat na lamang ako sa taas nang tinatalon ko dahil malalaki ang bato na sa palagay ko ay nanggaling sa katabing bundok. Halos lumipad na ako sa bilis nang aking takbo at taas nang aking talon at hindi ko maiwasan ang mapangiti nang malawak dahil hindi ko ito naransan noong nasa Underworld pa lamang ako. Napansin ko na ang ilog kung saan ako nakita ni Aling Maya pagkatapos nang ilang saglit at mas pinabilis ko pa ang aking takbo. Sa puntong ito ay hinihingal na talaga ako at nakakaramdan na rin ako nang pagod. Narinig ko na rin ang mabilis na takbo ni Hunt at nagulat ako nang dali dali siyang tumabi sa akin at sabay kaming tumalon sa may ilog. Nagkatinginan pa kami at pareho kaming hindi makapaniwalang nakatingin sa isa’t isa. Dali dali akong tumakbo at nilagpasan ang kamalig pati na rin ang mga halaman ni Aling Maya. Napansin ko ring nakarating na rito si Max at kumakain nang d**o sa gilid nang kamalig kung saan madalas ko siyang pakainin ng mga ito. Nang maabot ang seradura nang pinto ay pinihit ko ito at dali daling pumasok ngunit sabay kaming pumasok ni Vaughn kung kaya’t nagkauntugan kami at nagpagulong gulong papasok nang bahay. Napahawak naman ako sa aking ulo dahil sa lahat nang aming pagkasalpukan ay pakiramdam ko nahiwalay ang aking ulo mula sa aking katawan. Napailing iling ako upang mawala ang aking hilo at napapikit upang bawiin ang hangin na nawala sa akin. Nakaupo lamang ako sa sahig at palagay ko ay ganoon irn ang ginagawa ni Vaughn dahil wala akong marinig mula sa kaniya, hindi ko pa rin siya narinig na tumayo. “O, nandiyan lamang pala kayo mga apo. Saan ba kayo nanggaling at ginabi pa kayo? Mukhang nagkakaayos na kayo, mabuti naman halina at kumain na tayo.” Napabukas ako nang aking mga mata at napansin si Aling Maya na nagluluto muli sa kaniyang kusina at gumagamit nang kaniyang mahika. Napadako ang aking tingin kay Vaughn at napansin kong nakapikit pa siya nang dahan dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata ay nagkatitigan kami at sabay na inilihis ang tingin sa ibang bagay. Napatayo ako at ganoon rin naman siya ngunit hindi ko na siya pinansin pa at umupo na lamang ako sa hapagkainan. Hindi ko alam kung nanalo baa ko o natalo ngunit pakiramdam ko ay pareho lamang kaming nakarating dito sa bahay nang sabay. Wala kaming napagusapan patungkol roon kaya pakiramdam ko ay kailangan naming pagusapan ang nangyari. Hindi ako papayag na umalis dito ngayong sabay naman kamingnakarating. Ibig sabihin lamang noon ay walang nanalo at natalo. Napaupo ako nang maayos nang lumipad na nag mga pagkain mula sa kusina papunta sa hapagkainan. Ganoon rin ang mga plato at kutsara, at naglalakad na rin palapit si Aling Maya. Napaupo naman sa tapat ko si Vaughn at tumingin nang masama sa akin habang nakataas ang kaniyang kaliwang kilay. Tinaasan ko rin siya nang kilay n apara bangnagtatanong kung ano problema niya. “O ayan, kumain kayo nang marami dahil mukhang pagod kayo sa pagtakbo. Saan ba kayo galing at naisipan niyong tumakbo pabalik dito?” nagsimula na akong kumuha nang pagkain. Isa itong sabaw na may noodles at mga gulay, mayroon ding pritong isda at sa palagay ko ay tsokolateng tinapay. Inilagay ko ang mga pagkain sa sarili kong plato at hindi tumingin kay Aling Maya. Tahimik lamang din si Vaughn habang kumukuha nang pagkain at nang susubo na sana ako nang ulam ay bigla bigla na lamang lumipad ang aking plato. Napatingin naman ako kay Vaughn at ganoon rin ang nangyari sa kaniya at napatingin rin siya sa akin habang nakasubo ang kutsura sa kaniyang bunganga. Napataas ang aking kilay at sabay kaming tumingin kay Aling Maya na nakangiti na pagkaharap ko sa kaniya. “Walang kakain hanggat hindi nasasagot ang aking mga katanungan.” Sabay naman kaming napairap ni Vaughn dahil gutom na ako sa ginawa naming pagtakbo. Napakalayo noon at hindi ko aakalaing magagawa ko iyon sa madaling panahon. Ibig sabihin lamang noon ay ganoon kabilis ang aking takbo, ang aming takbo dahil sabay naman kami ni Vaughn na nakauwi. “Saan kayo galing?”Nagkatinginan muna kami ni Vaugh bago sabay na napabuga nang hangin. Siya na ang sumagot noon dahil isinubo ko ang ulam na mula sa aking kutsara kaysa ilapag ito sa may mesa. “Sa kagubatan lamang lola, hindi naman po iyon ganoon kalayo.” “At anong ginawa niyo roon bakit hingal na hingal kayo pagkarating rito?” sa puntong ito at napatingin naman sa akin si Aling Maya kaya nalihis ko ang aking paningin at napatingin kay Vaughn. Nakataas lamang ang kaniyang kilay kaya naisipan ko na lamang sabihin sa kaniya ang katotohanan. Wala namang mali sa aming ginawa. Napabuntong hininga ako at sumagot. “Tumakbo ho kami mula sa pinanggalingan naming pabalik dito. Mga ilang kilometro rin po ang layo noon mula rito.” Sagot ko habang nakatingin kay Aling Maya. Napatango tango namans iya sa aking sagot at ibinaba na ang aming mga plato. Halos magpasalamat naman ako doon dahil gutom na gutom na rin ako. Hindi biro ang aking napagdaanan ngayong araw na ito. Una, bumalik ang aking alaala sa tulong nang babaeng lagging nagpapakita sa aking panaginip. Pangalawa, nagkarera kami ni Vaughn pabalik dito sa bahay na gamit lamang ang aming mga paa at bilis. Dali dali kong naubos ang aking pagkain at ganoon rin naman si Vaughn. Halatang nagutom kami sa aming ginawang kalokohan. Si Vaughn na ang nagpresintang maghuhugas habang ako naman ay nilinisan na lamang ang hapagkainan. Pagkatapos noon ay pumasok na ako sa aking kwarto at nagpahinga. Bukas, sisimulan ko na ang pagkalap nang impormasyon patungkol sa kahariang ito. Kung nandito lamang sana sina Hermes, Apollo at Aphrodite ay sigurado akong tutulungan nila ako. Napabuntong hininga ako dahil pakiramdam ko ay magisa na lamang ako ngayon. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ito o hindi na dahil pakiramdam ko ay hindi naman talaga ito kailangan ni ama. Hindi niya kailangan nang espiya at gumawa lamang siya nang dahilan upang ipadala ako rito, malayo sa mga taong handing tumulong sa akin. Napahiga na ako sa aking kama at pagkaraan lamang nang ilang saglit ay nagpasakop na ako sa kadiliman dahil sa pagod ngayong araw na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD