Pagkatapos kumain ay sinamahan ko nang magligpit si Aling Maya. Nagsimula na akong kuhanin ang mga plato ngunit ganoon ring ang ginawa ni Vaughn. Nagkatinginan kami at hinayaan ko na lamang siyang kuhanin ang mga natirang plato at nauna nang sumunod kay Aling Maya sa kusina kung saan siya naghuhugas. Kung tutuusin ay kaya niya naman itong gawin gamit ang kaniyang mahika ngunit mas gusto kong tumulong kahit sa ganitong paraan lamang upang mabayaran ko ang utang na loob ko sa kaniya.
Nang mailagay ko na ang mga napagkainan sa lababo ay pinulot ko ang panghugas at sabon ngunit bigla na lamang itong lumutang sa ere na siyang ipinagtaka ko. Napatingin naman ako kay Aling Maya na tatlong hakbang lamang ang layo sa akin at nagaayos nang kaniyang mga sangkap sa cabinet. “Aling Maya, maghuhugas po ako ng pinagkainan.” Wika ko habang nakatingin sa kaniya dahil pinapanood ko ang kaniyang gagawin.
“O sige iho, nandiyan naman ang panghugas pati na rin ang sabon.” Wika niya nang hindi tumitingin sa akin. “Ayon nga po, pinalutang niyo po ang gagamitin kong panghugas at ang sabon, paano po ako makakahugas.” Napansin ko namang napatigil siya at dali daling tumingin sa akin. Nakita niya naman ang mga gamit na nakalutang sa itaas nang aking ulo at napatingin sa kaniyang apo.
Sinundan ko naman ang kaniyang tingin at napansing nakaangat na ang sulok nang labi ni Vaughn at mukhang tuwang tuwa sa nangyayari. “Vaughn, iho, ibaba mo na ang mga iyan at magtungo ka na lamang sa iyong kwarto upang magpahinga. Hunt, iho, doon ka muna sa kabilang kwarto pansamantala.”
Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Vaughn, kaya niya ring magpalutang nang mga bagay bagay? Kung gayon ay iisa lamang ang kapangyarihan nila? Ngunit sabi ni Aling Maya na ang totoong kapangyarihan niya ay ang maggamot nang mga malulubhang sakit. Hindi ko maintindihan, ilang kapangyarihan ba ang meron ang mga nilalang na ito? Bakit pakiramdam ko ay hindi ko sila lubusang kilala? Bakit nga ba talaga ako napadpad rito?
Napahilot ako sa aking ulo nang sumakit ito dahil sa dami nang aking mga katanungan. Bigla bigla namang nahulog ang mga gamit at saktong tumamapa ito sa aking ulo kung kaya’t mas kumirot ito. Napatingin ako sa kaniya nang masam ngunit nginisihan niya lamang ako at tumalikod na upang pumasok sa kaniyang kwarto. Napabuntong hininga na lamang ako at sinimulang hugasan ang mga pinagkainan naming tatlo.
Nang matapos ako ay dumiretso na ako sa pinakagitnang pintuan sa dulo nang bahay dahil doon na muna ako ngayon ayon kay Aling Maya. Pagkapasok ay napansin kong pareho lamang ang istilo at disenyo nang kwartong tinitirhan ko kung kaya’t hindi ako masyadong nanibago. Ganoon rin ang kulay nang kuwarto kung kaya’t nagtataka ako kung kanino ba ang kuwartong ito. Sa pagkakaalam ko ay dalawa lamang silang nakatira rito.
Umupo ako sa kama upang magpahinga at pagkatapos noon ay dumiretso ako sa banyo upang maligo at magbihis. Hindi pa rin nawawala ang pagkirot nang aking ulo kaya’t napagpasyahan ko na lamang na matulog na agad kaysa magbasa at magaral pa ngayong gabi. Nahiga na ako sa kama at nagdasal n asana ay mawala na ang kirot nang aking ulo.
Kinabukasan ay tinanghali ako nang gising sa hindi ko malamang dahilan. Pagkabangon ko ay hindi na masyadong kumikirot ang aking ulo hindi katulad kagabi na siyang ipinagpasalamat ko. Naligo at nagbihis ako sa banyo bago lumabas sa kuwartong tinutulugan ko. Nadatnan ko namang nagluluto na ng tanghalian si Aling Maya ngunit hindi ko mahanap si Vaughn.
“O, mukhang napasarp ang tulog mo iho, gutom ka ba? May pagkain riyan kung gusto mo.” Nakahanap ako nang isang pirasong tinapay na hula ko’y mula kaninang agahan. Kinuha ko ito at nagpasalamat bago lumabas nang bahay. Napalanghap ako nang sariwang hangin pagkatapak ko sa labas nang bahay. Pakiramdam ko ay mas guminhawa ang aking pakiramdam nang dahil sa simoy nang hangin. Naglakad ako papunta sa gilid kung nasaan ang mga alagang hayop at nagsimulang kainin ang tinapay na kinuha ko sa loob.
Pagkapasok sa loob nang kamalig ay napansin kong may mga pagkain na ang mga alaga ni Aling Maya. Mukhang maaga niyang pinakain ang mga ito ngayon. Nang mapadako ang aking tingin sa isang bahagi ay napansin kong wala roon si Max, aalis n asana ako upang tawagin si Aling Maya at ipaalam ang tungkol dito ngunit naalala ko si Vaughn. Malamang ay siya na ang nagpakain nang mga alagang hayop ni Aling Maya at siya rin ang kumuha kay Max.
Napabuntong hininga ako dahil balak ko pa naman sanang maglibot muli sa loob nang kagutan gamit si Max. Lumabas ako sa kamalig at naisipan kong magjogging na lamang papasok sa gubat bilang parte na rin nang pageensayo. Sinimulan ko ito sa pagwawarm-up sa may paligid nang bahay ni Aling Maya. Nilibot ko ito nang ilang beses bago ako pumasok sa kagubatan upang simulan ang aking pageehersisyo.
Nakalayo-layo na ako kung kaya’t naisipan kong tumigil muna saglit upang magpahinga, kabisado ko ang parteng ito nang gubat dahil ilang beses na rin akong napadpad sa gawing ito kasama si Max. Nahiga ako sa damuhan at hinayaang maging normal ang aking paghinga. Hindi naman ako nasilaw sa sinag nang araw dahil matataas naman ang mga puno sa kagubatang ito. Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako habang nagpapahinga.
Nagising ako mula sa aking pagkakaidlip at napansin kong hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Sa pagkakaalala ko ay nasa kagubatan ako malapit sa bahay ni Aling Maya ngunit hindi ganito ang itsura noon. Mas malalaki at matataba ang mga puno rito kumpara sa kagubatan sa likurang bahagi ng bahay ni Aling Maya. Kung gayon nasaan ako? Papano ako napadpad dito?
Nagsimula akong maglakad upang maglibot libot, nagbabakasakaling makahanap ako nang tao na mapagtatanguan ko kung nasaang bahagi ako nang kagubatan. Hindi pa man ako nakakalayo nang mapansin ko ang isang babae nakaupo sa isang malaking bato. Kulot at mahaba ang paalon niyang tsokolateng buhok. Nakadamit rin siya nang itim at mukha siyang isang reyna dahil sa pananamit niya at sa postura nang kaniyang pagkakaupo.
Lumapit ako rito upang magtanong nang direksyon pabalik sa kagubatan o kung saan mang malapit sa bahay ni Aling Maya. Hindi ko kabisado ang kanilang mundo at wala rin akong alaala kung kaya’t mas mabuti na lamang na bumalik ako roon hanggang sa bumalik ang aking mga alaala. Nakatalikod ang babae kaya’t hindi ko makita ang kaniyang mukha ngunit batid kong maganda ito.
“Pasensiya na po, ngunit matanong ko po sana kung saang parte ito nang kagubatan? Kailangan ko na po kasing buamlik sa amin.” Magalang na wika ko at dali dali naman itong humarap sa akin. Napakaganda ng kaniyang mukha, mataas ang kaniyang pisngi, itim at umiilaw ang kaniyang mga mata na mas maliwanag pa sa pagkinang ng mga katulad ni Aling Maya, pulang pula rin ang kaniyang labi. Napatitig lamang ako sa kaniyang kagandahan dahil ngayon ko lamang siya nakita.
Ngunit pakiramdam ko ay ilang beses ko na siyang nakasama hindi ko lamang alam kung saan, marahil ay kasama ito sa mg amemoryang nawala sa akin. Napahakbang ako patalikod upang bigyan siya nang distansiya. Nakatitig lamang siya sa akin at napansin kong walang emosyon ang kaniyang mukha.
“Pasensiya na po, bago lamang ho kasi ako rito kung kaya’t hindi ako sanay sa pasikot sikot nang kagubatang ito.” Hinintay ko ang kaniyang pagsasalita ngunit nakatitig lamang talaga siya sa akin. Napapisil ako sa tuktok nang aking ilong at napapikit, mukhang hindi niya masasagot ang aking katanungan.
Yumuko ako upang magbigay galang at tumalikod upang magahanap nang iba pang matatanungan. Nakakailang hakbang pa lamang ako nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Napakahina lamang ito ngunit batid kong sa kaniya galing ang mga salitang iyon.
“Hunt.” Napatigil ako sa paglakad at lumingon sa kaniyang gawi. Sa ngayon ay nakatayo na siya at lumapit sa kinaroronan ko ngunit wala pa ring kahit anong ekspresyon ang makikita sa kaniyang mukha. Naramdaman ko naman ang malakas na pwersang nanggaling sa kaniyak ung kaya’t napahakbang ako palikod. Mukhang reyna nga siya ang isang kaharian.
Nang isang hakbang na lamang ang agwat sa pagitan naming ay nagkatitigan lamang kami nang ilang sandal. Hindi mapagkakailang napakaganda at napakalakas nang reynang ito. Hindi kaya, ito ang reyna nang kaharian nila Aling Maya?
Napabalik ako sa reyalidad nang hawakn niya ang aking noo. Napaigtad pa ako dahil sa lamig nang kaniyang mga kamay at pagkaraan nang ilang sandali ay naramdaman ko ang malamig na pakiramdam sa aking isipan. Hinehele ako nito kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniyang gusto.
Nakatitig lamang ako sa kaniyang mga mata ngunit pakiramdam ko ay nasa loob na siya nang aking isipan at mukhang may ginagawa o inilalagay siyang mahika rito. Nais kong makawala sa hawak niya ngunit maski ang paggalaw nang aking daliri ay hindi ko magawa. Pinanood ko na lamang ang balak niyang gawin sa akin.
Napakaraming kuwarto ang makikita mula sa aking isipan. Iba’t ibang kulay at iba’t ibang tingkad ang mga ito. Napanisn kong karamihan sa mga ito ay kulay grey at itim. Kinabahan ako nang tumigil siya sa isang parte nang aking isipan, ito ang pinakamadilim sa lahat. Walang kahit anong ilaw ang mayroon rito ngunit batid kong isa rin itong kuwarto katulad nang iba. Hinawakan niya ito at dali dali namang bumukas ang pinto. Bigla nalang naglaho na parang bula ang itim na usok na siyang nagsisilbing kandado sa aking isipan.
Dali dali namang bumalik ang aking mga alaala at pinapanood ko ito nang isa isa itong lumitaw sa harapan nang aking mga mata. Hindi ako makapaniwalang bumalik na sa wakas ang aking mga alaala. Napangiti ako nang makita sina Hermes, Aprhotdite at Apollo sa mga alaala ko. Nandoon rin si Hecate pati na rin si Thanatos.
Ilang sandal pa lamang ay unti unting nawala ang aking ngiti nang maalala ko ang ginawa sa akin ni ama bago ako makarating sa mundo nang mga Fae. Sinadiya niya akong patamaan nang kaniyang kapangyarihan, nais niya akong patayin. Ngunit bakit? Anong kasalanan ang aking nagawa?
Nais ko lamang ang gawin lahat ng kaniyang utos upang makita niya ako bilang isang mabuti at masunuring anak. Sinunod ko ang bawat utos at batas niya. Nakita ko ring lumabas sa aking mga alaala ang mga panahong pinaparusahan niya ako dahil sa mga walang kwentang bagay. Napailing na lamang ako at unti-unting umusbong ang galit mula sa akin.
Hindi ko maintindihan. Ano bang mali? Ano ba ang kulang? Siguro ganoon lamang kasakim ang aking ama kung kaya’t pati sarili niyang anak ay nais niyang patayin at ipatapon sa mundong kinaayawan niya. Kung tutuusin, siya lamang ang may ayaw sa mga Fae ngunit natutunan ko rin silangkamuhian dahil sa kaniyang mga pinagsasabi at pinapakita sa akin mula bata pa ako. Ngayon hindi ko na alam kung ano ang aking mararamdaman pagkatapos nang aking mga nalaman.
Muli ko nang naigalaw ang aking katawan at nawala na rin ang mahika sa akin nang babaeng lagging nagpapakita sa aking mga panaginip. Nagkatitigan kami nang ilang sandal bago ako humakbang nang isang beses palikod.
“Salamat sa tulong mo.” Wika ko sa malamig na tono, ngayong bumalik na ang mga alaala ko ay hindi ko na alam kung papaano itutuloy ang aking buhay. Maninirahan pa rin ba ako kay Aling Maya o babalik na ako sa Underworld?
“Don’t go back to Underworld yet. You were given a mission here; you need to finish that first.” Napatitig ako nang matagal sa kaniya dahil hindi ko alam kung susundin ko ba ang kaniyang payo matapos niyang pasukin ang aking isipan kanina ay napagtanto kong makapangyarihan nga siya.
“Why would I do that?” Napangisi naman siya sa tanong ko.
“Why would Hades try to kill you, if not to get you out of his way?” Napaisip naman ako sa kaniyang sinabi. Bakit nga baa ko balak patayin ni ama? Nais ba talaga niyang mawala ako sa kaniyang landas? Ngunit bakit? Napapisil na lamang ako sa tuktok nang aking ilong at napapikit.
“Where would I go then?” Ngumiti siya na para bang natutuwa siya sa mga pangyayari sa aking buhay.
“Stay where you are staying. You need to learn the history of this kingdom, and by then you’ll know why you are being sent here.”
Napaisip ako sa kaniyang sinabi, tutal naman ay hindi na muna kao makabalik sa Underworld dahil sa ginawa nang aking ama, ay mukhang mas mabuti na lamang na gawin ko ang dapat kong gawin kung bakit ako naparito sa Fae World.
“Remember Hunt, you need to unravel everything. Including yourself.”
Unti unti nang natunaw ang mundong kinagagalawan naming. Sinubukan ko pang hawakan ang babae dahil nais ko pa sanang tanungin ang kaniyang pangalan ngunit tumagos lamang ang aking mga kamay sa kaniyang katawan. Nilamon na rin ako nang kadiliman pagkatapos nang ilang sandali.
Nagising akong naghahabol nang aking hininga at napansin kong nandoon pa rin ako sa gubat kung saan ako nakaidlip kanina. Pababa na rin ang sikat nang araw at palagay ko’y malapit nanang maggabi. Napahawak ako sa aking ulo nang kumirot ito. Doon ko lamang naalala ang lahat nang nangyari sa panaginip ko.
Napatitig ako sa aking mga kamay nang maalala kong isa akong diyos. Napahinga ako nang malalim at unti unting tinawag ang aking kapangyarihan. Naguluhan naman ako nang wala akong maramdaman na kung ano. Maski ang aking reserved power ay wala, papaano nangyari iyon?
Inulit kong muli ngunit wala talagang nangyayari. Nagsimula akong mainis at tinitigan lamang ang aking mga kamay. Mukhang hind inga talaga ako makakabalik nang Underworld hangga’t hindi bumabalik ang aking kapangyarihan.
Napatitig ako sa damuhan nang maalala ang ginawa ni ama sa akin bago ako nakatawid rito sa Fae World. Dali dali akong napatayo nang mapagtanto kong nadamay ang aking kapangyarihan sa kaniyang ginawa. Maski ang pagtawag sa ibang diyos ay mahirap gawin dahil mukhang nagkaroon nang pinsala ang aking God Form sa pagsalo nang kapangyarihan ni ama.
Kaya niya ito itinutok sa aking puso ay upang mawala ang aking koneksyon bilang isang diyos.
Napailing iling na lamang ako dahil hindi ko naisip na kaya itong gawin ni ama. Mukhang kailangan ko na lamang pagtiisan ang buhay na mayroon ako ngayon kasama sina Aling Maya at si Vaughn. Naisip ko rin ang sinabi nang babae sa aking panaginip. Wala talaga akong magagawa kung hindi ang gawin ang aking misyon dito sa mundong ito. Napabuga ako nang hangin dahil mukhang matagal tagal pa ang pagbabalik ko sa kaharian nang aking ama. Sisiguraduhin kong magiging malakas ako pagdating nang panahong iyon.