CHAPTER 14

2043 Words
Pagkaraan nang ilang lingo ay ganoon lamang palagi ang aking ginagawa. Paggising ay maliligo at magbihis, lalabas nang kuwarto at papanooring magluto nang almusal si Aling Maya, pagkatapos noon ay tutulungan siyang magligpit, papakainin ang mga alagang hayop, didiligan ang mga halaman at mamimitas nang mga bung anito, sasamahan magluto nang gabihan si Aling Maya at matutulog.    Habang lumilipas ang mga araw ay mas bumabalik na ang aking lakas at resistensiya. Napansin kong bumabalik na rin ang mga nawala kong bigat kung kaya’t kahit papaano ay nagsimula na akong magehersisyo at muling ibalik ang aking katawan sa dati kahit pa man hindi ko pa ito maalala. Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang aking mga alaala ngunit tinutulungan naman ako ni Aling Maya upang mas mapabilis ang pagbabalik ng mga ito.    Masaya naman ako kahit papano habang naninirahan dito dahil mas nakikilala ko si Aling Maya, pakiramdam ko ay siya na ang tumayong lola ko habang nandirito ako. Hinahayaan niya rin akong gawin ang mga nais kong gawin katulad na lamang ang pagsakay sa kabayo at paglibot nang gubat na nakapilig sa aming tirahan. Nalaman kong Max pala ang ngalan nang kabayo at pagmamayari daw ito nang kanyang apo.   Napagalaman ko ring napakatanda na pala ni Aling Maya, siya ay lumagpas na sa taong 400 na siyang ikinagulat ko. Mahaba raw talaga ang buhay nang mga Fae na katulad niya at madalas ay umaabot ito hanggang isang libo. Ngunit hindi naman sila immortal, hindi katulad nang ibang mga nilalang. Nagsimula rin akong magaral nang paggawa nang mga gamut at mga spells habang nandito pa ako dahil tiyak kong mas makakabuti ito sa aking lagay.   Habang nageehersisyo ako upang bumalik ang hugis nang aking katawan ay may nakita akong isang wolf na kulay puti na kasing laki nang isang kabayo. Napakaganda nang balahibo nito dahil mukhang kumikinang ito kapag natatapat sa araw. Napansin kong naglalakad ito palapit sa bahay kung kaya’t iniwan ko ang aking mga gamit at naglakad papunta sa harapan upang harangin ito sa pagpasok.    Mukhang nagulat naman ito at dali daling napatigil sa kanyang paglalakad. Nakatingin lamang ito sa akin at napansin kong kulay berde na may halong ginto ang kanyang mga mata. Parang nakita ko na ang mga mata na ito ngunit hindi ko maalala kung saan. Matagal kaming nagtitigan at nagsusukatan nang tingin, hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay kaya kong lumaban, na marunong akong lumaban.   Sabay kaming umabante paharap nang hindi inaalis ang tingin sa isa’t isa. Pakiramdam ko ay kilalang kilala nang aking katawan ang gumamit nang armas at nang mahika kung kaya’t sinubukan kong buksan ang aking mga palad. Napatingin naman ang wolf sa aking mga kamay at ganoon rin ang aking ginawa, nguit wala akong naramdaman na kahit ano mula rito at wala rin akong nakita. Napakunot ang aking noo, mukhang normal na tao lamang ako bago ako mawalan ng mga alaala.   Muli kong iniangat ang aking paningin at napansing nandoon pa rin ang wolf at muling nakatingin sa akin. Humakbang ako at ganoon rin naman ang kanyang ginawa. Maya maya lamang ay paikot na aming ruta habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa isa’t isa. Nakalayo na rin kami kahit papaano sa bahay ni Aling Maya kung kaya’t nagpapasalamt ako sa bagay na iyon.   Tumigil kami at handa na sanang makipaglaban nang marinig ko ang boses ni Aling Maya sa aking likuran.   “Hunt, Vaughn, nako nan dyan lamang pala kayo mga apo.” Sabay kaming napatingin ng puting wolf sa kanya, may dala siyang basket at sa palagay ko ay magsisimula na dapat siyang mamitas nang mga bunga sa kanyang hardin. Kilala niya ba ang hayop na ito? Isa kaya ito sa mga alaga niya?   Napatingin akong muli sa hayop na nasa aking harapan, napakadaming alagang hayop naman ni Aling Maya at pati ito ay sa kanya rin. Mukha rin itong kakaiba, saan kaya niya ito napulot, isip isip ko.   “Halina kayo, pasok na tayo sa loob, mukhang pareho kayong pagod. Mabuti naman at nagkita na kayo.” Masayang wika ni Aling Maya, kinakausap niya ba talaga ang wolf na ito? Nagsimula na kaming maglakad papasok ngunit may distansya pa rin ang pagitan namin nang hayop na ito.   Pagkapasok ay umupo ako sa hapagkainan at hindi inalis ang tingin sa wolf na nasa may sala. Pumasok si Aling Maya sa isa sa mga kwarto at kumuha ng blanket bago ito inilagay sa katawan nang hayop. Napakaswerte naman pala nang hayop na ito, ganito rin kaya ang ginawa ni Aling Maya noong nakita niya ako?   Nagulat na lamang ako nang bigla-biglang magkaroon nang liwanag ang kabuoan nang hayop. Halos masilaw ako kung kaya’t napapikit ako at napatakip sa aking mga mata. Pagkawala nang liwanag ay dali dali kong binuksan ang aking mga mata at hinanap ang hayop sa sala ngunit isang tao na ang nakatayo roon.   Ipinihit ko ang aking ulo upang hanapin ang wolf na kani-kanina lamang ay nasa may sala ngunit hindi ko na io mahanap. Nang maibalik ko ang aking mga mata ay napansin kong nakatingin sa akin ang lalaking balot ng blanket at mayroon siyang kulay berde na may halong ginto na mga mata. Napatitig ako roon dahil iyon ang mga mata ng wolf kanina, kung gayon siya iyong wolf?   Napapihit ako kay Aling Maya nang mapagtanta ang bagay na iyon at napansin ko namang nakangiti siya sa lalaki at nang mapatingin sa akin ay natawa ito marahil dahil sa nakita niyang ekspresyon sa aking mukha.   “Hunt, ito nga pala ang aking apo, si Vaughn. Siya ang madalas kong nakwekwento sayo. Apo, ito naman ay si Hunt, tinulungan ko siya isang araw dahil malubha ang kanyang kalagayan.” Nakangiting wika ni Aling Maya. Hindi makapanwalang napatingin naman akong muli sa lalaki.   Siya si Vaughn? Kung ganon ay kaya niyang maging isang hayop? Ito ba ang kapangyarihan niya? Naguguluhan ako ngunit ipinagsawalang bahala ko muna ito nang mapansin kong nagsimulang maglakad ang lalalking nagngangalang Vaughn sa kwartong tinutuluyan ko.    “Aling Maya, siya ba iyong hayop kanina na kulay puti?” Tanong ko habang sinusundan siya sa kusina. Napatingin siya sa akin at napangiti tsaka nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Ipinitik niya ang kanyang mga kamay at nagsilutang naman ang mga kaldero at lumapit sa pwesto niya. Nasanay na rin ako sa paggami niya nang mahika kug kaya’t parang wala na ito ngayon.    “Oo, iho. Ang mga katulad ko ay kayang magiba nang anyo bilang isang hayop. Parte ito nang aming kakayahan.” Napanganga naman ako dahil sa aking nalaman, bakit wala akong nabasang ganito tungkol sa kanila? May mga libro si Aling Maya na siyang hinihiram ko upang makapagaral ako kahit papaano pagkatapos kong tumulong sa mga gawain.   “E bakit ikaw, hindi ka naman nagiiba.”sabi ko pagkabawi nang aking gulat. Mukhang napakamakapangyarihan pala nang mga katulad niya. Kaya nilang magibang anyo at mayroon pa silang mahika. Samantalang ako, normal na tao lamang wala pag alaala. Napailing na lamang ako sa aking naisip.   Nagulat naman ako nang tumawa siya kung kaya’t napakunot ang aking noo. Anong nakakatawa sa tanong ko? Narinig niya ba ang sinabi ko sa aking isipan?    “Kaya kong maging paro-paro iho. Hindi mo lamang ako napapansin ngunit nakakasama mo ako minsan kapag naglalakbay ka kasama si Max.”    Lumaki ang aking mga mata nang maalala ko ang isang pangyayari.   Tuwang tuwa ako habang nakasakay kay Max at mabilis siyang tumatakbo papasok sa gubat. Pakiramdam ko ay palagi ko itong ginagawa sa nakaraang buhay ko dahil sanay na sanay akong sumakay nang kabayo.    “Hiyaaa!” Sabay palo ko kay Max at mas binilisan naman nito ang kanyang pagtakbo. Halos ilang oras na rin kaming paikot ikot sa may gubat kung kaya’t bumaba muna ako at hinila si Max papunta sa isang batis.    Napakalinaw nang tubig at hindi rin ito gaanong malalim. Hinayaan kong uminom nang tubig mula rito si Max at napaupo naman sa mga bato sa gilid nito. Napakapayapa nang kapaligiran at napakapresko nang hangin.    Habang nasa ganoong pwesto ay may napansin akong kulay puti na paro-paro na lumilipad sa ulonan nni Max. Napakaganda nito at napalaki rin. Nakakamangha talag ang mga bagya na nakikita ko rito sa mundong ito, pakiramdam ko ay ngayon ko lamng ito nakita lahat.    Lumapit ang puting paro-paro at napansin kong may halong asul ang kanyang pakpak. Dumako siya sa aking balikat at ipinikit ko naman ang aking mga mata upng agpahinga.    Muli akong napatingin kay Aling Maya pagkatapos kong maalala ang puting paro-paro sa kagubatan. “Ikaw iyon?” wika ko habang nakaturo pa sa kanya na siyang ikinatawa niyang muli bago siya tumango.   Hindi ko aakalaing kaya nilang maging isang hayop, napakamisteryoso naman nang mga nilalang na ito. Napapisil ako sa aking ilong dahil mukhang delikado ang mga nilalang na katulad nila.   Muli akong naglakad at umupo sa may hapagkainan at sakto namang lumabas si Vaughn mula sa kwarto nang nakadamit. Mukhang naligo siya dahil basa ang kanyang buhok. Nagkatinginan kami at napatigil naman siya bago muling naglakad at umupo sa tapat ko. Apt na tao lamang ang kasya sa mesa kung kaya’t nakaupo kaming dalawa sa makabilang gilid.   Iniiwas ko ang aking paningin mula sa kanya at pinanood na lamang si Aling Maya na magluto. May lumipad na isang baso na may lamang tubig ang siyang nadatnan ko at nakita ko naman si Aling Maya sa gilid na kinokontrol ang lahat upang mas mapabilis ang pagluluto niya.   Pagkatapos magluto ay pinanood ko pa rin siyang dalhin ang mga pagkain sa mesa. Nauna siyang maglakad habang nakaluto naman ang mga plato at sumusunod mula sa kanyang likuran. Wala yatang araw na hindi siya gumamit  nang mahika tuwing magluluto.    Tahimik lamang kaming kumakain t nang nasa kalagitnaan na ay tumikhim si Aling Maya upang agawin ang aming atensyon at mabawasan ang tensyon sa pagitan namin ni Vaughn. “Napadalaw ka yata Vaighn iho? Kamusta naman?”   Nagpatuloy lamang ako sa pagkain nang hindi inaangat ang aking paningin ngunit bukas naman ang aking tenga sa kanilang paguusap.   “Galing ho kasi ako sa kabilang bayan at dahil tapos naman na aking trabaho ay muwi na lamang ako rito upang makapagpahinga. Napatango tango naman si Aling Maya.     “Wala bang bagong balita mula sa kapitolyo?”   Napabuntong hininga naman si Vaughn kung kaya’t napakunot ang aking noo. Mukhang may problema ang kahairan na ito, isip isip ko.   “Hindi pa rin nahahanap ang mga taong pumatay at kumuha sa ilang mga mahahaling alahas at gamit na pagmamay-ari ni Haring Peter. Sa palagay namin ay may tumutulong sa mga ito mula sa ating kaharian. Kailangan lamang namin malaman kung sino ito.”   Matagal na katahmikan ang nangyari bago muing nagtanong si Vaughn. Kumuha ako nang tsokolateng biskwit dahil tapos na akong kumain nang hapunan. Napakasarap talagang magluto ni Aling Maya. Hindi ko mawari ang dahilan kung bakit marahil dahil sa gumamit siya nang kanyang kapangyarihan kung kaya’t ganito ang lasa o dahil lamang ito sa tagal niyang nagluluto ay saulado na niya ito. Kahit alin man doon ay nageenjoy akong kumain sa mga pagkaing gawa niya.   “Ikaw lola, kamusta?” Naramdaman ko ang pagtingin ni Vaughn sa akin pagkatapos niyang magtanong at tumagal ito nang ilang sandali bago nawala ang kanyang paningin sa akin. Ako lang ba o talaganag matalas ang aking pakiramdam?   “Ayos lamang ako, nahanap ko itong si Hunt sa kabilang dulo nang ilog noong isang buwan at lubha siyang nasugatan. Akala ko pa noon ay hindi na siya mabubuhay dahil sa dugong nawala sa kanya. Ngunit hanggang ngayon ay hindi niya maalala ang kanyang nakaraan.” Napabuntong hininga si Aling Maya dahil sa aking lagay. Pati ako ay nalulungkot dahil sa sinabi niya, nais ko lamang bumalik ang aking mga alaala nang malaman ko kung ano nga ba talagang nangyari sa akin at bakit ako napadpad dito.   Hindi naman umimik muli si Vaughn at napatuloy na lamang sa pagkain. Papano kaya ang magiging buhay ko ngayong bumalik na si Vaughn? Sana lamang ay bumalik na ang aking mga alaala dahil sabik na akong malaman kung ano nga ba talaga ang nangyari sa akin. May nakalaban ba ako? May naging kasalanan? Napakahirap mamuhay nang walang kalam alam sa mga nangyari at nangyayari. Napabuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD