CHAPTER 13

1547 Words
Nagising ako kinabukasan at unti unting bumangon mula sa aking kama. Naramdaman kong kahit papaano ay kaya ko nang maglakad nang dahan dahan kung kaya’t nagtungo ako sa banyo. Pagkalabas ay nagtungo ako sa kabinet na nasa loob nang kuwarto at kinuha ang mga damit na nakalagay sa isang malaking bag na ipinakita ni Aling Maya kahapon. Nang maisuot ay napansin kong maluwag ito ng kaunti sa akin marahil ay dahil sa nawalan ako nang bigat dahil sa nangyari. Kung gayon ay mukhang sa akin nga ang mga ito.     Pagkatapos magayos ay dahan dahan akong naglakad palabas sa kuwartong tinutuluyan ko at kumapit sa ding ding upang hindi mawalan nang balanse. Naamoy kong muli an mabangong amoy sa hangin at kumalan ang aking sikmura ung kaya’t napahawak ako roon. Sinundan ko ang amoy na iyon at dinala ako sa kusina kung saan nakita kong nagluluto ng agahan si Aling Maya. Napansin kon gawa sa kahoy ang karamihan sa mga kagamitan dito sa loob ng bahay. Ang kalahati ng dingding ng bahay ay gawa sa bato samantalang ang kalahati hanggang sa bubong naman ay gawa sa kahoy.    Mataas ang bubong ng bahay at mayroon din itong fireplace sa may sala. Napansin ko ring may dalawa pang pinto sa tabi ng pintong nilabasan ko kanina. Konti lamang ang mga kagamitan sa buong bahay ngunit ramdam mo pa rin ang pagiging komportable nitong tirahan. Magkatabi lamang ang sala at ang hapagkainan sa isang parte ng bahay habang sa kabilang parte naman ang malawak na kusina. Napansin ko ang maraming mga halamang sa isang gilid ng kusina. Nakalagay ito sa isang kabinet at punong puno ito nang mga garapon na may halaman. Mukhang ito ang mga kasangkapan ni Aling Maya sa panggagamot.   Napansin naman na ako ni Aling Maya pagkaraan nang ilang saglit at iginiya niya ako sa may hapagkainan. Pinanood ko siyang magluto at magikot ikot sa kanyang kusina. Nakakamanghang alam na alamniya ang kanyang bahay dahil kahit saan niya magtungo ay may kinukuha siya mula rito. Inilibot ko ang panignin ko sa sala. Mayroon itong isang mahabang sofa at dalawang maliit sa isang gilid may fireplace sa gitnang dulo nito katapat ang mahabang sofa.   May nakita akong mga litrato na nakalgay sa mga kahoy sa itaas ng fireplace. Ang iba ay si Aling Maya, purong ginto pa lamang ang kanyang buhok at mukhang ito ang kanyang litrato noong siya ay dalaga pa lamang. Karamihan ay ang litrato ng isang lalaki, ginto rin ang kanyang buhok at kulay berde na halong ginto naman ang kanyang mga mata. Mayroong litrato noong bata pa lamang siya, noong siya ay nakauniporme nang may hindi pamilyar na logo at noong siya ay nakasuot ng berde na damit sa itaas at ibaba.mukhang ito ang sinasabi ni Aling Maya na apo niya.   Pagkaraan nang ilang saglit ay natapos nang magluto si Aling Maya at dali dali niya naman itong inihain sa hapagkainan. Nais ko sana siyang tulungan ngunit ginamitan niya ako ng mahika at pinilit na maupo lamang sa aking kinauupuan. Pagkahain ay sabay kaming kumain nang agahan. Tinapay na may halong kamatis at karne sa loob, isang sabaw na may mais at gatas, at tsaka tsokolateng inumin ang nakahanda sa aking harapan ngayon. Dali dali ko namang itong tinikman at hindi nga ako nagkamaling masarap ang lasa ng mga ito.     “Dahan dahan lamang iho, hindi ka mauubusan.” Natatawang sabi niya at dahil sa hiya ay sinunod ko naman ito. Mukhang mas ginaganahan ako kapag nakakakain kung kaya’t mas gusto ko pang kumain ng marami kahit na pakiramdam ko ay busog na ako. “Nilagyan ko ng mahika ang mga iyan upang mas mapabilis ang iyong paggaling at bumalik ang iyong memorya.” Wika ni Aling Maya habang humihigop siya nang kanyang sabaw.   Napatigil naman ako sa pagsubo nang marinig ang huli niyang sinabi. Ano nga ba talaga ang nangyari sa akin bago ako napunta rito? Sino nga ba talaga ako? Ang dami dami kong mga katanungan [atungkol sa aking sarili at dahil dito ay unti unti namang sumakit ang aking ulo. Huminga ako nang malalim at binitawan ang mga katanungan sa aking isipan. Balang araw ay masasagot rin ang mga iyon, sana lamang ay mas mapabilis ito.   Pagkatapos kumain ay hinayaan naman akong maglibot ni Aling Maya sa labas ng kanyang bahay. Pagkalabas ng pinto ay halos masilaw ako sa sinag nang araw na tumama sa aking mukha. Mukhang indi ako sanay sa ganitong klase ng liwanag. Inilibot ko ang aking mga mata at napansin kong napakatingkad nang kulay nang buong kapaligiran. Parang buhay na buhay ang mga puno at halaman dahil sa ganda at kulay nang mga ito. Napansin kong may mga tanim na halaman sa harap at gilid si Aling Maya. Dito niya marahil kinukuha ang kanyang mga kasangkapan sa panggagamot at pagluluto.   Naglakad ako nang dahan dahan papunta sa gilid nang bahagi nang bahay at napansin kong may mga alaga pang mga hayop ang matandang kumopkop sa akin. Mukhang mahilig sa pananim at mga hayop si Aling Maya. Wala akong nakitang ibang kabahayan kung kaya’t naisip kong magisa lamang sa parteng ito ng gubat ang matanda. Sa dulo ng kamalig ay nakita ko ang ilog na sinasabi ni Aling Maya kung saan niya ako nakita. Lumapit ako rito at napansin kong puro kakahuyan rin ang dulong parteng nang kabila nito. Kung gayon saan ako nanggaling?   Bumuntong hininga ako at bumalik sa harapang bahagi ng bahay kung saan may mga bulaklak at umupo sa damuhang sahig. Napakapayapa nang kapaligiran, hindi na kataka-taka kung bakit ayaw umalis ni Aling Maya rito. Napakalami rin nang simoy nang hangin at napakapresko pa. Huni lamang ng mga ibon at nang ibang mga hayop ang maririnig. Ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang oras.   “Mukhang nageenjoy ka rito sa aking garden iho.” Wika ni Aling Maya mula sa aking likuran kung kaya’t dali dali akong napamulat ng aking mga mata. Tumango ako sa kanya at ngumiti. “Gusto mo ba akong tulungan sa pagaalaga nang mga hayop at halaman?”   Napaisip ako sa kanyang sinabi at tumango bago tumayo at sumunod sa kanya. Wala naman akong gagawin kung kaya’t naisip ko na lamang ang tumulong bilang kabayaran na rin sa pagaaruga at pagpapatuloy niya sa akin sa kanyang bahay. Naglakad kami papunta sa kamalig at binuksan niya ito. Nang makapasok ay napansin ko ang mga hayop katulad na lamang ng kabayo, baboy, kambing, tupa, baka at manok.wala namang kakaiba sa mga ito kung kaya’t hindi ako nagalangang hawakan ang mga hayop. Una kong nilapitan ang kabayo, hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay mahilig ako sa kabayo. May nakita akong isang tima na naglalaman ng mga karot at kumuha ako roon ng isa bago nagtuloy sa kinalalagyan ng puting kabayo. Pinakain ko ito tsaka hiawakan ang kanyang ulo na siyang ikinatuwa niya.    “Mukhang mahilig ka rin sa mga hayop, Hunt iho.” napatinginako sa kanya at ngumiti ng kaunti dahilhindi ko alam kung totoo ba ang kanyang sinabi. Napabuntong hininga ako dahil pakiramdam ko ay malaking parte sa aking pagkatao ang nawala nang mawala ang aking mga alaala. Lumapit naman ako sa ibang mga hayop at binigyan sila nang makakain. Pagtapos noon ay binigyan ako ng isang timba ni Aling Maya at sabay kaming lumabas upng magtungo sa ilog. Mula rito ay nagigib kami ng tubig para sa inumin ng mga hayop at pandilig sa mga halaman.   “Ang mga halamang ito ay tinatawag na lavender. Mabisa ito bilang isang pampatulog. Iyan ang isang sangkap na ginagamit ko kapag gumagawa ako ng sleeping potions.” Napahawak ako sa aking ulo nang sumakit ito dahil sa kanyang sinabi at pakiramdam ko ay narinig ko na ito dati. Napapikit ako nang wala sa oras ngunit pagkaraan ng ilang saglit ay bigla na lamang nawala ang pagpitik sa aking ulo.   Nagpatuloy kami sa pagdidilig ng mga halaman at pagkatapos noon ay namitas kami ng mga sangkap mula sa kanyang garden. Hawak hawak ko ang basket kung saan inilalagay ang mga napulot ni Aling Maya na mga halaman. Itinuturo niya rin sa kin ang mga halamang iyon at hindi na muling sumakit pa aking ulo. Hindi ko na rin ito sinabi sa matanda upang hindi na siya magalala pa.   Pagsapit nang hapunan ay tinulungan ko naman siyang magluto kahit na pakiramdam ko ay nanuod lamang ako sa kanyang mga pinaggagawa buong oras. Hindi ko rin maiwasan ang mamangha dahil sa paggamit niya ng mahika habang nagluluto. Gumagalaw magisa ang kutsara na nasa kaldero at umiikot ito upang haluhin ang sabaw. Ang kutsilyo naman ay gumalagaw upang hiwain ang mga carrots at patatas tapos ay bigla bigla na lamang itong lilipad sa ere at mapupunta sa kalderong may kutsara. Si Aling Maya naman ang tagalagay ng mga sangkap dahil pakiramdam ko ay mas gusto niya itong gawin.   Nang matapos ay sabay muli kaming naghapunan at pinanood ko siyang muli na magligpit bago kami sabay na pumasok sa aming mga kwarto. Naglakad ako papunta sa pinakaunang pinto sa kanang parte habang sa pinakadulo naman sa kaliwang parte si Aling Maya. Tinanguan niya ako bago siya pumasok sa kanyang silid at pinanood komuna ang pagsara ng pintuan bago ako pumasok sa sariling kong kwarto. Humiga na ako at muling nagpahinga, nagbabakasaling bumalik na ang aking mga alaala bukas.         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD