CHAPTER 12

1234 Words
Nagising ang aking diwa nang may maamoy akong masarap sa simoy ng hangin. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at pakiramdam ko ay napakatagal ko nang nakatulog. Hinang hina rin ang aking pakiramdam na para bang sinuntok ako ng napakaraming beses. Ano bang nangyari?   Inilibot ko ang aking tingin at napansin kong nasa isang bahay ako na gawa sa kahoy. Maliit lamang ang kwarto. Tanging isang kabinet, upuan at mesa, at ang kama lamang ang laman nito. May dalawang pintuan rin akong nakita na hula ko ay pintuan palabas at pintuan para sa banyo. Nais ko sanang bumangon ngunit daliri lamang ng aking mga kamay at paa ang aking naigagalaw.   Napitingin ako sa bintana at napansin kong puro puno lamang ang nakikita ko mula rito. Napabuntong hininga ako sa aking isipan dahil maski ang ganito ito ay parang ikauubos ng aking lakas. Ipinikit kong muli ang aking mga mata at maya maya lamang ay narinig ko na ang yapak ng isang tao. Bumukas ang pintuan at hindi ko alam kung magtutulog-tulgan ba ako o imumulat na aking mga mata. Mas lumakas rin ng amoy kung kaya’t kumalam ang aking sikmura.   “Alam kong gising ka na, pwede mo nang imulat ang iyong mga mata.”   Sinunod ko naman ang nais niya dahil mukhang mas maigi ngang gawin iyon. Napansin kong isa tong matandang babae na may ginto at puting bahok. Kulay asul ang kanyang mga mata na parang nagliliwanag at patusok ang kanyang tainga. Anong uri ng tao ito?     “Napansin kong hindi kita kauri kung gayon ay tatanungin kita, anong klase ka ng tao? Papaano ka napadpad rito?”   Maski ako ay hindi alam ang sagot sa kanyang mga katanungan. Pakiramdam ko ay may nangyari sa akin kung kaya’t ganito ang aking sinapit ngunit hindi ko maalala kung ano iyon. Nakatingin lamang ako sa kanya dahil wala naman akong masabi. Napabuntong hininga siya at inilagay ang tray na my pagkain sa mesa katabi ng kamang hinihigaan ko. Kinuha niya rin ang isang upuan at inilagay ito sa tabi ng kama at doon umupo.   “Ano nalang ang iyong pangalan?”   “Hunt.”mahinang bulong ko at hindi ko sigurado kung narinig niya iyon. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang salitang iyon . Bigla bigla na lamang itong lumabas sa aking bibig. Wala akong maalala kung kaya’t hindi ko alam kung iyon ba ang aking  pangalan o mayari iyon ng taong may kasalanan sa akin. Nakita ko namang tumango tango siya at kinuha ang bowl na may pagkain at pati na rin ang kutsara. Sinimulan niya akong subuan at pakiramdam ko ay ngayon lamang ako nakatikim ng ganoong klase ng pagkain. Kakaiba, napakalasa.    Pagkatapos noon ay pinainom niya ako ng tubig at muling umupo ng maayos at tinignan niya lamang ako. Ibinalik ko naman ang kanyang tingin sa akin at pagkaraan ng ilang saglit ay nagtanong siyang muli.   “Anong ginagawa mo rito?”nagkibit balikat lamang ako sa kanyang tanong dahil maski ako ay hindi alam ang sagot dito. Nagkaroon ako ng kaunting lakas dahil sa pagkain at pakiramdam ko ay ilang araw na lamang at babalik na muli ang aking buong lakas. Napatango tango naman siya sa aking sagot at mukhang naniniwala siya sa akin.   “Dalawang linggo ka ng walang malay. Nahanap kita sa may ilog malapit rito at napansin kong lubha kang nasugatan at mukhang malapit ka ng bawian ng buhay kung kaya’t dinala kita rito sa aking tahanan at ginamot.”   Dalawang linggo? Napakatagal naman iyon, mukhang lubhang nasugatan nga ako kung ganoon katagal bago ako nagising. Ano ba talagang nangyari? Bakit wala akong maalala?   “Ako nga pala si Aling Maya, isa akong healer ng mga fae. Nandito ka ngayon sa greenwoods kung saan matatagpuan ang mga healers ng kaharian. Ikinagagalak kong makilala ka, Hunt.” Nakagiting wika niya. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng galit nang banggitin niya ang salitang fae. At tulad kanina ay hindi ko alam kung ano ang dahilan noon. Napabuntong hininga ako, sana lamang ay bumalk na aking alala sa mga susunod na araw.   “O siya, maiwan na muna kita upang makapagpahinga ka ng maayos. Babalikan na lamang kita rito bukas.”tinanguan ko sya at bumalik na sa pagtulog upang mas mabilis mabawi ang aking lakas.   Kinaumagahan ay nakayanan ko ng igalaw ang aking katawan ngunit hindi pa ako tuluyang makatayo at makalakad dahil sa panghihina. Nakaupo ako sa aking kama nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Aling Maya dala ang kanyang tray na may lamang pagkain.   “O mabuti naman at kaya mo ng bumangon. Heto, dinalhan kita ng pagkain. Kumain ka na muna.”inilapag niya ang tray sa aking hita at nakita ko naman ang isang pagkain na may sabaw, isang tinapay, tatlong hiwa ng mansanas at tubig. Sinimulan ko nang higupin ang sabaw habang mainit pa ito. Tulad kahapon ay namangha ako sa lasa ng pagkain, mukhang ito na ang pinakamasarap na pagkaing natikman ko. Dali dali ko namang inubos lahat dahil sa gutom at narinig ko namang tumawa si Aling Maya.   “Mukhang gutom na gutom ka.”   “Masarap ho, salamat.”tinanguan niya lamang ako at kinuhang muli ang tray at inilapag ito sa mesa. Pagkaupo ay ipinitik niya ang kanyang kamay at bigla bigla na lamang lumitaw ang mga gamit na ngayon ko lamang nakita. Nakalutang ito sa hangin at mukhang kontrolado ito ng matanda. Namangha ako at pinanood ng mabuti ang mga pangyayari. Inilapag niya ito sa sahig at gamit muli ang kanyang mahika ay kinontrol niya ang mga ito upang ilabas ang laman. Napansin kong puro lamang ito mga damit at isang patalim na kulay itim at ginto. May ahas na disenyo ito sa hawakan at napakaganda ng pagkakagawa.   Napatingin naman ako pabalik sa matanda at napansin kong nakatingin lamang siya sa akin. “Sa iyo ang mga ito, nakita ko ito ilang dipa ang layo mula sa iyo kung kaya’t naisip kong sa iyo ito.”   Napatingin akong muli sa mga kagamitan at mukhang kapareho ko nga ng sukat ang mgga damit na iyon ngunit hanggang nagyon ay hindi ko pa rin maalala kung talaga nga bang sa akin ang mga ito. Dahan dahang lumutang ang mga kagamitan at lumipad ito patungo sa aking kama. Isa isa ko silang hinawakan at naramdaman kong napakaganda ng telang ginamit sa mga damit. Mukhang mamahalin rin ang mga disenyo nito kung kaya’t alam kong isang makapangyarihang tao ang may-ari nito. Posible bang isa akong makapangyarihang tao?   Iinalik ni aling Maya ang mga kagamitan sa loob ng bag at itinabi ito sa kabinet. Napansin ko ring walang kalaman laman ang kabinet kung kaya’t napakunot ang aking noo. Hindi niya ba kwarto ito? Kung hindi, kanino?   Mukhang napansin niya naman ang ekspresyon n g aking mukha at muling sinagot ang aking katanungan. Hindi ko alam kung talaga bang halata ang aking mga tanong sa aking mukha o nakakabasa talaga siya ng isipan.   “Magisa ko lamang sa bahay na ito. Pagmamay-ari ito ng apo ko ngunit nandoon na siya sa kaptolyo at isa nang heneral. Minsan lamang siya umuwi kung kaya’t sa iyo muna ang kwartong ito. Aalis na ako at babalik ako mamaya upang dalhan kang muli ng pagkain. Magpahinga ka lamang dyan.”   Wika niya at umalis na pagkatapos magsara ang pintuan. Narinig ko pa ang kanyang mga yapak bago ako muling humiga at nagpahinga.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD