CHAPTER 11

1371 Words
I could not believe what I just heard. A what? Commander? You got to be kidding me.    Tinignan ako ng seryoso ni Hecate na para bang sinasabi ng kanyang mga mata na seryoso siya. Napapikit naman ako at napapisil sa tuktok ng aking ilong.   First, I need to go there, in the Fae World, my enemy’s world. Second, i’ll be staying there for I don’t know how long. Now, i’ll be disguising as a commander? I’m a prince, Prince of the Underworld and I could not imagine myself being a lowly commander for my enemy’s kingdom. This is really getting absurd.   “Why do I need to do that?”   “You need to know everything, the history, culture and the people of the kingdom. What more effective role than being a commander from a small village?”   Hindi ko maiwasan ang mainis dahil hindi man lang ito sinabi sa akin ng aking ama. Ang alam ko lamang ay magiging espiya ako ngunit hindi ko naman aakalaing maninirahan ako doon at magiging commander pa. Naramdaman ko na unti unting kumalat ang aking kapangyarihan palabas sa aking katawan. Alam kong masama ito dahil baka mas lalo akong mawalan ng control kung hindi ko agad ito hahawakan.   Napabuntong hininga ako dahil mukhang kailangan ko na talagang tanggapin ang pagbabago sa buhay ko sa mga susunod na araw at linggo. From being a prince to a mere lowly commander.     “Now pick up that lavender. Cut it from its stem, and be careful, you don’t want to ruin the flower itself. That is good for making a sleeping potion.”   Nagsimula na kaming mamulot at gumawa ng mga potions na kailangan ko para sa aking misyon. Nang matapos na kaming mamulot at makagawa ng mga ito ay pinuntahan ko si Luke, ang aking kabayo. Hindi ko alam kung ilang linggo ako magtatagal sa kabilang mundo kaya kailangan kong magpaalam sakanya.   “Hi there, Luke!” Wika ko sa aking ascalon horse at hinawakan ang kanyang nguso. Napangiti naman ako ng dilaan niya ang aking kamay kung kaya’t binigyan ko siya ng dalawang pirasong carrot. Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa aking kwarto at inayos ang mga damit na kailangan kong dalhin, hindi ko alam kung ganito ba ang mga damit nila sa Fae World kung kaya’t konti lamang ang aking inimpake.   Sinamahan naman ako ni Aphrodite at siya ang namili ng iba ko pang mga pwedeng dalhin. Hindi kami nagsasalitang apat sa loob ng aking kwarto. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin at mukhang ganoon rin sila sa akin.   Pagkatapos noon ay muli kaming naupong apat sa harapan ng mesa kung saan nakabukas ang libro. Napabuntong hininga ako at muling sinimulan ang pagbabasa. Nasa kalagitnaan na kami ng pagbabasa ng biglang basagin ni Hermes ang katahimikan.   “You’re going back here to update Hades from time to time right?”   Tumango lamang ako sa kanya nang hindi siya tinitignan at nagpatuloy na sa pagbabasa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil ito ang kauna-unahang beses na lalabas ako sa Underworld. Kahit sa mundo ng mga tao ay hindi pa ako nakatapak. Napabuntong hininga na lamang ako. Sana lamang ay maging mabilis at matagumpay ang misyong ito.   Kinabukasan ay sinundo akong muli ni Thanatos sa aking kwarto papunta sa private library ni ama. Mukhang doon ako magteteleport papuntang Fae World.   “Don’t forget to contact us when you are in trouble cousin.” Wika ni Hermes at umakbay pa sa akin habang kinukuha ko ang aking mga gamit. Napairap na lamang ako sakanya dahil hindi ko magagawa ang gusto niya. May barrier ang buong Underworld at ang Olympus kung kaya’t mahihirapan akong kumonekta sa kanila kahit pa isa akong diyos.   “Don’t be stupid Hermes. Hunt never failed in his missions, did forgot about it?”Irap ni Aphrodite sa kanyang kapatid na siyang tinawanan naman ni Apollo.   “Besides, Hunt is stronger than you.” Dagdag pa ni Apollo at nginisihan ko naman ito. Mukhang nagsisimula nanaman silang magasaran. Napailing na lamang ako, kahit kailan talaga ang tatlong ito.   Nagsimula na kaming maglakad papunta sa private library ni ama sa ibabang parte ng palasyo. Kasama ko pa rin ang tatlo dahil gusto daw nila akong makitang umalis ng Underworld kaya hinayaan ko na lamang sila sa gusto nila. Pagkarating doon ay hinarang ng mga guwardiya sina Hermes, Aphrodite at Apollo.   Ano na naman kayang trip ito? Napakunot ang aking noo at lumapit sa mga guwardiya.” They are with me,.” Mabilis na sabi ko ngunit wala tong epekto sa kanila at hindi man lang sila umalis sa kanilang mga pwesto. Napaigting ang aking panga dahil doon.   “The prince of the Underworld is talking to you, goblin. You should answer him with respect.” Sabi ni Thanatos nang mapansin niyang nainis ako sa ginawa nung guwardiya. Ano ba kasing trip nito at humaharang pa sa daan?   “Pasensya na po Mahal na Prinsipe, utos po ito ni Kamahalan. Kayo lamang daw po ang pu-pwedeng pumasok sa silid na ito.” Nanginginig na sabi nya at dali daling gumilid at yumuko. Napabuntong hininga ako dahil mukhang hindi nila mapapanood ang aking pagalis. Tinignan ko na lamang sila at nagkibit balikat.   Napabuntong hininga naman si Aphrodite, samantalanag napa-iling naman sina Apollo at Hermes. Dali dali naman akong yinakap ni Aphrodite bilang pamamaalam. Narinig ko pa ang mumunting hikbi niya na siyang ikinatawa ko. Hindi naman ako mamamatay pero parang ganoon na ang iniisip niya.   Nagtapikan naman kami ng likod nina Hermes at Apollo. Nginitian ko silang lahat bago ako tumingin kay Thanatos at tinanguan siya. Huminga ako ng malamin bago ko pinihit ang siradura ng pinto at pumasok. Habang sinasara ko ang pinto ay tinanguan ko sila sa huling beses at nagsimulang maglakad papasok.   Nakaupo si ama sa isa sa mga long sofa ng kanyang private library sa gitnang bahagi ng silid. Dumiretso ako roon at yumuko upang magbigay galang. Napansin kong may hawak siyang baso na ang laman ay gintong inumin, ambrosia. Inilapag niya ito sa mesa at pinaupo ako sa katapat na upuan.   Iniwan ko muna ang aking mga gamit sa gilid at umupo sa kanyang tapat. Binigyan niya ako ng isang basong ambrosia na siya namang tinanggap ko at ininuman. Napakatamis ng lasa ito para sa isang diyos, kung kaya’t ito ang palagi naming iniinom. Kinokonsidera rin itong alak para sa mga diyos dahil sa epekto nitong nakakaadik.   Nasa ganoon lamang kaming sitwasyon ni ama nang bigla nitong basagin ang katahimkan.   “Are you ready, son?”   Nagulat ako dahil ngayon niya lamang ako tinanong ng ganitong bagay. Simula ng bigyan niya ako ng misyon ay hinahayaan niya akong umalis agad ng wala man lang kahit anong babala, pakiramdam ko ay iba ang mangyayari ngayon.   “Ready as I’ll ever be” sagot ko at inubos ang ambrosia bago inilapag ang baso sa mesa sa pagitan namin ni ama. Tumayo si ama kung kaya’t sinundan ko siya at naglakad papunta sa dulong bahaging parte ng silid.   Naglabas ng malaking enerhiya si ama mula sa kanyang mga kamay at gumawa ng lagusan sa may dingding. Itim na itim ito at ramdam na ramdam ko ang lakas ng kapangyarihang nanggagaling dito. Napalunok ako dahil parang hinihigop ako nito papasok kung kaya’t medyo napalayo ako.   Iginiya niya ako sa may portal at huminga akong malalim bago binuhat ang aking mga gamit at tsaka naglakad palapit. Napatigil ako ng tatlong hakbang na lamang ang aking agwat mula sa portal.   Napatalikod ako upang muling tignan si ama ngunit nagulat na lamang ako ng may energy ball na ang papunta sa akin at nakadirekto ito sa aking puso.   Tinignan ko si ama at napansin kong wala siyang reaksyon man lang. Huli na ang lahat at dali daling tumama ang energy ball sa tapat ng aking puso at nakaramdam ako sobrang hapdi sa parteng iyon. Pakiramdam ko ay nabutas ang aking balat at inalis ang aking puso. Nalasahan ko rin ang mapait at lasang bakal sa aking bibig na alam kong dugo. Bakit ganoon? Nais ba akong patayin ng aking ama?   “So long, Hunt.” Huling bagay na narinig ko mula kay Hades bago ako hinigop ng portal at nawalan ako ng malay.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD