CHAPTER 10

1122 Words
Hindi ko alam kung nasaan ako, pakiramdam ko ay nakapunta na ako rito ngunit hindi ko maalala kung kailan.    Noong una ay puro lamang itim ang makikita sa buong lugar ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay unti unting nagkaroon ng kulay ang lugar.    Nagsimulang magkaroon sa may paanan ko, napansin kong d**o ito na sobrang tingkad ng kulay. Hindi rin pantay pantay ang taas ng mga damong ito. Pataas ng pataas, nang lumaon ay nagkaroon na rin ng mga puno na sobrang taas nagsisilbi na itong panangga sa araw.    Maya maya lamang ay may naririnig na akong mga hayop na pagala pagala sa buong lugar. Nasaan ba ako? Hindi ko maalala kung ko ito nakita.    Napatingin ako sa langit at doon ko napansin ang mapusyaw na kulay nito. Hindi rin ganoon kaliwanag ang sinag ng araw ngunit hindi rin naman ganoon kadilim dio sa tinatayuan ko.    Nagsimula akong maglakad, nagbabakasaling may mahanap akong makakatulong sa akin. May nakita akong usa na kulay puti, nakakamangha ang pagkaputi nito.    Naglakad lakad pa ako hanggang sa mapadako ako sa isang ilog. Napakalinaw ng tubig nito. Lumapit ako roon at sinawsaw ang aking kamay, malamig ang tubig.    Pagangat ng aking tingin ay napansin ko ang isang babae sa gitnang bahagi ng ilog at nakalutang ito. Nakatalikod ito sa akin at hindi korin siya matignan ng dirtso dahil nakaksla ang liwanag na inilalabas ng kanyang presenya.   “Who are you?” Wika ko habang inililihis an aking tingin ng hindi masilaw sa liwanag.    Pagkaraan ng ilang saglit ay napansin kong nawal na ang liwanag at nakita kong nakatalikod sa akin ang babae. Pamilyar na pamilyar na sa akin ang  tsokolate, mahaba at paalon alon na buhok. Lagi siyang nagpapakita sa akin simula pagkabata.    Napabuntong hininga ako dahil sa aking nalaman, hanggang kailan ba siya bibisita sa aking panaginip? Hindi ko talaga maintindihan kung para saan ito.    Unti unti siyang humarap sa akin at nagulat ako dahil sa unang pagkakataon ay nakita ko a ang kanyang mukha. Pakiramdam ko ay nakita ko na ang kanyang mukha noon ngunit pagkagising ko ay nakakalimutan ko ito.    Napahakbang ako palikod dahil lumapit siya sa akin habang nakalutang.nakasuot siya ng kulay berdeng gown na sumasayad sa tubig ng ilog. May halong ginto sa mga outline ng damit at napaganda ng telang ito. Napakaganda niya, kasing ganda niya ang mag diyos at diyosa. Mukha rin siyang elegante, mukha siyang reyna, sino ba talaga siya?   “Hello dear.” Napakatamis sa pandimig ng kanyang boses. Napansin kong kulay itim ang kanyang mga mata at parang nagniningning ito.    “Who are you?” Tanong kong muli dahil mukhang kilalang kilala na niya ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.    “I told you, I am you.” Ngumiti siya ng napakatamis. Hindi ko mapigilan ang mainis dahil sa kanyang sagot. Anong klaseng sagot yon? Siya ako?   Mukhang napansin niya naman ang ekspresyon ng aking mukha kung kaya’t tumayo siya ng maayos. Napansin kong nagsisimula nang matunaw ang mga puno at ang langit. Inilibot ko ang aking paningin at unti unti na ngang natutunaw ang mndong ito, nasaan ba kasi ako?   “Soon” huling sabi niya bago ako nilamon ng kadiliman.    Napamulat ako ng aking mata dahil sa panaginip na iyon. Talaga bang ipinakita na niya sa akin ang kanyang mukha? Napabangon ako ng aking ulo at napansin kong nandoon pa rin ako sa mesa at nakapatong lamang ang aking ulo sa libro.   Hindi ko namalayang nakatulog pala ako dahil sa pagbabasa. Inilibot ko ang aking paningin at nakita kong katabi ko pa rin si Apollo na mukhang nakatulog rin sa upuan niya. Si Aphrodite at Hermes naman ay pareho ding tulog sa kani-kanilang mga upuan.   Tumayo ako at dumiretso na sa may bathroom upang maligo, kailangan ko pang maghanda paa sa gagawin ko sa Fae World.   Pagkatapos kong magbihis at magayos ay dali dali akong lumabas sa bathroom at pumunta sa mesa kung nasaan ang aking maskara at isinuot ito.   Pagkalabas ay napansin kong hindi pa ganoon kaliwanag sa labas, ibig sabihin lamang noon ay maaga pa. Napabuntong hininga ako at nagsimulang maglakad. Hindi pa ganoon karami ang mga tao sa buong palasyo dahil maaga pa naman.   Nang mapadaan ako sa may garden ay nakita ko si Cerberus. Pumito akao gamit ang aking kamay upang tawagin ito. Nang mapansin ako dali dali namang tumakbo ang aso ni ama na may tatlong ulo.   “Hey there, big guy” isa isa kong hinawakan sa ulo ang aso at tuwang tuwa naman siya sa aking ginawa. Napabungisngis ako dahil doon, gustong gusto talaga nila ang pinepet sila. Pinulot ko ang isang malaking stick na kagat kagat ng isang ulo ng Cerberus at itinapon ito ng sobrang lakas. Dali dali rin naman itong hinabol ng aso kung kaya’t napailing ako ng aking ulo habang nakangiti.   Nagsimula na ulit akong maglakad papunta sa cottage ni Hecate upang humingi ng mga payo at potion spells sa bago kong misyon. Nang makarating doon ay napansin kong nasa kalagitnaan siya ng isang ritual kung kaya’t hindi ko na lamang muna siya nilapitan at pinanood na lamang sa malayo.   Mayroong nakaguhit na mukhang bituin na may anim na sulok sa may lupa at sa bawat sulok nito ay may isang kandila. Napansin ko rin ang isang kutsilyong may dugo sa dulo ang nasa paanan ni Hecate.   Nakalutang naman si Hecate sa labas ng bituin at mayroong dalawang energy ball sa kanyang kamay. Isang itim at isang grey.   Nagbabanggit rin siya ng spell na nasa latin. Napakabilis nito ngunit kahit papaano naman ay naiitindihan ko. Ginagawan niya ng curse ang isang mortal, ano kaya ang naging kasalanan niya kay Hecate at kailangan pang umabot sa ganito.   Napailing na lamang ako at hinintay siya hanggang sa matapos at tsaka pa lamang ako lumapit sa kanya. Nakatalikod siya sa akin ngunit alam kong kanin aniya pa naramdaman ang aking presensya.   “I see you are really going.”   Hindi ko maintindihan ang tono ng kanyang boses, wala itong kaemoemosyon na siyang nakakapanibago sa akin. Buong buhay ako ay isa sa mga kasama ko si Hecate, at palagi siyang malambing sa akin. Napabuntong hininga ako dahil maski ako ay ayaw ko rin naman itong gawin.   “Father sent me, I need potions and tips if you have.”   “I’ll help you gather and make some potions since you’ll be staying there for a long time.” Naguluhan ako sa kanyang sinabi. For a long time? Hindi naman nabanggit ni ama na magtatagal ako roon.   Mukhang napansin rin naman ni Hecate ang aking pananahimik kung kaya’t humarap siya sa akin at ipinaliwanag ang dapat kong malaman.   “You’ll stay there and be a commander for a Fae Kingdom, Hunt. A perfect spy for Hades.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD