CHAPTER 9

1349 Words
“You will go to the Fae World.” Mahabang katahimikan ang namayani sa amin ni ama. Nakatingin lamang ako sa kanya at ganoon rin naman siya sa akin, hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin ngunit mukhang iyon lamang talaga. Ako? Ipapadala niya sa Fae World? This is impossible! I hate Faes as much as I hate their World and now, my father wanted me to go there? Tumikhim ako upang mabasag ang katahimikan. Baka trip niya lang naman akong magmasid doon. Ngunit bakit ako? Napakadami naming tauhan para ibigay sa akin ang misyong ito. Hindi naman ito ganoon kaimportante sa pagkakaalam ko. “Why?” Tinignan niya muna akong maigi bago muling nagsalita. “I want you to be a spy, for me. For the Underworld.” “A spy? But Father, I am not made to spy.” Naglakad siya papunta sa isang bookshelf sa pinakadulo at pinanood ko naman siya habang naghihintay ng kanyang sagot. Gusto niya akong maging espiya? Para saan? Naguguluhan talaga ako sa desisyon ng aking ama. May nangyari ba kung kaya’t ganito na lamang ang kanyang pasya? Pagkaraan ng ilang saglit ay bumalik na siya dala ang isang librong kasing kapal ng lamesa niya ngunit binubuhat niya ito na parang kasing gaan lamang ito ng unan. Ipinatong niya ito sa mesa na sakto sa harap ko. Nabasa kong “Fair Folks” ang titulo ng librong ito. Para saan naman ito? Magaaral akong muli? E buong buhay ko yan inaral dahil palagi itong kasama sa mga aral ni ama. “There is a strange activity in the Fae World, I want you to know more about it. Some Faes are also crossing here in the Underworld, I want you to stop that.” Strange activity? That really caught my attention. I usually love challenges and surprises, no wonder my father assigned me here since I know he knew about it as well. “Since when are they crossing here Father?” Halos dalawang lingo na magmula ng ako ay magising ngunit wala naman akong naririnig na ganitong balita mula sa mga pinsan ko at pati na rin kay Hecate. Kakalat rin naman siguro itong balitang ito sa mga mamamayan kung kaya’t maririnig ko rin iyon. Magmula nang mangyari ang kaganapan sa aking kaarawan ay pakiramdam kong sobrang dami na ang nagbago. Hindi ko rin maiwasan ang pagkainis dahil dito. “Since you were sleeping or dead, or whatever the Fates called it. Now I want you to take this and be ready. You are going in two days.” Ibinagsak niya ang libro sa aking hita at bumalik sa kanyang upuan upang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa bago pa man ako makarating dito. Tinignan ko ang libro at napairap na lamang ng mata. Ayaw na ayaw ko pa naman ang magbasa. Tumayo ako at binuhat ang makapal na libro. Nagulat pa ako ng sobrang gaan ng anito, hindi mo aakalaing ganito ito kagaan dahil sa kapal nito. Nagteleport ako sa aking kwarto upang basahin ang librong ito. Pagkarating doon any napansing kong nandoon ang tatlo kong pinsan at kumakain na naman sila ng kung ano ano. Lumapit ako sa kanila at ibinagsak ang librong hawak ko. Halos mitumba naman ang lamesa dahil sa bigat ng libro na siya naming ikinakunot ng aking noo. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman ganoon kabigat iyon nang buhatin ko. “What the hell Hunt! Can’t you see we are eating?” Tumayo pa si Aphrodite at dali-dali niya akong hinawakan sa aking kwelyo. Isa sa mga ayaw niya ay iniistorbo siya sa kanyang pagkain kung kaya’t ganyan na lamang ang kanyang reaksyon. Ngunit hindi ako nagpatalo at tinignan rin siya ng napakadilim. “This is my room, Aphrodite. In case you forgot.” Mahina at mababang sabi ko pagkatapos ay inalis ko ang pagkakahawak niya sa aking kwelyo. Humarap ako sa dalawa at tinignan ang kanilang kinakain. Sushi, mahilis talaga ang tatlong ito sa pagkain ng mga tao. “Now, why are you here?” Nagdabog naman si Aphrodite sa aking ginawa at wala siyang nagawa kung hindi ang bumalik na lamang sa kanyang upuan. Ang dalawang lalaking pinsan ko naman ay ngumunguya pa kung kaya’t hindi nakasagot agad. Napairap ako ng mata dahil sakanila. Pakiramdam ko mas matanda pa ako sa kanila kahit kabaliktaran naman talaga noon ang katotohanan. Pinanood kong pulutan ni Apollo ang isang tissue at pinunasan ang kanyang nguso. “We are here to eat, Hunt. Kaso wala ka dito so we did the honors.” Sabi niya. Nagsalubong naman ang aking kilay dahil sa walang kwentang  sagot niya. Pumunta sila dito para lamang kumain? Mukha bang cafeteria itong kwarto ko? “Besides, I know you are going somewhere again. Can tell us where?” Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Hermes. Sa lahat ng diyos at diyosa na kilala ko, siya ang pinakamabilis sumagap ng ganitong mga balita. Hindi ko alam kung parte ba ito ng kanyang kapangyarihan o atalagang mdaldal lamang siya. “At saan mo naman nalaman yan Hermes?” Wika ni Aphrodite na bumalik sa pagkain at mukhang hindi na siya bad mood sa ginawa kong pambubulabog ng kanyang pagkain kanina. Napansin niya naming nakatingin ako sakanya kung kaya’t nagalok siya ng isang california maki sa akin na siyang tinanggihan ko naman. “Nakasalubong ko si Hecate kanina. Syempre nakausap ko siya at nabanggit niya iyon. Tapos nakita ko rin itong si Apollo at si Aphrodite na papunta dito kaya sumunod na rin ako.” “You have a new mission?” Napatango naman ako sa tanong ni Aphrodite. Kahit sumusubo siya ng ilang pirasong sushi ay napakaganda niya pa rin. Napatingin naman ako kay Apollo ng kalbitin niya ako. “Where to? Asphodel?” “Fae World.” “Fae World lang naman pala e.” Pagkaraan ng ilang saglit ay sabay sabay silang napatingin sa isa’t isa at tumingin sa akin. Nakaangat pa ang mga kutsara at chopsticks nila na parang naudlot ang pagkuha nila ng pagkain dahil sa aking sinabi. “What?!” Malakas na sigaw nila at sabay sabay pa. Mukha ba itong sabayang pagbigkas kung tawagin sa mundo ng mga tao? Napailing na lamang ako sa aking anisip, mukhang naiimpluwensyahan talaga ako ng tatlong ito. Tumango naman ako dahil ayaw kong magexplain sakanila. Sabay sabay naman silang napatingin sa librong binagsak ko kanina. “So, it is real” Hindi makapaniwalang sabi ni Aphrodite na siyang tinanguhan ko naman. Alam din nila kung gaano ko kinaayawan ang mga Fae, ganoon rin naman ang tingin nila kay ama. Kinuha ko ang isang upuan at mukha sa tabi ni Apollo. Pinitik ko ang aking kamay at dali dali naming nawalan ang laman ng lamesa except na lamang sa librong ibinagsak ko kanina. “Father told me to read this and be ready. I’ll be leaving in two days.” “Woah! That fast? Hindi ka man lamang ba pwedeng humindi?” Tinignan ko si Hermes bago umiling. Kinuha ko ang libro at binuklat ito. Unang pahina pa lamang ngunit puro Fae na ang makikita. Napabuntong hininga ako dahil mukhang sinusubukan ako ng aking pasensya. Lumapit naman ang tatlo kong pinsan upang makibasa sa libro. Ang totoong itsura ng mga fae, sa mga lesser Fae ay mukha silang multo dahil sobrang putla nila. Mahaba ang kanilang mga tenga at patusok ang dulo nito. Kadalasan ay kulay asul at berde ang mga mata nila. Ang mga higher Fae naman ay mukhang tao. Magaganda at makikisig sila ngunit mahaba at patusok pa rin ang kanilang mga tenga. Kaya rin nilang magglamour upang itago ang kanilang Fae features katulad na lamang ng pagconceal namin sa aming God form. “You’re going all by yourself?” Pambabasag ni Apollo sa katahimikan habang kami ay nagbabasa ng libro. Sinasamahan nila ako at nagpapasalamat naman ako dahil doon. Tumango ako sakanyang tanong. Sanay naman na akong gawin ang aking mga misyon ng magisa kung kaya’t hindi na ito bago sa akin. Ngunit ngayon lamang ako aalis ng Underworld. Napabuntong hininga ako dahil mukhang dito na magsisimula ang panibagong kabanata ng aking buhay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD