“Now gradually spread the darkness all over the forest. Slowly, Hunt.”
I followed every instruction Hecate is giving me. I can feel my powers grow day by day, so I intend to master it fully. Mahirap ng mawalan ng control, lalo na kapag nasa misyon ako.
Speaking of misyon, hanggang ngayon ay wala pa ring pinapagawa sa akin si ama. I must admit I feel happy about it and kind of sad as well, I miss being useful. Sa mga misyon ko lamang nararamdaman na may silbi ako kay ama.
Hindi ko alam kung ganon din ba ang tingin niya sa akin, na talagang ginagamit niya lamang ako o kung binibigyan na niya ako ngayon ng kalayaan.
“Hunt! I said gradually, not instantly.”
Napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang boses ni Hecate. Nageensayo nga pala kami ngayon malapit sa cottage niya. Isa itong gubat, ang gubat na lagi ko ring pinupuntahan kapag ako ay nageensayo.
Inilibot ko ang aking tingin at napansin ko nga na nakakalat ang aking kapangyarihan sa halos kabuoan na ng kagutan.
Dali dali ko itong tinigil at hinugot pabalik sa akin. Habang mas lumalakas ang aking kapangyarihan ay pahirap naman ito ng pahirap na controlin.
Tama nga yung kasabihang ‘great power comes with great resnsibility’. Napabuntong hininga ako at pinisil ang tuktok ng aking ilong.
Pakiramdam ko ay bumik ako sa pagkabata dahil hindi ko na naman kabisado ang aking kapangyarihan. Mas lumawak na ang sakop ng aking kapangyarihan. Kung dati ay kaya ko lamang gumawa ng ilusyon, ngayon ay kaya ko na itong gawing katotohanan.
Kaya ko na ring pasukin ang isip ng isang tao gunit kapag ginagawa ko ito ay sumasakit ang aking ulo. Patunay na hindi ko pa ito nagagamay. Isa pa aking kapangyarihan ay ang total darkness, na siyang pinakamalakas sa lahat.
Ito ngayon ang kinokontrol namin si Hecate dahil pwede kong kontrolin at patayin ang aking mga kalaban gamit lamang ang usok na kasing dilim ng Tartarus.
“You okay Hunt?”
“Yes, I’m fine. I’m just frustrated about my new powers. I feel so powerful and dumb at the same time.”
Napabuntong hininga ako dahil hindi ako sanay magmukhang mahina. Karamihan ay natatakot sa akin dahil sa aking galing ngunit dahilsa mga bagong kakayahan ko, pakiramdam ko ay bumalik ako sa pinakauna.
“You don’t need to rush things Hunt. You have all the time in the world. Why are you so afraid? You are a God, an immortal.”
“It just does not feel right Hecate. I used to be so powerful…”
“But you are, you still are.”
Napabuntong hininga siya. Siguro nga tama siya, ngunit ayaw ko lamang ng ganitong pakiramdam. Hindi ako sanay maging mahina at walang kaalam alam.
“Let’s start again, shall we?”
Tumango naman ako at pumikit muli. Ngayon ay mas nagpokus ako sa hawak kong kapangyarihan. Kailanan ko itong bitawan ng dahan dahan tulad ng utos ni Hecate.
“Very good. You’re doing fine Hunt, keep doing that.”
Unti unti kong kinalat ang aking kapangyarihan sa buong kagubatan at ng maramdaman kong konti na lamang ang hawak kong kapangyarihan ay humuhugot akong muli ng panibago sa source of power ko.
Nang masiguro kong nasakop na ang buong kagubatan ng aking kapangyarihan ay binuksan ko na ang aking mga mata. Nagulat pa ako dahil sobrang dilim ang kapaligiran.
Pagkaraan ng ilang saglit nakita ko na ang mga puno at mga halaman. Nangunot pa aking noo dahil dito ngunit naisip kong parte ito ng aking kapangyarihan.
Namangha ako dahil napakaastig tignan ng kagubatan sa ganitong bersyon. Pakiramdam ko ay mayroon akong night-vision glasses dahil malinaw na malinaw sa akin ang mga halaman.
Kontrolado ko ang aking kapangyarihan kay hanggang ngayon ay buhay pa rin ang mga hayop at halaman na nasakop ng aking kadiliman. Pagtingin ko sa aking harapan ay napansin ko si Hecate. Nakangiti siya sa akin kung kaya’t dahan dahan ko nang binawi ang aking kadiliman.
“Well done, Your Highness. You area fast learner.”
“Not fast enough, I suppose.”
“It is still fast.”
Nginitian niya ako na siya namang ginantihan ko rin. Humabang ako palapit sa kanya dahil alam ko ng may susunod pa siyang ipapagawa sa akin.
“Okay, this time let us try you mind reading ability. I want you to…”
Nagulat na lamang kami ng biglang lumitaw na tao sa pagitan naming dalawa. Mabilis kong kinuha ang aking kapangyarihan at gumawa ng energy ball. Napansin ko rin ang kapangyarihang hinugot ni Hecate at inilagay sa kanyang kamay.
Pagkaraan ng ilang sandali ay nagpakita sa amin si Thanatos. Ang kanyang itim na pakpak ay nakatupi pa rin at nakasuot pa rin siya ng peplos, ang damit ng mga diyos. Dahan dahan ko namang ibnalik ang aking kapangyarihan at tumayo ng maayos.
“Seriously Thanatos? In between us? Really?”
Tinignan naman kami ni Thanatos bago sagutin ang tanong ni Hecate.
“I found out you are enjoying so what way to better keep the fun up than joining one.”
“Why are you here Thanatos?” Tanong ko at lumapit sa kanya.
“Good question Your Highness. You are being summoned by your father, Hades.”
Napakunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Parang kanina lamang ay iniisip ko kung kailan ko magkakamisyon ngunit ngayon pakiramdam ko ay nasagot na ito.
“Till next time, Little Prince.”
Yumuko si Hecate pagkatapos ay pinitik nya ang kanyang daliri at lumabas ang kanyang basket. Nginitianniya naman si Thanatos bago nagsimulang maglakad sa kabilang direksyon, sa tingin ko ay maghahanap na naman siya ng mga ingredients niya.
“Shall we, My prince?”
Tumango ako at sinundan siya pabalik sa palasyo. Katulad na lamang ng dati ay marami pa ring yumuyuko at nagbibigay galang sa akin. Ang iba ay nagtatago kaag nakikta nila ako o di kaya naman ay lumilihis ng landas.
Pagkarating sa palasyo ay nagdirediretso lamang ako sa paglalakad papunta sa throne room.
“In his private library, My prince.”
Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Tinaas ko ang aking kilay bilang pagtatanong ngunit nagkibit balikat lamang si Thanatos. Bumuntong hininga ako at lumihis ng landas.
Hindi ko maigilang maramdaman ang kaba dahil ang private library niya ay gingamit niya lamang kapag may ginawa akong hindi kaaya-aya. Napalunok ako ng maalala ko ang ma kaganapan noon.
Pagkarating doon ay napansin kong nakaupo siya sa osidian desk niya na lagi niyang ginagawa. Itim at ginto lamang ang makikita sa buong kwarto. Ang mga shelves ay kulay itim at may disenyong narcisus flowers na kulay ginto. Putii na may halong itim naman ang mga furnitures.
Lumapit ako sa mesa ni ama at yumuko ako upang magbigay galang.
Tumayo lamang ako doon at hinintay ang kanyang utos. Matagal pa bago niya ako pinaupo sa upuan sa harap ng kanyang lamesa.
“How are you?” wika niya habang nagsusulat pa rin at hindi tumitingin sa akin.
“I’m fine father. I’m now mastering my new abilities and i’m getting used to it by now.”
Hindi naman ako nagsinungaling ngunit hindi ko rin sinabi ang buong detalye sa sitwasyon ng aking kapangyarihan.
“Great, you will need that since I have a new mission for you.”
Napaupo ako ng maayos sa kanyang sinabi. Pagkatapos ng ilang linggo ayy bibigyan na niya ako ng bagong misyon.
“For real, Father?” Tumango lamang si ama at pagkaraan ng ilang saglit ay tumayo ito. Naglakad ito palapit sa akin at tinignan ako sa mata.
Napalunok ako dahil hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o matuwa dahil babalik na ako sa dating gawi ko.
“You will go to the Fae World.”