CHAPTER 24

2256 Words
Hinintay ko na lamang si Vaughn na magbihis at magayos nang kaniyang sarili at pagkatapos noon ay pupunta na kami sa head office kung saan sila nagiinspect nang mga lalaking papayagan nilang maging guwardiya. Inayos ko na muna ang mga gamit ko nang sa gayon ay hindi naman nakakahiya kay Vaughn. Balak ko ring maghanap nang matutulugan kong kwarto ngayong gabi sa bayan nang makakilos ako nang maayos sa aking misyon.   Hindi naman matagal ay lumabas nan ang silid si Vaughn kaya naman dali dali na kaming bumababa at lumabas sa gusaling tinitirhan niya. Akala ko ay dirediretso na kami sa head office ngunit nagulat ako nang lumiko siya sa isang gusali at napansin kong iyon ang kainan nang mga guwardiya dito. Napahawak ako sa aking tiyan nang maramdamang kumulo ito.   Bumuntong hininga ako at sumunod sa kaniya. Nakalimutan ko ring maggabihan kagabi kaya naman hindi na ako nagtataka na gutom ako ngayon. Madalas ay may dala akong mga baon na pagkain na mula kay Hecate kapag nasa misyon ako. Pagkapasok ay nahanap ko si Vaughn na nakaupo sa pangdalawahang mesa kaya naman dali dali akong lumapit sa kaniya. “Kailangan muna nating kumain baggo tayo pumunta doon.”  Tumango ako sa kaniyang sinabi at napahawak sa aking tenga nang sumakit ito dahil sa mga tunog na naririnig ko na sa buong silid. Hindi ko maiwasan ako mapapikit sa sakit at nagulat naman ako nang hawakan ako ni Vaughn sa aking balikat at bumulong. “Breathe Hunt, let the noise flow in and out of your ears.” Ginawa ko ang sinabi at matapos ang ilang minute ay naging normal nang muli ang aking panrinig.   Tumingin ako sa kaniya at nagpasalamat, tumango naman siya sa akin at nagsimula nang maglakad papunta sa isang mesa na puno nang pagkain. Bumuga ako nang hangin at sumunod sa kaniya. Napapdalas na ang pagligtas sa akin ni Vaughn at hindi ko alam kung totoo bang nagaalala siya sa akin o nais niya lamang ipalabas na kailangan ko siya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko ngunit nagsisimula nang maging malapit ang aking loob sa kaniya.   Nakapatong sa isang mesang gawa sa kahoy ang mga pagkain na sa tingin ko ay hindi ganoon kaaya aya sa mata. Napahinga ako nang malalim dahil hindi ko naisip na ganito pala talaga ang mga pagkain sa military. Halos sakop nan ang buong lamesa ang mga plato at bowl na may lamang pagkain. Kulay tsokolateng kanin na walang halong sahog ang nakalagay sa bowl habang dalawang piraso naman nang karne ang nasa plato. Kumuha ako nang isa at pumunta sa isang gilid upang kumuha nang kutsara. Nakalagay naman sa isa pang mesa ang lalagyan nang tubig at sa ibaba noon ay ang mga baso. Naisipan kong mamaya na lamang kumuha at kumain na lamang muna.   Bumalik ako sa mesa nang makuha ko na ang lahat nang kailangan ko at nakita kong nagsisimula nang kumain si Vaughn. Pagkaupo ay sinimuan ko na ring kumain at napatigil ako nang mapansin na hindi naman pala ganoon kasama ang lasa nang pagkain kahit pa ang pangit nang itsura nito. Nasanay lamang siguro ako sa luto ni Aling Maya na mukhang kaaya-aya na ay masarap pa.   Matapos naming kumain ay umalis na kami ni Vaughn, sinundan ko lamang siya nang hindi umiimik. Sanay naman na ako sa pagiging tahimik naming dalawa hindi ko lamang maintindihan kung bakit kami pa ang itinadhanang magsama sa ganitong sitwasyon. Pumasok siya sa palasyo at sinimulan ko namang kabisaduhin ang mga daan at pasikot sikot dito. Napansin kong gawa sa marble na kulay puti ang buong sahig nang palasyo.   May mga naglalakihang bintana sa isang gilid nang hallway habang nasa isang gilid naman ay ang mga arkong dalawang pintuan. Ang mga kurtina ay kulay na may halong ginto. Mukhang pati ang loob nang palasyo ay kapareho nang tema nang kaharian. Nakailang liko at akyat baba pa kami ni Vaughn bago siya tumigil sa isang single door. Walang kahit anong nakasulat sa mga pinto kaya naman malilito ka talaga kung para saan ang mga kwartong ito.   Kumatok siya at matapos ang ilang saglit ay bumukas ito kaya naman dali dali siyang pumasok sa loob. Huminga ako nang malalim at sumunod sa kaniya. Unang napansin ko ay ang malawak na mesa sa pinakadulong bahagi nang silid. Gawa ito sa kulay pulang kahoy at mayroon itong apat na upuan sa harapan. May mga armas sa isang gilid nang silid na nakakabit sa pader. Napansin ko ang dagger, espada, bow and arrow, at mayroon pang katana. Sa isang banda naman makikita ang isang malaki at mataas na bookshelves na sa tingin ko ay puno nang mga strategy books.   Sa likod nang mesa ay may isang upuan na malaki at sa pader noon ay map ana gawa sa kulay kapeng tela. Napansin kong iba iba ang kulay nang bawat kaharian at doon ko nakita ang Terra. Hindi ako makapaniwalang isa ito sa pinakamalking kaharian sa mundo nang mga Fae at halos doble ang sakop nito sa iba. Tinignan ko ang nakaupo sa mesa at napansin ang kaniyang kulay abong buhok na may halong tsokolate at kulay tsokolate naman ang kaniyang balbas. Makikita sa kaniyang balikat ang pagiging maskulado kaya naman tumayo ako nang tuwid at kahit papaano ay ibinaba ang aking paningin.   Lumapit si Vaughn sa lalaki at umupo sa may upuan. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila ngunit hindi pa ako umupo at tumayo lamang sa likod ni Vaughn at yumuko. Tumikhim si Vaughn marahil ay upang kuhanin ang atensyon nang lalaking nasa mesa. “Sir Maxum, I heard you are now accepting new sets of guards for our army?”  “Sir Vaughn, yes, yes I am. Her Majesty, Queen Miette wanted to stabilize the country by allowing more men in the army. I thought we don’t have to but she insisted, we don’t have any say to that.” Napatango tango naman si Vaughn at napansin kong napatingin sa akin ang lalaki kaya naman ipinakilala na ako ni Vaughn. “I would like to join my cousin in the military sir, he really wanted to be part of the army, so I suppose why not give it a try.”  Napatingin ako sa lalaki at yumuko, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik sa aking mata. Nagkatitigan kami nang ilang segundo at hindi naman ako nagpatalo sa kaniya. Maya maya pa ay tumikhim siya at inilihis na ang kaniyang panigin. “He is your cousin?” Tumingin sa akin si Vaughn at para bang nakikiusap ang kaniyang mga mata na makisakay na lamang ako sa kaniyang sasabihin kaya naman napatango ako nangg kaunti bago siya muling tumingin sa lalaki.   “Actually, Sir Maxum, I just recently know that he is my distant cousin. He was sent to the human world and was brought back only three months ago. He is still adjusting in our world, but I assure you he can do it.” Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa papuri sa akin ni Vaughn. Kahit kailan ay hindi ko naisip na mapupunta kami sa ganitong sitwasyon kung saan pupurihin niya ako kahit pa hindi niya alam kung sino ba talaga ako. Napaseryoso ako bigla nang tumikhim siya at mapatingin sa akin gamit ang kaniyang masamang tingin.   “I see, well let us try and see what he can do. You know I don’t accept weaklings in the army.”  Napatango naman si Vaughn at tumayo. Sumunod ako sa kanila at pumasok sila sa isang kwarto malapit lamang sa silid nang lalaking iyon. Katulad din nang buong palasyo ay gawa din sa bato ang pader at malalaking bintanang nakaarko nang patulis sa isang gilid. Kakaiba ang sahig dito dahil gawa ito sa kahoy hindi katulad sa ibang parte na gawa sa marble. Napansin kong napakalawak nang silid at may mga armas na nakalagy sa may cabinet. Huminga ako nang malalim nang maintindihan ang nais nang lalaki.   Nagtawag siya nang isang guwardiya at nakita kong malaki ang mga muscle nito kumpara sa akin ngunit mas matangkad ako sa kaniya. “This is cadet Louie, he will be fighting… uh, what is your name young man?”  “I am sorry sire, but my name is Hunt.”Wika ko at yumuko nang mababa upang magbigay nang galang. Napatikhim naman ang lalaki at ipinagpatuloy na ang kaniyang sinasabi. “As I was saying, this lad right here is Louie and it would be nice to see the both of you in a duel, if that is okay with Sir Vaughn.”  “Ofcourse, Sir Maxum, anything will do. I also wanted to see what Hunt is capable of.” Tumingin sa akin si Vughn at nginisihan ako. Hindi ko naman maiwasan ang mapangisi pabalik. Hindi nila alam na ssimula pagkabata ay nasanay na ako sa mga parusa ni ama sa akin. Hindi ko maintindihan kung para saan ang mga iyon ngunit kahit wala akong ginagawang mali ay napapalo ako sa iba’t ibang parte nang aking katawan. Mabuti na lamang at magaling manggamot si Hecate at Apollo kung hindi ay puno na nang peklat ang aking katawan.    Mabilis ding maghilom ang aking mga sugat dahil may dugo akong diyos kaya naman madalas ay tatlong araw lamang nawaawala na ang mga scar na malalim. Tiniis ko ang mga ito dahil kapag tinatanong ko ang aking ama kung para saan ang mga parusa niya ay dinadagdagan niya pa nang isa ang bawat palo niya sa akin kaya natutunan ko na lamang tumahimik.   Iginiya nila kaming dalawa ni Louie sa gitang bahagi nang silid. Hindi naman nila kami binigyan nang armas kaya sa tingin ko ay kamay lamang ang aming gagamitin sa pakikipaglaban. Hindi ko rin naman ito problema sa akin dahil kaya ko namang lumaban nang walang kahit anong armas o kapangyarihan. Huminga ako nang malalim at tumingin sa lalaki. Seryoso lamang ang kaniyang mukha kaya naman sigurado akong mahirap itong talunin. Napatingin ako kay Vaughn at tinanguhan niya ako kaya naman ibinalik ko sa kaniya iyon gamit ang aking ngisi.   “Fight!” Wika ni Sir Maxum at dali dali naman kaming kumilos.  Nagikutan lamang kami noong simula at tinitignan namin kung sino ang unang aatake. Pinagmamasdan ko lamang ang kaniyang mga galaw dahil hindi ko pa nakita kung papaano talaga kumilos at makipaglaban ang isang Fae sa isang Fae kaya naman medyo dehado ako sa bagay na iyon. Ang alam nila ay isa akong Fae ngunit kahit anong uri nang pakikipaglaban nila ay wala akong alam. Hindi ko alam kung papaano ko maipapanalo ito ngunit naniniwala ako sa aking lakas.   Matapos ang ilang saglit ay siya na mismo ang umatake sa akin gamit ang kaniyang kamao. Dali dali naman akong napagilid upang iwasan ito at napansin ko naman ang pangalawa niyang atake at kasabay noon ay ang pagtadyak niya sa akin. Mabilis na iniwasan ko ito at tumalon patalikod. Sumunod siya sa akin at patuoy lamang sa pagsuntok at pagtadyak sa akin ngunit kahit minsan ay hindi niya pa ako natatamaan.   Mukhang idnadaan nila sa bilis at lakas ang kanilang pakikipaglaban kaya naman naisip kong suntukin siya nang mabagal at madali niya naman itong nasalag sabay ngisi sa akin. Nang mahawakan niya ang aking kamay ay ginamit ko iyon upang ikulong siya sa aking kaliwang kamay at pabalibag na itinapon sa sahig. Matapos nang atakeng iyon ay mabilis akong lumayo at tumayo nang maayos.  Napansin kong madali naman siyang nakarecover sa atakeng iyon at tumingin siya sa akin nang may galit sa knaiyang mga mata. Dali dali siyang tumakbo sa aking gawi at mabilis na pinagsusuntok at pinagtatakdyak ako sa iba’t ibang bahagi nang aking katawan. Hindi ko alam kung nakikita pa ba nila kaming dalawa nang maayos dahil pakiramdam ko ay lumilipad na kaming dalawa dahil sa bilis namin. Mukhang nagagamit ko rin ang aking Fae blood kahit hindi ko ito gustong gamitin. May advantage din pala ito sa mundong ito.    Nagsalubong ang aking kamao at ang kaniyang tadyak at halos napatilapon kaming dalawa palayo sa isa’t isa. Napaluhod ako sa sahig at napapunas sa aking noo nang makaramdam ako nang pawis doon. Ilang buwan na ang nakalipas bago ako muling nakipaglaban kaya naman hindi na nakakapagtakang medyo bumaba ang aking resistensya sa pakikipaglaban. Tumayo ako at tinignan ang aking kalaban na dahan dahang ding tumayo ilang metro ang layo mula sa akin.  Nagkatiginan kami at naisip kong tapusin na ang laban na ito.   Sabay kaming tumakbo papunta sa isat isa at nakita ko na agad ang kaniyang plinaplano kaya naman dali dali akong tumalon pataas at tinadyakan siya sa kaniyang likod at mabilis akong tumakbo sa kaniyang harap upang suntukin siya sa kaniyang sikmura. Pakiramdam ko ay lumipad lamang ako sa bilis nang aking galaw at nakahiga nang muli ang aking kalaban. Hingal na hingal akong hinintay ang kaniyang pagbangon at nang matapos ang halos dalawang minute ay ako na ang itinanghal na panalo. May lumapit namang mga healer na nakasuot nang kular berdeng roba at binuhat ang lalaki palabas nang silid. Nang mahabol ko na ang aking paghinga ay dahan dahan akong nagalakd papunta sa pwesto nina Vaughn.   Tumukhim ang alaking tinatawag niyang Sir Maxum kaya naman napatingin ako sa kaniya. “I see you have quite the strength young man, you have the potential. However, you are still required to train for three weeks then join the commencement battle where we choose the best among the best. Your training starts tomorrow, goodluck!” Wika niya at tumango sa aming dalawa ni Vaughn at mabilis na umalis nang silid na iyon
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD