“Your training starts tomorrow, Goodluck!” wika niya at tsaka tumango sa direksyon ni Vaughn bago mabilis na lumabas nang silid. Nang mawala na siya sa aming paningin ay tahimik lamang kaming dalawa ni Vaughn at hinintay na mawala ang kaniyang yapak bago siya muling tumingin sa akin. Matagal na nagtitigan kami at matapos iyon ay napangisi siya sa akin. “I did not know you could fight.”
“There are a lot of things you do not know about me.”
“Quite true, but you did great there. I thought you just discovered your Fae heritage how come you know how to use it?” Napatingin ako sa kaniya at napaisip din sa kaniyang sinabi. Paano ko ng aba nagamit ang aking enhanced senses kanina nang hindi ko man lamang namamalayan? Napailing ako at sumeryoso naman ang kaniyang mukha.
“You need to train your skills and power, Hunt.” Kailangan ko ring ibalik ang aking kapangyarihan bilang diyos. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan ang sinasabi niyang meron ang mga Fae ngunit wala akong ideya sa bagay na iyon. Ang enhanced sense at ang shifting lamang ang alam ko at sa totoo lamang ay nais ko nang imaster ang pagshapeshifting nang sa gayon ay mas madali na para sa akin ang kontrolin ito at hindi ko na muling maramdaman ang sakit na naramdman ko noon. “I plan to train, Vaughn. I just don’t know where and when.”
Huminga ako nang malalim at napahilamos sa aking mukha. Hindi inaakalang ganito kadami ang magiging problema ko pagkarating ko sa mundong ito. Hindi ko alam kung uunahain ko bang itrain ang aking Fae abilities o ang ibalik ang aking God connection. Mukhang naramdaman naman ni Vaughn ang aking problema kaya naman napabuga siya nang hangin at mas lumapit sa akin. “Listen, how about we train your Fae abilities and powers?”
“We?” gulat na tanong ko at napatingin sa kaniya habang nakakunot ang aking noo. Ano kayang pinaplano nang lalaking ito? “Yes, we. I am a Fae and do you know anyone else here who could help you?”
Hindi ako sumagot at mukhang naging sinyelas na sa kaniya ito kaya naman sinagot na niya ang kaniyang sarili. “Exactly my point. Now, do you agree to train with me?”
Napaisip ako sa akniayng sinabi, kung tutuusin naman ay wala na akong ibang pagpipilian. Hindi ko rin naman alam kung papaano gumagawa ang kapangyarihan nang mga Fae at wala rin akong sapat na oras upang maghanap pa nang libro at basahin ito. Mukhang siya na lamang ang pagasa ko kaya naman tumango nalamang ako at napansin ko naman ang kaniyang ngisi. “Don’t worry, I won’t make it easy for you.” Napairap na lamang ako nang aking mata at nagsimulang maglakad. Sumunod naman siya sa akin pabalik sa kaniyang silid.
“Where you going?” Ngayon ay nagiging madaldal na siya, hindi niya ba naisip na hindi kami magkasundo nang nasa bahay kami nang lola niya? Mukhang napapalapit na nga kami sa isa’t isa kung nakakaramdam na siya nang comfort sa presensya ko. Napabuntong hininga ako at kinuha ang aking mga gamit. “I need to find a place to stay. I can’t just stay here forever you know.”
“Right, but trainees like you have their own bedrooms in one of the buildings here. Come with me.” Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya palabas nang gusali habang bit bit ang aking mga gamit. Naririnig ko ang mga tunog na gawa ni Silas sa aking isipan at pakiramdam ko ay nais niya na namang lumabas sa aking katawan.
Mabuti na lamang at kahit papaano ay nacontrol ko siya. Pumunta kami sa pinakadulong bahagi nang mga gusali at habang palayo nang palayo ang tinatahak namin ay paliit nang paliit ang mga gusali. Mukhang nasa pinakaunang bahagi nang parteng ito nang palasyo ang mga nasa matataas na ranggo katulad ni Vaughn.
Pumasok siya sa tatlong palapag na gusali at napansin kong hindi ganoon kaganda ang gusali kumpara sa gasuling tinitirhan ni Vaughn. Pagkapasok ay walang kahit sino ang makikita sa unang palapag at ang mga upuan ay halos sira sira na din. Iba iba ang kulay nang mga punda nang unan at may nga kalat pa sa iba’t ibang parte.
Nang magsimula kaming maglakad ay napansin kong tumutunog ang sahig na gawa sa kahoy at ang iba ay hindi na kapantay ang ibang kahoy. Napahinga ako nang malalim ng mapagtanto kong kailangan kong magsimula sa pinakamababa.
Masyado na akong madaming napagdaan sa mundong ito kahit pa tatlong buwan pa lamang ako dito. Hindi ko alam kung hanggang saan pa ang aabutin nito ngunit sinisigurado kong aangat din ako. Umakyat kami hanggang sa pinakadulong palapag at kumaliwa patungo sa pinakadulong pinto. Ang mga pinto ay mukhang pinagtagpi tagping mga kahoy lamang mabuti na lamang at walang butas sa mga ito. Pagkapasok sa silid ay isang kamang maliit na walang gutson, isang mesa at isang upuan, isang cabinet, at isang pinto na papuntang banyo.
Sobrang sikip nito at pakiramdam ko ay hindi na kami magkakasya kapag pinapunta ko rito sina Hermes, Aphrodite, at Apollo. Mainam na ding walang amoy o kahit anong butas sa mga pader at kisame kaya kahit papaano ay masasabi ko namang disente na ang kwarto. Umupo si Vaughn na kama at tumunog pa ito. Napailing iling na lamang ako dahil hindi ko naisip na mabuhay nang ganito sa mundong ito. “Well, I guess you need to get settled. Let’s train tomorrow morning, in the training tracks.”
Napakunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinnabi. Nais niya kaming magensayo doo? E doon madalas nageensayo ang mga guwardiya tuwing umaga. Nais niya ba akong ipahiya sa iba? “That is our meeting place, I’ll think of a place where we can freely shift in our animal forms.” Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango at panoorin siyang umalis nang aking silid.
Nang hindi ko na marinig ang kaniyang yapak ay napabuga ako nang hangin at napahiga sa aking kama. “I need to get out Hunt.” Wika ni Silas maya maya sa aking isipan.
Dali dali akong umupo at inisip kung papaano muling palabasin ang aking mga pakpak. Inisip kong padaluyin ang kapangyarihan sa aking katawan ngunit nang ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring nangyari. Napabuga ako nang hangin masyado na akong nafrufrustrate nang mga bagay na hindi ko kayang gawin at walang handing tumulong sa akin. “You need to free your mind of anything Hunt, that way you can focus on your shifting a lot faster.” Ginawa ko ang sinabi ni Silas sa aking isipan at unti unti ko nang naramdaman ang malamig na enerhiya na dumaloy sa buong katawan ko.
Napahugot ako nang hininga nang makaramdaman nang ginhawa at para bang nawala ang lahat nang pagod ko sa pakikipaglaban ko kanina. Unti unti itong dumaloy sa buo kong katawan hanggang sa makarating ito sa aking isipan. Nakita ko ang makulay na enerhiya na nagpaikot ikot sa pakpak na nasa isipan ko at mula doon ay unti unti ko nang naramdaman ang bigat sa aking likuran.
Nang mawala ang enerhiya ay unti unti ko nang binuklat ang aking mga mata. Nagulat ako nang makitang may mga balahibo nan ang ibon ang aking buong kamay kaunti na nalang ay parang tutubuan na ako nang mga talon. “Normal lamang bai to Silas?”
Narinig ko ang mahinang tawa niya na para bang tuwang tuwa siya sa akin. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda nang pagkakaitim nang mga balahibo dahil parang kumikinang ito kapag nasisinagan nang araw ngunit bumbabalik agad sa pagiging matte pagkatapos. “Yes, Hunt. That is completely normal. Soon you will be able to shift to your full animal form.”
“That means I will become a bird? Like complete bird?” Hindi makapaniwalang tanong ko at umoo naman siya. Hindi ko maimagine ang itsura ko bilang isang ibon, sa dinami dami nang hayop na pwedeng kong makuha ay bakit ibon pa? “Don’t worry, you can shift anytime and anywhere you like. Once you fully shift, you can easily control your shift abilities.” Napabuga ako nang hangin at muling pinagmasdan ang aking anyo. Naisipan kong maligo nang hindi nagshishift kaya naman pahirapan para sa akin ang pumasok sa banyo dahil sa laki nang aking mga pakpak.
Mukhang magiging isang malaking ibon ako base sa laki nang aking mga pakpak. Doon ko lamang napagtanta na ang mga hindi normal na laki nang hayop ay mga Fae. Bakit ngayon ko lamang ito naisip? May iba pang kakayahan ang Fae katulad nang glamour kung saan kaya nilang itago ang anyo nila upang maging tao, katulad ito nan gaming mga sparkle kung saan itinatago naming mga diyos ang aming god form. Matagal na kinapa kapa ko ang aking mga pakpak at balahibo at hindi ko maiwasan ang mapangiti. Nagulat ako dahil hindi naman madaling ngumiti kaya napailing ako. Masyado na akong naiimpluwensyahan nang mga Fae na ito kailangan kong magingat.
Matapos kong maligo ay nagshift na ako sa aking human form at umupo sa sahig nang aking silid. Sinigurado kong sarado ang lahat nang pint at bintana bago ko muling sinubukan na tawagan ang aking god connection. Sa ganitong paraan ko lamang mas madaling macocontact sina Hermes kaya naman wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang gawin ang ritwal. Huminga ako nang malalim at pumikit. Muli akong naglakbay sa aking isipan hanggang sa makita kong muli ang bola nang enerhiyang nakolekta ko kaninang umaga.
Sa oras na ito ay bumuga ako nang hangin at tinawag ang mga enerhiyang nagkalat sa buong paligid. Halos mawalan ako nang hininga dahil sa pilit na pagtawag nang mga ito. Kailangan nito ang matinding konsentrasyon at ang aking sariling enerhiya kaya naman halos manghina ako sa paggawa nang ritwal ngunit hindi pa roon nagtatapos. Gamit ang aking isipan ay binuksan ko ang aking sarili sa ganitong paraan lamang makakapasok sa aking katawan ang mga enerhiya. Pagbukas nang aking mga mata ay doon ko lamang muli nakita ang aking tunay na sarili. Mahaba at kulot ang aking itim na itim na buhok.
Sobrang itim din nang aking mga mata at parang walang kahit anong liwanang ang makakapasok dito. Napansin kong nagloglow ang aking balat na para bang may ilaw sa loob nito, Napansin ko ang aking tenga at halos hindi ak makapaniwalang patulis ang dulonito katulad nang sa mga Fae. Mayroon akong dalawang sungay sa aking temple at pacurve ang dalawang ito. Makikita rin sa aking likod ang isang itim na pakpak na halos sumayad dahil sa haba nito.
Ang enerhiya ay lumalabas sa aking sarili katulad nang mga nakikita ko sa ibang mga diyos. Hindi ko akalaing ganito ang itsura ko ngayong nalaman kong dalawang uri ang dugong dumadaloy sa aking katawan.
Hindi ko mapigilan ang mapatitig pa lalo dahil sa kakaiba kong itsura. Unti unti ko namang naramdaman ang mga enerhiya na pumapasok sa aking katawan kaya napatingin ako sa bola nang enerhiya sa gitnang bahagi at doon ko lamang napagtantong unti unti na itong umiilaw at lumalaki. Nang sapat na ang enerhiya para sa ritwal ay unti unti nang lumutang ang energy ball paikot sa aking isipan at inikutan nito ang aking dual Fae-God form. Unti unti itong pumasok sa aking katawan at pagkatapos ay sumabog sa loob.
Napamulat ako nang aking mga mata at napagtanto kong wala na ako sa aking isipan. Napahinga ako nang maluwag at unti unting inangat ang aking kamay upang subukan ang aking God form. Binuksan ko ang aking palad at mula doon ay may itim na usok ang unti unting nabuo. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang mapagtanto kong bumalik na ang aking God form. Dali dali kong tinawag gamit ang aking connection si Hermes. “Hey cousin what’s up.”
Hindi ako nagsalita at hinintay na siya mismo ang makadiskubre nang nangyayari. Ilang minuto akong tahimik at napangiti na lamang ako nang marinig ang kaniyang mura sa aking isipan. “What the, you got your powers back!!” Napatawa na lamang ako dahil maski ako ay hindi makapaniwalang nakuha ko nang muli ang aking kapangyarihan. Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam dahil buong buhay ko ang god form ko ang naging sandalan ko mula sa mga p*******t at parusa ni ama sa akin.
“I worked hard for that, anyway, any news?”
“Nothing but we did found out that Hades went to Terra for a couple of years before you were born.” Napatahimik ako sa kaniyang sinabi. Ibig sabihin b anito ay nanirahan si ama dito sa kahariang ito? Bakit? Hindi kaya isang mamamayan nang Terra ang aking ina? “Do you think my mom lives here?”
“I think so, and one more thing Hunt. I found a book that is written in an ancient Fae language. We decoded the title and I think it is about a Fae and a God. Do you think you can decode it?”
“I think I can work it out. You think it has something to do with my mom?”
“I think it has something to do with history, Hunt.” Seryosong sabi niya at hindi ko mapigilan ang mapatigil. Minsan lamang magseryoso si Hermes at sigurado akong importante bagay iyon. I think my life will be as twisted as bloodline. Napabuga ako nang hangin at pinatay ang tawag bago humiga sa aking kama. I really need to get into the palace library as soon as possible.