“The crow is the animal spirit of the royal family of Terra Kingdom.” Dagdag niya at napatigil ako nang mapagtanto ang kaniyang sinabi. Pakiramdam ko ay gumuho ang aking mundo. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman, Ibig sabihin ba nito ay may dugong bughaw ako sa mundong ito? Ngunit dugong bughaw din ako sa Underworld. Hindi ko maiwasan ang mapaisip kung sino ang aking ina.
“What do you mean?” bulong ko dahil pakiramdam ko ay wala na akong boses upang magsalita matapos ang nalaman ko. Tahimik pa rin si Silas sa aking isipan ngunit alam kong nakikinig siya sa paguusap namin ni Vaughn. Nakita kong huminga nang malalim si Vaughn at napahilamos sa kaniyang mukha. Hindi siya makapaniwalang tumingin muli sa akin at lumapit. “You are the son of King Jian, the only heir of the Kingdom of Terra.”
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya. Anak ako nang hari? Ngunit si Hades ang aking ama. Napailing iling ako at hindi ko na alam kung ano ba talaga ang aking papaniwalaan. Alin ba talaga ang katotohanan? Napatawa ako at napailing, pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa mga bagay na nalalaman ko. “That can’t be.”
Nakita kong napakunot nang noo si Vaughn dahil sa aking sinabi. Huminga ako nang malalim bago ang simulang magpaliwanag. “I have a father, he told me my mother is here in this world. How come I am a son of the Fae King?” Wika ko matapos nang ilang segundo. Sigurado akong ang aking ina ang Fae dahil si Hades ang aking ama. I am known as the crown prince of Underworld after all. He would not be giving me a crown if I am not the real heir.
“There are no women-born royalty since the last last last generation. Only King Jian is the Silveterra born from the last generation and his child for this generation. And I bet that you are the child for this generation. It is you.” Napakunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. Kung tama ngang si King Jian ang aking ama, sino ang aking ina? Ibig sabihin ba nito ay hindi talaga ako tunay na anak ni Hades?
“If King Jian is my father, then who is my mother?” Mahinang bulong ko sa aking sarili na sigurado akong narinig din naman niya. Gulong gulo na ako at hindi ko alam kung paano sisimulan ang paghahanap sa aking sarili. Hindi ba masyadong naging cruel sa akin ang mga Fates at ganito ang binigay nilang tadhana ko?
Narinig ko ang buntong hininga ni Vaughn at matapos ang ilang saglit ay nag-aya na siyang bumalik. “Come back here tomorrow if you want to practice and master your powers. You have training to attend to, it’s better if we leave now.”
Wala na akong nagawa kung hindi ang sundan siya pabalik habang punong puno ang aking isipan nang mga katanungan. Pagbalik sa aking silid ay hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Hermes ang mga nalaman ko ngunit napagisip isip ko na sasabihin ko na lamang ito mamayang gabi. Huminga ako nang malalim at pumasok sa banyo upang maligo.
Kailangan kong magtraining dahil kahit gaano kagulo ang aking buhay ay kailangan ko pa ring matapos ang aking misyon. Kahit kailan ay hindi ko inabanduna ang mga misyon ko at hindi ko rin ito tinitigil. Plano ko ring pumunta sa library matapos ang aking training kaya naman nagdala rin ako nang papel at isang panulat. Hindi ko na muli kinausap si Silas dahil pakiramdam ko ay napagtaksilan ako kahit wala naman siyang ginagawa.
Nang makarating ako sa training grounds ay saktong magsisimula na ang training kaya naman itinigil ko na muna ang pagiisip nang mga bagay bagay at nagpokus sa training. Pinatakbo kami nang halos dalawampung beses sa buong training grounds. Sumabay ako sa pagtakbo nila at matapos ang kalahati ay naglagay sila nang mga obstacle course kaya naman nang matapos ay halos maubusan nang hininga ang mga kasabay ko sa pagtraining. Mabuti na lamang at sanay ang aking katawan sa ganitong bagay kaya naman hindi ako ganoong nahirapan.
Matapos iyon ay nagsimula na nila kaming turuan sa pakikipaglaban. Hindi maiwasan ang mapairap nang sobrang basic lamang ang tinuturo nila. Wala akong nagawa kung hindi ang magpanggap na walang alam upang hindi sila maghinala na kayang kaya kong ipasa ang training assessment nang kahit hindi sumasabay sa training nila. Sinubukan kong kausapin si Silas sa aking isipan ngunit hindi siya sumasagot sa aking mga tawag kaya napabuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy sa pagsuntok suntok nang mga wooden dummy na siyang pinagprapractisan namin.
Sa hapon ay nagduel lamang kami ngunit maswerte atang hindi ako natawag dahil hindi ko alam kung kaya ko bang itago ang aking lakas ngayong sobrang gulo nang aking isipan. Dali dali akong umalis sa training grounds at dumiretso sa library nang palasyo. Mabuti na lamang at nakasuot ako nang training guard uniform na ibinigay kanina kaya pinapasok ako sa loob.
Pagkapasok ay ganoon pa rin ang istilo nito sa loob katulad nang ibang parte sa palasyo. Marble na kulay puti ang floor at gawa sa bato na kulay puti naman ang pader. Ang ceiling ay gawa sa kahoy at ganoon din ang mga shelves at ang mga mesa at upuan. May mga tapiseryang nakasabit sa iba’t ibang parte nang silid ngunit iisa lamang ang nakalagay dito. Ang simbolo ng karahian, isang crow na kulay puti at ang background nito ay kulay berde.
Umakyat ako sa pangalawang palapag at naghanap nang pwesto kung saan hindi madaling mapansin nang mga tao. Naghanap ako nang libro patungkol sa mga hari nang kahariang ito at doon ko nakita ang Haring Jian na namatay limang taon na ang nakalilipas. Mabuti na lamang at may mga litrato ang mga hari dito mula sa pinakauna hanggang kay Haring Jian. Balak ko sanang hanapin kung ano ang itsura nang kanilang mga animal form dahil gusto kong makumpirma kung tama ba ang sinasabi ni Vaughn sa akin. Habang binbasa ang libro nang mga hari ay iisa lamang ang napansin ko. Halos magkakamukha ang mga lalaking anak na namuno sa kahariang ito.
Tinitigan ko ang mukha ni Haring Jian at ang kaniyang ama at halos matigilan ako sa sobrang laki nang pagkakahawig nila. Pareho silang itim at curly ang hanggang braso nilang buhok. May kaonti silang balbas, kulay dark hazel na may green flecks at pareho silang may sugat sa kanilang isang cheek. Hindi ko mapigilan ang titigan ang lahat nang hari at halos manindig ang aking balahibo nang makitang pare-pareho ang kulay at hugis nang kanilang mata simula sa unang hari.
Ito ba ang palatandaan nang mga Silveterra? Dali dali akong naghanap nang libro patungkol sa mga animal form nila at nang mahanap ko ito ay iginilid ko ang librong binabasa ko kanina. Huminga ako nang malalim bago ko binuksan ang libro. “Kingdom of Terra was built by a young man who helped the Gods in finishing their realm. His name was King Sebastian I. He wanted to make the Fae world as beautiful as a paradise so he asked some Gods to help them and in return they will allow the Gods to roam around their world. King Sebastian then established his kingdom and named it Terra from his surname Silveterra.”
Nangunot ang aking noo nang mabasa na nagtulungan ang mga diyos at ang mga fae noon. Hindi ba’t ayaw nila sa isa’t isa? Anong nangyari? Napahilot ako sa aking noo dahil sa mga bagong impormasyon na nalaman ko. Inilipat ko ang pahina nang libro at napatigil ako nang mabasa ang hinihanap kong sagot. “The Kingdom of Terra is also known as the Kingdom of Crows for their rulers have only one animal form; Crow. The Kingdom made crow as their sacred animal, for every 16th of June they celebrate the Crow Festival to honor the rulers.”
Paglipat ko sa kabilang pahina ay doon ko nakita ang animal form ni Haring Sebastian I. Sinubukan kong muli na magshapeshift sa aking animal form at gumawa din ako nang salamin gamit ang aking kapangyarihan. Nang mapatingin ako sa aking sarili ay napatigil ako. Kamukhang kamukha ko ang animal form ng unang hari sa kahariang ito. Pareho kaming kulay itim ang mga kabuohan habang ang aming pakpak ay purong itim na may halong kulay dark blue sa dulo nito. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa nadiskubre ko.
What does this mean? Isa ba talaga akong Silveterra? Ngunit paano? Dali dali akong nagshift sa aking human form at umupo sa silya. Tinitigan kong muli ang libro at dahan dahan tinignan ang ibang animal form nang mga naging hari. Parepareho silang crow ngunit iba iba ang kulay nito. May purong asul, may dark blue na may halong berde, may itim na may halong berde, at mayroon din namang purong itim lamang. Nang mapunta ako sa pinakahuling hari ay hindi ko maiwasan ang mapanganga dahil sa ganda nito. Kulay puti na may halong itim ang kulay nang kaniyang mga balahibo. Parang puti at nagfafade sa gray ang kinalabasan nito at siya lamang ang may ganitong kulay sa buong history nang Terra.
Dahil sa pagkabigla ay dali dali kong tinawagan si Hermes. “Hey cousin.” Masiglang bati niya sa akin. “Hermes, I have to tell you something.” Seryosong sabi ko at mukhang naramdaman naman ang pinsan ko ang kaseryosohan sa aking boses kaya naman sumeryoso din siya. Huminga ako nang malalim bago sinabi ang mga bagay na nadiskubre ko ngayong araw. “I shifted to a full crow.” Napatawa siya at hindi ko maiwasan ang mainis dahil doon. Walang nakakatawa sa sinabi ko ngunit kung makatawa siya ay para bang bumanggit ako nang isang joke. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang aking sarili.
“And I just discovered that the animal forms of the Silveterras are crow.” Nang matapos kong mabanggit iyon ay unti unti namang tumahimik si Hermes. Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa gulo nang mga pangyayari. Hindi ko na alam kung alin ba talaga ang katotohanan o kung may katotohanan pa ba sa mga nalalaman ko. “You mean, there is a possibility that you are a royal blooded Fae?”
“There is.” Mahinang wika ko at tsaka bumuga nang hangin. Muling tumahimik si Hermes at pakiramdam ko ay nagiisip din siya sa aking mga sinabi. “Maybe there are other crow forms Hunt, not just from the royal family.” Pangungumbinsi niya sa akin at napatango naman ako doon. Sana nga mayroon ngunit unti unti kong ipinakita sa aking isipan ang litrato nang animal form ni King Sebastian I at ang animal form na nakita ko sa salamin kanina. “What the heck?!” Rinig kong bulong ni Hermes.
“I know.” Pagkatapos kong ipakita ang litrato patungkol sa aking animal form ay ipinakita ko rin sa kaniya ang mga litrato nang mga naging hari sa Terra Kingdom. Maaari ko nang gawin ito dahil nakuha ko nang muli ang aking kapangyarihan kaya naman mas malakas na ang aking God connection. Sa ganitong paraan mas mabilis na makapagusap ang mga diyos na nasa iba’t ibang parte nang kani-kanilang mundo. “That is unbelievable.” Mahinang bulong ni Hermes.
Huminga ako nang malalim at iniligpit ang mga libro upang dalhin ito sa aking silid. Nagmadali ako sa paguwi at pagkapasok sa aking silid ay isinara ko ito bago ko binuksan ang portal mula sa kung saan Hermes at tinawag ko siya mula doon. Maya maya pa ay lumabas siya at napatingin sa akin nang may naglalakihang mga mata at naka nganga pa ang kaniyang bunganga. Sinarado ko agad agad ang portal pagpasok niya upang hindi ito maramdaman nang ibang mga diyos.
Hindi siya nagsalita kaya naman binigyan ko na lamang siya nang silya at pinaupo doon. Tahimik lamang kaming dalawa at halos nagpapakiramdaman. Mukhang hanggang ngayon ya hindi siya makapaniwala sa mga bagay na ipinakita at ginawa ko. Ngunit mas lalo na ako at hindi ko alam kung kakayanin ko pa ito nang magisa kaya naman tinawag ko na lamang siya gamit ang summoning spell na natutunan ko mula kay Hecate. Binigyan ko siya nang tubig matapos ang ilang sandali at umupo sa aking kama.
“Silas, please tell me if you feel someone’s coming. I need to talk to my cousin.” Naramdaman ko naman ang pagsangayon niya at nagpapasalamat naman ako sa bagay na iyon. Malakas ang pakiramdam nang mga Fae kaya naman sigurado akong mararamdaman ito agad ni Silas nang sa gayon ay hindi kami mabuko. Huminga ako nang malalim at humarap kay Hermes. “Welcome to Terra Kingdom Hermes.” Mahinang sabi ko at tumitig sa kaniyang mga mata.